placeholder image to represent content

Q1 M3 Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Quiz by Carol-Lyn Salita

Grade 5
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Ang mga sumusunod ay pinagbasehan ni Peter Bellwood sa kanyangTeoryang Pandarayuhang Austronesyano (Austronesian Migration), maliban sa isa. Ano ito?

    Pagkakahawig ng mga kultura sa Timog-Silangang Asya

    Pagkakatulad ng mga pisikal na anyo ng mga taga Timog-Silangang Asya

    Pagkakatulad ng mga wikang ginagamit sa Timog-Silangang Asya

    Pagkakalapit ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya

    60s
  • Q2

    Alin sa mga pahayag na ito ang sumusuporta sa Teoryang Pandarayuhang Austronesyano (Austronesian Migration)?

    Dumating ang mga Austronesyano saPilipinas galing Taiwan noong 2500 B.C.E.

    Ang mga unang Pilipino ay nagmula sa isang malaking pangkat.

    Ang mga Austronesyano na nanggaling sa Indonesia ay nakarating sa Mindanao at kumalat pahilaga.

    Tatlong pangkat ng tao ang nakarating sa Pilipinas 25000 taon na ang nakalilipas.

    60s
  • Q3

    Sino an nagpanukala ng Nusantao Maritime Trading and Communication Network Hypothesis?

    Landa Jocano

    Peter Bellwood

    Wilheim Solheim II

    Henry Otley Beyer

    60s
  • Q4

    Paano nakarating sa Pilipinas ang mga Austronesyano ayon sa Teoryang Pandarayuhang Austronesyano?

    Naglakad sa mga tulay na lupa.

    Sakay ng malalaking bangkang balangay/

    Gumamit ng sasakyang pandigmaan.

    Naglayag gamit ang maliliit na bangka.

    60s
  • Q5

    Ang mga sumusunod ay mga lugar na narating ng mga  Autronesyano na nanggaling sa Pilipinas. Maliban sa isa, alin dito?

    Australia

    Indonesia

    New Guinea

    Malaysia

    60s
  • Q6

    Isa sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasabi kung bakit HINDI maaaring gamiting batayan ng pinagmulan ng tao ang mga mito. Ano ito?

    Walang sapat na ebidensiyang makapagpapatunay na totoo ang mga mito.

    May iilang taong nakasaksi na ang mga mito ay nangyari sa panahong hindi pa naisusulat ang kasaysayan.

    Ang mga mito ay bahagi ng panitikang Pilipino na nagmula pa sa ating mga ninuno.

    Ang pagkukuwento ng mga mito ay libangan ng maraming mga Pilipino.

    60s
  • Q7

    Sino ang mga unang tao sa Pilipinas ayon sa mitolohiya ng taga-Luzon?

    Sicalac at Sicavay

    Adan at Eva

    Ita o Negrito

    Malakas at Maganda

    60s
  • Q8

    Paano napatunayan na ang Taong Cagayan o Callao Man ang pinakaunang tao sa Pilipinas?

    Mga kasangkapang bato at labi ng malalaking hayop ang natagpuan sa Cagayan

    Nahukay na labi sa Tabon Cave sa Palawan

    Mga kasangkapang bato na ginagamit sa paghuli ng ibon, paniki at iba pang maliliit na hayop

    Natagpuang malalaking banga sa mga kweba

    60s
  • Q9

    Alin sa mga pahayag ang sumusuporta sa paniniwala ng relihiyong Kristyanismo hinggil sa paglikha ng mga unang tao?

    Si Malakas at si Maganda ang mga unang taong lumabas mula sa nabiyak na kawayan

    Sina SIcalac at Sicavay ang pinagmulan ng mga tao sa Pilipinas

    Nilalang ng Diyos ang unang tao sa katauhan ni Adan at Eva

    Isang lalaki ang napaibig sa isang babae na siyang ninuno ng mga Mandayas

    60s
  • Q10

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang katanggap=tanggap ang kaisipang ipinahahayag?

    Iisang lahi ang pinagmulan ng mga tao sa Pilipinas.

    Pinakamatandang tao ang Taong Cagayan o Callao Man na naninirahan sa Pilipinas batay sa mga kasangkapan at labi ng hayp na nahukay sa yungib ng Cagayan.

    Ang Taong Tabon ay higit na mahusay sa pangangaso kaysa Taong Callao

    Negrito ang unang pangkat ng taong nandarayuhan sa Pilipinas

    60s

Teachers give this quiz to your class