Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1
    1. Paano maipapakita ang pagiging mahinahon?
    Itaas ang tono ng boses sa pakikipagtalo.
    Huwag kausapin ang kaaway mo.
    Magpatawa kahit pa nakasasakit ng damdamin.
    Gumamit ng mga salitang hindi nakapananakit ng damdamin.
    30s
    EsP4P- IIa-c–18
  • Q2
    2. Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapwa?
    Bumababa ang pagpapahalaga at tiwala niya sa sarili.
    Mapapatawa niya ang iyong mga kaklase.
    Kagigiliwan siya ng marami.
    Makikilala siya bilang magaling magpatawa.
    30s
  • Q3
    3. May programa sa iyong paaralan. Nakita mo ang mga kasuotan ng iyong kaklase ay bago bukod kay Dulce na kupas at luma pa. Ano ang dapat kong gawin?
    Pagtatawanan si Dulce.
    Ibababa ang switch ng stage upang hindi matuloy ang palabas.
    Uunawain ko ang kalagayan ni Dulce dahil hindi lahat ng tao ay makabibili ng bagong kasuotan upang maiwasan ko din makasakit sa damdamin ng aking kapuwa.
    Hihilahin si Dulce upang hindi na siya makasali sa programa.
    30s
  • Q4
    4. Wastong salita na ginagamit sa paghingi ng paumanhin sa kapuwa.
    Pasensya ka na.
    Ikaw kasi!
    Di ko kasalanan iyon.
    Buti nga sayo.
    30s
  • Q5
    5. Nabalitaan mo na ang pamilya ng kaklase mo ay naapektuhan ng bagyong Ulysses. Nalaman mo na na-wash out lahat ang kanilang mga gamit at wala silang naisalba kahit damit man lamang. Ano ang pwede mong gawin upang maipadama sa kanya ang iyong pagtulong at pang-unawa sa kanilang kalagayan?
    Maghahanap ako ng mga damit na maaari pa nilang maisuot at ibibigay ko ito sa kanila.
    Hindi ko na lang papansinin ang balita.
    Sasabihin ko sa iba kong kaklase na sila na lang ang tumulong.
    Magkukunwari na hindi nabalitaan ang nangyari sa kanila.
    30s
  • Q6
    6. Napansin mo na walang imik lagi ang kapatid mo at laging malungkot. Nagkaroon ka ng pagkakataon na kausapin siya at siya pala ay dumaranas ng matinding kalungkutan dahil sa pandemya. Ano ang maaari mong gawin upang maipadama sa kanya ang iyong pang -unawa?
    Kausapin siya at sabihin na maraming nagmamahal at handang sumuporta sa kanya.
    Iwanan siya lagi at hindi kakausapin.
    Pagtawanan siya.
    Sabihin sa kaniya na hindi tama ang ikinikilos niya.
    30s
  • Q7
    7. Nasunugan ang kapitbahay ninyo at walang naisalba na gamit. Ano ang maaari mong gawin upang maramdaman nila ang iyong pakikiramay sa kanilang sitwasyon?
    Maghanap ng mga damit at pagkain at ibigay agad ito sa kanila upang maging lakas nila sa kanilang pagbangon.
    Kausapin sila at iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa at kayo ay handang tumulong sa abot ng inyong makakaya.
    Lahat ng nabanggit ay tama.
    Humingi ng tulong sa ibang mga kaibigan upang maging sapat ang maibibigay na tulong sa mga nasunugan.
    30s
  • Q8
    8. Narinig mo na napagalitan ng inyong tatay ang iyong nakababatang kapatid dahil di sinasadyang nabagsak ang cellphone na ginagamit niya sa kaniyang online class at ito ay nasira. Labis na nalungkot ang iyong kapatid dahil bukod sa wala na siyang gagamitin sa kanyang online class ay nagalit pa sa kaniya ang inyong tatay. Ano ang gagawin mo para maipadama sa kaniya ang iyong pagtulong at pang-unawa?
