placeholder image to represent content

Q1 Filipino Practice Test

Quiz by Lord_Enma

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Ano ang ibig sabihin ng pagsulat?

    Isang pagpapahayag ng kaalaman na maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon

    Isang sistema ng pakikipag-usap gamit ang teknolohiya

    Isang paraan ng pagkilala sa sarili

    Isang pansamantalang tala ng impormasyon

    30s
  • Q2

    Ano ang pangunahing layunin ng pansariling pagpapahayag sa pagsulat?

    Ibahagi ang sariling damdamin at ideya

    Magbigay impormasyon sa iba

    Lumikha ng malikhaing kuwento

    Gumawa ng teknikal na ulat

    30s
  • Q3

    Ano ang layunin ng impormasyonal na pagsulat?

    Makapagbigay ng emosyonal na inspirasyon

    Manghikayat ng mambabasa

    Magsalaysay ng personal na karanasan

    Maghatid ng kaalaman o impormasyon

    30s
  • Q4

    Sa pilosopiya ng pagsulat, ano ang ibig sabihin ng "isang proseso"?

    Isang hindi organisadong pamamaraan

    Walang kinalaman ang proseso sa pagsulat

    Isang biglaang paggawa ng teksto

    May sinusunod na sistema tulad ng balangkas, pagsusuri, at pagwawasto

    30s
  • Q5

    Ano ang kahulugan ng pagsulat bilang isang proseso at produkto?

    Ang pagsulat ay walang tiyak na resulta

    Ang proseso ng pagsulat ay laging may kaakibat na produktong teksto

    Ang produkto ay mahalaga ngunit hindi kasama sa proseso

    Ang pagsulat ay hindi kailangan ng produkto

    30s
  • Q6

    Ano ang dapat gawin ng manunulat sa pagbuo ng isang pagpapasya?

    Hayaan na lang ang proseso na magtulak sa kanya

    Hindi mag-isip tungkol sa layunin

    Pagpasyahan ang simula at hangganan ng tekstong isinusula

    Lumikha ng mga produktong hindi nagdedebelop

    30s
  • Q7

    Paano ang pagsulat ay isang pagtuklas?

    Hindi na kailangang magsaliksik pagkatapos makaisip ng paksa

    Hindi na nagbabago ang impormasyong ibinibigay

    Patuloy na nananaliksik upang mapaunlad ang impormasyong ibinabahagi

    Ang manunulat ay hindi nangangailangan ng dagdag kaalaman

    30s
  • Q8

    Ano ang ibig sabihin ng pagsulat bilang isang kasagutan?

    Para magtanong ang manunulat sa mga mambabasa

    Magbigay ng impormasyon lamang

    Walang kaugnayan sa tanong ng mambabasa

    Lumilikha upang matugunan ang mga tanong ng mambabasa

    30s
  • Q9

    Bakit mahalaga ang sariling pagkakaalam sa pagsulat?

    Hindi kailangan ng personal na karanasan

    Nayayaman ang kaalaman sa pamamagitan ng personal na aplikasyon

    Hindi na kailangang pagyamanin ang kasanayan sa pagsulat

    Nakadepende lang sa ibang tao ang pagkatuto

    30s
  • Q10

    Ano ang kahulugan ng pagsulat bilang isang paraan ng pakikipag-ugnayan?

    Mas importante ang teknikal na aspeto kaysa komunikasyon

    Naipapahayag ang lahat ng nais sabihin ng manunulat sa mga mambabasa

    Ang komunikasyon ay hindi bahagi ng pagsulat

    Hindi na kailangan makipag-ugnayan sa iba

    30s
  • Q11

    Ano ang kailangang taglayin ng isang manunulat upang mahulma ang kanyang katauhan?

    Magpadala sa emosyon sa lahat ng oras

    Maparaan, malikhain, may sistema, at marunong magpigil sa sarili

    Mabilis magsulat ng maraming teksto

    Mag-isip ng kaunting ideya lamang

    30s
  • Q12

    Bakit sinasabing pagsubok ang pagsulat?

    Madaling gawin ang pagsulat kahit walang kahandaan

    Hindi kailangan ng pagsubok sa pagbuo ng ideya

    Walang hamon sa pagsulat, basta may paksa

    Hinahamon nito ang malalim na pag-iisip ng manunulat

    30s
  • Q13

    Bakit nangangailangan ng mahabang panahon ang pagsulat?

    Dahil kailangan ng tiyaga at disiplina para mabuo ang teksto

    Hindi kailangan maglaan ng panahon basta't may balangkas

    Pwedeng tapusin agad kahit walang pag-isip

    Ang pagsulat ay laging mabilis na gawain

    30s
  • Q14

    Ano ang pangunahing layunin ng Akademya?

    Magsagawa ng teknikal na gawain.

    Mag-organisa ng mga social events.

    Isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan.

    Magbigay ng libangan.

    30s
  • Q15

    Ano ang ibig sabihin ng salitang “Akademiko”?

    Tumutukoy sa sining at musika.

    Tumutukoy sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral.

    Tumutukoy sa teknikal na gawain.

    Tumutukoy sa personal na opinyon.

    30s

Teachers give this quiz to your class