Q2 - FILIPINO 4 (4th Summative Test)
Quiz by MARIA CHARISMA P. ANTONIO
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 5 skills fromGrade 4FilipinoPhilippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen
Correct quiz answers unlock more play!
- Q1
Dalawang linggo na lamang at kaarawan na ni Jillian.Sabik na sabik na siyang nagpaplano para sa kanyang parti.May listahan na siya ng kanyang mga kaibigang iimbitahin. Napag-usapan na nila ng kanyang nanay ang mga pagkaing ihahanda. Ang keyk mga lobo at iba pang kailangan ay may lugar nang bibilhan. Subalit isang masamang balita ang natanggap nila.Nadakip ng mga rebelde ang kanyang amang nagtatrabaho sa ibang bansa. Wala paring malinaw na balita hanggang sumapit ang bisperas ang kaarawan ni Jillian. Ano ang angkop na wakas para sa talata?
napagpasyahan nang mag- inang ituloy na ang parti.
hiniling ng lolo at lola ni Jillian na huwag nang ituloy ang parti.
naisip ng mag ina na pumunta sa lugar kung saan nagtatrabaho ang
kanyang ama.
napagkasunduan ni Jillian at ng kanyang ina na huwag nang ituloy ang parti.
300sF4PN-IIg-8.2 - Q2
Kinausap ng guro si Angela .Huling warning na ang ibinigay na iyon sa kanya. Kung hindi siya makakapasa sa huling markahang pagsusulit,tiyak na uulit siya ng grade 4 sa isang taon. Kaya malayo pa man ang iskedyul ng pagsusulit,gabi gabi nang nag-aaral si Angela. Nang matapos ang markahang pagsusulit.......
Sinabi ng guro na wala pang katiyakan kung pasado o bagsak siya.
Tinawag siya ng guro at sinabing bagsak lahat ang pagsusulit niya.
Ibinalita ng guro na tiyak na tiyak nang uulit siya ng grade4.
Ipinahayag ng guro na maganda ang resulta ng pagsusulit kaya pasado siya.
300sF4PN-IIg-8.2 - Q3
Nagulat si Gng. Nunez nang biglang umiyak si Nancy. Dali-Dali niyang pinuntahan ang anak sa silid nito .Namumutla at nakatutop sa kanyang tiyan si nancy.Patuloy ito sa pag iyak.
Dali-dali siyang pinainom ng tubig ni Gng.Nunez.
Pinahiga ni Gng. Nunez ang anak at pinatigil sa pag – iyak.
Mabilis na inakay ni Gng.Nunez ang anak at dinala sa doctor.
Awang- awa si Gng.Nunez sa anak kaya umiyak nadin siya.
300sF4PN-IIg-8.2 - Q4
Anak mahirap si Marie. Sa kabila ng kahirapan,nagsikap siya sa pag- aaral hanggang nakatapos sa kolehiyo. Dahil matalino,madali siyang natanggap sa isang malaking tanggapan. Nang sumunod na taon,itinaas na ang kanyang posisyon at nadagdagan ng malaki ang sweldo niya.Patuloy na kinilala ang husay at sipag ni Marie. Makalipas ang sampung taon……
si Marie na ang isa sa matataas na opisyal ng kanilang opisina.
si Marie ay kinaiinggitan at tuluyan ng lumipat sa ibang opisina.
si Marie ay nakipag- asawa at ibinigay ang kanyang panahon sa pamilya niya.
si Marie ay napagod na at maagang umayaw sa kanyang trabaho.
300sF4PN-IIg-8.2 - Q5
Napabalita ang pagkalat ng dengue sa barangay maligaya.Agad nagpatawag ng pulong ang kapitan ng barangay.Napag-usapan ang kahalagahan ng kalinisan sa paligid.Di naman nag aksaya ng panahon ang magkakabarangay.Nilinis nila ang kani-kanilang paligid.Ang lahat ng maaaring pamugaran ng mga lamok at iba pang insekto ay agad nilang inalis.Makalipas ang ilang araw,……….
hindi na nadagdagan pa ang bilang ng mga taong nagka-dengue.
lalong dumami ang mga taong may sintomas ng dengue.
sabay-sabay na gumaling ang mga nagkasakit ng dengue.
lumipat na sa kabilang barangay ang mga lamok at iba pang insekto.