    Ipapahiram ko na lang sa kaniya ang aking cellphone kapag siya ay may online class kung hindi ko naman ito gagamitin.
    Hindi ko papansinin na napapagalitan siya ng tatay dahil tama lang na pagalitan siya.
    Itatago ko agad ang aking cellphone baka hiramin niya
    Tatawanan ko pa siya dahil napagalitan siya
    30s
  • Q9
    9. Nakita ni Jim na walang baon ang kanyang katabi sa upuan habang sila ay nagrerecess. Si Jim ay:
    Ipagpatuloy ni Jim ang pagkain sapagkat hindi naman niya ito kaibigan.
    Hahatian niya ng pagkain ang katabi dahil gutom na rin ito at walang baon.
    Sabihin niya sa ibang kaklase na bigyan ng pagkain ang katabi.
    Magkunwaring di pansin ang katabi,
    30s
  • Q10
    10. Naglalakad pauwi si Carla ng napansin niyang hindi makatawid ang matanda sa pedestrian. Ano ang kanyang gagawin?
    Bayaan niya na lang at hintayin na may ibang tutulong sa matanda.
    Itutuloy niya ang paglalakad dahil huli na siya sa klase.
    Hindi niya papansinin ang matanda.
    Tutulungan muna niyang tumawid ang matanda.
    30s
  • Q11
    11. Nalaman ng pamilya ni Luz na nagkasakit ng COVID ang isa nilang kabarangay. Ano kaya ang kanilang gagawin?
    Huwag pansinin ang may sakit.
    Sisihin at pandirihan ang taong may COVID.
    Iiwasan ang taong nagkasakit ng COVID
    Ipagbigay alam agad sa Health Center o Barangay ang balita at bigyan ng tulong.
    30s
  • Q12
    12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga?
    Sumigaw ng malakas si Nenita ng makitang nakahiga sa sala at nagpapahinga ang kaibigang si Nelly.
    Malakas na nagtatawanan ang magpipinsan habang natutulog ang kanilang tita.
    Tumitigil sa paglalaro ang magkapatid na Ador at Andoy tuwing natutulog ang kanilang lola sa hapon.
    Nilakasan ni Martina ang radyo habang natutulog ang kanyang ate.
    30s
  • Q13
    13.Nag-aaral si Angela ng kaniyang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao dahil magbibigay ng pagsusulit ang kaniyang guro. Maya-maya ay biglang dumating ang kaniyang mga kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
    Umalis na lamang at hayaan na mag-aaral si Angela ng kaniyang aralin.
    Patigilin si Angela sa kaniyang pag-aaral ng aralin.
    Ayain si Angela na mamasyal sa parke.
    Kausapin si Angela at isali sa usapan habang ito ay nag-aaral.
    30s
  • Q14
    14. Nasa silid-tulugan ang iyong lolong maysakit at kagagaling lamang niya sa ospital. Alam mo na kailangan niyang magpagaling ng mabuti. Ano ang dapat mong gawin upang ipakita ang iyong paggalang sa kaniya?
    Hindi ko babantayan si Lolo
    Babantayan ko si lolo palagi sa loob ng kaniyang silid.
    Ako na lamang ang magdadala ng pagkain sa silid ng aking lolo.
    Aayusin ko ang mga gamit ni lolo na nakakalat sa loob ng kaniyang silid.
    30s
  • Q15
    15. Pumasok ka sa loob ng silid-aklatan upang humiram ng aklat. Nakita mo ang iyong kamag-aral na lumabas at hindi isinauli ang mga aklat sa tamang lagayan. Ano ang gagawin mo?
    Hahayaan ko lamang dahil baka ako mapagbintangan sa maling ginawa ng aking kamg-aral.
    Sasabihin ko sa guro ang kanyang maling ginawa.
    Isasauli ko na lamang ang aklat sa tamang lagayan.
    Hahabulin ko siya at pagsasabihan upang mapaalalahan siya sa tamang paggamit ng mga aklat.
    30s

Teachers give this quiz to your class