placeholder image to represent content

Q1 FILIPINO 10

Quiz by Emelina Guzon

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga sumusunod ang mahalagang kaisipan na nakapaloob sa mitolohiyang “Cupid at Psyche?” 

    Hindi hadlang ang panlabas na kaanyuan sa tunay na pag-ibig

    Walang pagsubok ang makahahadlang sa tunay napag-ibig.

    Walang kapangyarihang makahihigit sa dalisay na pag-ibig

    Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.

    30s
  • Q2

    Ang mitolohiyang “Cupid at Psyche” ay nagtataglay ng mahalagang kaisipang “ang tunay na pag-ibig ay hindi sumusuko sa mga pagsubok.” Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maiuugnay mo sa mahalagang kaisipang ito?

    Patuloy na inaalagaan ng nanay ang aking amang tatlong taon nangnakaratay sa higaan.

     Ibinigay ng Diyos ang kanyang Bugtong na anak para sa Sanlibutan.

    Nagsikap sa pag-aaral si Norman upang makatapos ng pag-aaral.

     Nagtungo sila sa Mindanao upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

    30s
  • Q3

    “Nang malaman ni Venus kung ano ang nangyari kay Cupid, lalo itong nasuklam kay Psyche at siya ay pinahirapan nang husto.” Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa kayarian nito?

    Nainis

    Namuhi

    Naasar

    Nagalit

    30s
  • Q4

    Nangulila si Psyche sa kaniyang mga kapatid kung kaya’t humiling siya sa kaniyang asawa na sana’y makita niya ang mga ito.” Ano ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito?

    Nasabik

    Nagtampo

    Nalungkot

    Nagalit

    30s
  • Q5

    Nagtungo si Psyche sa tahanan ng mga diyos. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?  

    Tagatanggap

    Layon

    Tagaganap

    Kagamitan

    30s
  • Q6

    Ang mga sumusunod ay bahagi ng parabulang“Tusong Katiwala,” alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng katotohanan,kabutihan at kagandahang-asal?

    Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay.

    Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

    Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.

    Pinuri ng amo ang madayang katiwala, dahil sa katusuhang ipinamalas nito, sapagkat ang makasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay sa mundong ito.

    30s
  • Q7

    Ang mga sumusunod ay naglalaman ng mga elemento at kakanyahan ng mitolohiyang Cupid at Psyche. Anong teoryang pampanitikan ang masasalamin sa mga ito?

          I.  Si Psyche ay napakagandang babae kaya marami ang humahanga sa kanya na ikinagalit ni Venus.

           II.Inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang.

          III. Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang ngunit wala ring nagtangkang umibig sa kaniya.

            IV. Umibig si Psyche sa kanyang asawa kahit hindi niya nasisilayan ang mukha nito.

    Romantisismo

     

    Eksistensiyalismo

    Feminismo

    Humanismo

    30s
  • Q8

    Nagtungo ang katiwala ___ mga may pagkakautang sa kaniyang amo _______ palitan ang kasulatan ng kanilang pagkakautang. Ano ang mga angkop na gamiting pang-ugnay upang makompleto ang pangungusap?

    sa , upang

    0,sa                     

    ng,kung hindi 

    na, sa halip         

    30s
  • Q9

    Ang mga sumusunod na pahayag ay mga kaisipan at ideya mula sa “Alegorya ng Yungib,” alin sa mga ito ang nagtataglay ng di-makatotohanang pangyayari?

    Nalilimitahan ang kanilang kaalaman.

    Nakakadena ang kanilang mga binti at leeg.

    Nakakulong sila sa loob ng yungib.

    Hindi sila maaaring lumabas ng yungib

    30s
  • Q10

    “At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala-dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahen. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.” Tukuyin ang mga salitang magkapareho o magkaugnay ang kahulugan sa mga pagpipilian sa ibaba.

    Monumento at bato

    Monumento at larawan

    Larawan at imahen

    Tao at bilanggo

     

    30s
  • Q11

    Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa ating daigdig dulot ng pandemyang hatid ng COVID-19 maliban sa isa, alin ito?

    Nalimitahan ang bilang ng pasahero sa mga sasakyan.

    Ipinatupad ang pagsusuot ng face shield at facemask.

    Nagsarado ang mga pampubliko at pribadong pook libangan.

    Tumaas ang presyo ng mga bilihin tulad ng pagkain at gasolina

    30s
  • Q12

    Alin sa mga mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng ekspresyong nagbibigay ng sariling pananaw? 

    Sa tingin ng maraming guro, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nangangailangan ng tulong at suporta ng mga magulang.

    Ayon sa tauhang si Simoun ng El Filibusterismo,“ Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

    Alinsunod sa itinakda ng batas, ang lahat ng kabataan ay may karapatan sa libreng edukasyon.

     Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV,Seksiyon 6, ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

    30s
  • Q13

    Nanalangin ang mga nasasakupan ni Gilgamesh na nawa ay makalaya na sila sa kanya. Ano ang mahihinuha mong katangian ni Gilgamesh batay sa kilos ng kanyang nasasakupan?

    Masipag

    Makapangyarihan

    Mapang-abuso

    Matapang

    30s
  • Q14

    Binigyan diin sa mga epikong Pilipino ang matibay na bigkis sa relasyon, palitan at pagtutulungan, isang malalim nakahulugan ng komunidad, etnikong pagpapahalaga at pagmamahal sa kalayaan. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay katuwiran sa kahalagahang ito ng epiko?

    Pagtataglay ng mga katangiang masasalamin ang kulturang Pilipino

    Pagpapahalaga ng mga Pilipino sa tinatamasang kalayaan

    Patuloy na pagtangkilik at pag-unlad ng epikong Pilipino

    Pagkakatulad ng  mga kuwento ng epikong Pilipino

    30s
  • Q15

    May taglay na anting-anting si Amaya na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang kapangyarihan sa pakikipaglaban kaya iniilagan siya ng kaniyang mga tagasunod. Anong uri ng panandang pandiskurso ang may salungguhit?

    Pagtitiyak o Pagpapasidhi

    Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali

    Pagbabagong-lahad

    Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan

    30s

Teachers give this quiz to your class