300sF4PN-IIg-8.2 - Q6
Nakilala ko si Aling Nelia noong ako ay nag-aaral sa kolehiyo. Siya ay isang labandera. Siya lamang ang kumakayod sa kanilang pamilya. Mayroon siyang limang anak na pinag-aaral. Bakas sa payat niyang katawan ang hirap at pagod na kanyang pinagdaraanan. Anong damdamin ang ipinahahayag ng nagsasalita sa pangungusap?
pagkainggit
pagkaawa
pagkagalit
pagkamangha
300sF4PD-II-g-22 - Q7
Araw ng Pasko ngunit ayaw bumangon si Janella sa kanyang higaan. Nais niyang makita ang kanyang inang nagtatrabaho sa abroad subalit hindi ito nakauwi. Umiiyak na pinagmamasdan ni Janella ang larawan ng kanyang ina. Sabik na sabik na siyang mayakap ang kanyang ina. Anong damdamin ang ipinahahayag ng tauhan sa pangungusap?
pagkainis
pagkalungkot
pagkagalit
pagkainggit
300sF4PD-II-g-22 - Q8
Ang kambal na sina Tobi at Kobi ay namasyal sa kakahuyan. Habang abala sila sa pamimitas ng mga bunga ng kahoy ay may naramdaman si Kobi na may gumagapang sa kanyang paa. Nang yumuko siya upang tingnan kung ano ito, napanganga na lamng siya at natulala nang makita ang ahas na dumaraan sa kanyang paanan. Anong damdamin ang ipinahahayag ng tauhan sa pangungusap?
pagkalungkot
pagkatuwa
pagkatakot
pagkagulat
300sF4PD-II-g-22 - Q9
Maagang nagising si Sofia. Ngayon ang ika-10 kaarawan niya kaya dali-dali siyang naligo at inihanda ang sarili. Galak-na galak siyang lumabas ng kuwarto dahil sa sorpresang ihahanda sa kanya ng kanyang mga magulang. Anong damdamin ang ipinahahayag ng nagsasalita sa bawat pangungusap?
pagkamalungkot
pagkagalit
pagkatuwa
pagkahiya
300sF4PD-II-g-22 - Q10
Bagong lipat ng paaralan si Fate. Siya ay kinakabahan sa pagpasok sa paaralan. Nakaupo lamang siya sa isang tabi dahil baka siya ay awayin o hindi pansinin ng mga bagong kamag-aral. Anong damdamin ang ipinahahayag ng tauhan sa pangungusap?
pagkatuwa
pagkalungkot
pagkagulat
pagkatakot
300sF4PD-II-g-22 - Q11
Paano ang tamang pagkakasunod-sunod ng paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan?
1. Banlawang mabuti.
2. Patuyuin sa pamamagitan ng malinis na basahan.
3. Sabunin ang mga kasangkapan
4. Ilagay sa patuyuan o dish rack at hayaang tumulo ang tubig.
5. Ilagay ang mga huhugasan sa kanang bahagi ng lababo.
5 , 3 , 1 , 2 , 4
1 , 5 , 3 , 4 , 2
3 , 5 , 1 , 2 , 5
1 , 2 , 3 , 4 , 5
300sF4PN-IIh-8.2 - Q12
Basahin at unawaing mabuti ang maikling talata pagkatapos ay sagutin ang tanong sa ibaba.
Ang Lobo at ang Ubas
(Ang kwento ay galling sa Mommo Guide pahina 1)
Minsan ay inabot ng gutom sa kagbatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik sa hinog na bunga. “Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng mga ubas,” wika ng lobo sa sarili.Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.Nang mapagod na ay sumuko rin ang lobo at malungkot na umalis papalayo sa puno. “Hindi bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon,” ang sabi niya sa sarili.
Alin sa mga sumusunod ang pangalawang nangyari sa kwento?
Nakakita siya ng puno na hitik ng hinog na bunga.
Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.
Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.
Lumundag ang lobo at lumundag ng lumundag ngunit wala siyang nakuha.
300sF4PN-IIh-8.2 - Q13
Kung aayusin ang mga sumusunod na larawan. Alin ang mauuna?
300sF4PN-IIh-8.2 - Q14
Ang puto bumbong, bukod sa kilalang pagkaing Pinoy ay kabilang din sa tradisyon ng Paskong Pilipino. Ito ay kulay lila/ube at kakaning gawa sa giniling na malagkit na bigas. Isa ito sa mga pinakapopular na pagkaing mabibili tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi sumusuportang detalye sa teksto?
pinakapopular na pagkaing mabibili tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan
kulay lila/ube at kakaning gawa sa giniling na malagkit na bigas
kilalang pagkaing Pinoy
pinakamahal na pagkain tuwing pasko
300sF4PB-IIh-11.2 - Q15
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Filipino ay ang salitang “nabansot”.Isang bagay o tao raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso at ng diwa.
Tukuyin ang sumusuportang detalye ng talata.
Hindi maganda ang salitang nabansot.
Walang ibang uri ng pagkabansot.
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Filipino ay ang salitang “nabansot”.
Isang bagay o tao raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot.
300sF4PB-IIh-11.2