
Q1-ESP10
Quiz by Princess Oabina
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ano ang mataas na gamit ng kilos-loob ng tao?
Gamit ang kilos-loob upangbatayan ng pagiging mabuting tao.
Ang kilos-loob ang nagpapatunay na tama angpaghuhusga sa isang sitwasyon.
Dito nakasalalay angemosyon ng tao.
Umaasa ito sa panghuhusgang isip upang maging malaya sa pagnanais.
30s - Q2
Ano ang taglay ng tao upang maging iba siya sa hayop?
Ang tao ay may taglay nainstinct.
Ang tao ay may kakayahang makisama sa lahat ng nilalang.
Ang tao ay nilikha ng Diyos.
Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman sa tama at mali.
30s - Q3
Paano mo maipapakita na may kaalaman ka sa iyong ginagawa?
Ginagamit mo ang iyong isip kaugnay ng panlabas na pandama.
Ginagamit mo ang iyong instinct.
Ginagamit mo ang iyong isip kaugnay sa panlabas at panloob na pandama.
Ginagamit mo ang iyong panlabas at panloob napandama.
30s - Q4
Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?
Iniimpluwensyahan ng isip ang malayang pagkilos ng isang tao.
Ang isip at kilos-loob ay walang kaugnayan sa katangian ng tao.
Walang kakayahang diktahan ng isip ang ikinikilos ng isang tao.
Ang isip ay may sariling tungkulin upang maimpluwensyahan ang katangian ng isang tao.
30s - Q5
Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
Kahihinatnan
Kilos
Sirkumstansiya
Layunin
30s - Q6
Ano ang nagtulak sa tao na piliing maglingkod at tumulong sa kapwa?
Malayang pagnanais
Kamalayan sa sarili
Pagmamalasakit
Pagmamahal
30s - Q7
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nang angkop na kilos ng kakayahan ng tao na mahanap ang katotohanan at pagpapakita ng pagmamahal?
Sapat na alam mo ang dahilan ng pag-aaway ngiyong kaibigan ngunit wala ka sa lugar na itama sila.
Hindi mo naiintindihan kungbakit nagtatrabaho ang iyong magulang.
Hindi ka nakikialam sakaguluhan ng iyong mga kaibigan dahil ayaw mong madamay.
Nakikita mo ang sakripisyo ng iyong magulang kung kaya’t pinag-igihan mo ang pag-aaral.
30s - Q8
Ang kosensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
Makabubuti sa tao na kumilos nang tama.
Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos.
Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos.
Bahala ang tao sa kanyang kilos.
30s - Q9
Alin sa sumusunod ang kamangmangan na di madadaig?
Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid at walang nakakakita sa iyo.
Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahilsa awa ngunit makalipas ang ilang oras ipinambili lamang ito ng rugby.
Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makabubuti ito.
Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama.
30s - Q10
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming-uri at papag-aralin ang mga anak.
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangangalagaan ang ating buhay.
Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.
Bilang tao na nilikha ng Diyos, may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
30s - Q11
Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya?
Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali
Konsensiyang nahubog sa batas-moral
Mga batas ng mga mayawtoridad
Mga ipinapatupad na Batas
30s - Q12
Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
Upang matiyak na di magkakaroon ng pagtatalo sapagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kanyang isip.
Upang hindi malito sa kung ano ang pipiliin.
Upang matiyak na palaging ang tamang konsensya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
Upang makilala ng tao ang katotohanan nakinakailangan niya upang magamit niya nang
tama ang kaniyang kalayaan.
30s - Q13
Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddah sa pangungusap na ito? –Noong nakita ni Buddah ang apat na lalaki - isang matanda, may ketong, pulubi at bangkay, nakabuo siya ng buod ng buhay: ang buhay ay isang pagdurusa.
May kakayahang kumuha ng esensiya ng mga umiiral
Umiiral na nagmamahal
May kamalayan sa sarili
Tumutugon sa tawag ng paglilingkod
30s - Q14
Bilang mag-aaral, ano ang kailangan mong gawin upang makamit ang tunay na Kalayaan?
Magpost ng saloobin sa Social Media upang mapukaw ang makakabasa nito.
Kapag may nakikitang mali, wag itong pansinin.
Gawin ang nais na tama ngunit isinasaalang-alang ang kapakanan ng iba.
Sumunod sa batas ng paaralan at ng lipunan.
30s - Q15
Sa paanong paraan mo maipapakita ang tamang paggamit ng Kalayaan?
Wala kang pipiliing oras at lugar lalo na kapag tama ang gagawin mo.
Maging maingat sa mga gagawin at sasabihin na tama lalo na sa kaibigan.
Malayang gawin ang lahat ng gustong gawin sa kapuwa.
Gawin ang mabuti at tama kahit na ikaw lang ang mag-isang gumagawa nito.
30s