Q1-Module 3 and 4 Lagumang Pagsusulit
Quiz by Ofelia Calayo
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Suriin ang mga salita sa ibaba, Ilagay ang bawat salita sa tamang kategorya na nasa itaas.Â
Pagdugtungin ang mga pahayag sa kaliwang hanay sa mga pahayag sa kanang hanay upang makabuo ng isang kumpleto at mahalagang pahayag.
Nakapanood ng patalastas sa telebisyon si Nenita tungkol sa isang produkto ng sabon na nakapagpapaputi ng balat. Dahil sa kagustuhan niyang pumuti ay nagsabi siya sa kanyang nanay tungkol dito. Ano dapat ang sasabihin ng kaniyang nanay kay Nenita?
Nanonood ng isang pelikula si Kim sa telebisyon. Sa kalagitnaan ng palabas ay napansin niyang laging nag-aaway ang dalawang babaeng tauhan. Anong tamang pagpapasiya ang dapat na gawin ni Kim? Â
Ang magkaibigang Elijah at Noah ay naghahanap ng sagot sa Internet para sa kanilang takdang-aralin. Sa kanilang paghahanap ay may nabasang balita si Elijah at agad naman niya itong sinabi sa kaibigang si Noah. Paniniwalaan kaya agad ni Noah ang balitang sinabi sa kanya ng kaibigang si Elijah?
Hindi lahat ng balitang naririnig, nababasa o napapanood ay may katotohanan.
Sinusuri ko munang mabuti ang mga impormasyong napakinggan bago ito paniwalaan.
Inaalam ko muna nang mabuti ang aking balitang napakinggan bago ito ibahagi sa iba.
Lahat ng mga napapanood na balita sa telebisyon ay totoo.
Ito ay nangangahulugan ng pag-iisip nang mabuti, pag-iisip ng malalim, pagmumuni-muni, at pagtutuon ng pansin sa isang pangyayari, bagay o sitwasyon.
Isang umaga ay nakikinig ng balita si Mang Nicanor. Napakinggan niyang may paparating na malakas na lindol. Dahil sa kanyang sobrang takot sa napakinggang balita ay nagtatakbo siya sa labas upang sabihin sa kanyang mga kapitbahay. Kung ikaw si Mang Nicanor, gagawin mo din ba ang kanyang ginawa na marinig ang ganoong balita?
Nabasa ni Lola Feliza ang isang anunsiyo na magkakaroon ng bakuna laban sa tigdas para sa mga bata na mayroong edad lima hanggang sampu sa kabilang barangay. Naisip niya ang kaniyang apo na nasa edad siyam na. Dahil dito ay dinala niya agad ang bata sa nasabing barangay. Tama kaya ang naging desisyon ni Lola Feliza na pabakunahan ang kanyang apo?
Ang taong _________________ sa mga nakalap na impormasyon ay tanda ng may malawak na pang-unawa sa mga bagay-bagay
May kani-kaniyang _______________ ang bawat tao sa impormasyong napanood, nabasa o napakinggan.
Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa mga naririnig, nababasa o napapanood ay tumutulong sa atin para makuha, malaman, at maunawaan natin ang tamang __________.
Mahalaga na maging bukas ang isip ng mga mamamayan sa mga pangyayari sa ________________.
Ano ang dapat mong pinakikinggan upang malaman mo ang totoong nangyayari sa kapaligiran?
Ano ang pinakatamang paraan sa pagtuklas ng katotohanan?
Ano ang dapat mong gawin kapag hindi mo naintindihan ang impormasyong iyong nakalap?
Ano ang dapat gawin kapag may nagsasalita upang maintindihan ang sinasabi?