
Q2 FILIPINO 4 Modyul 3 Tayahin (Paksa at Di-Pamilyar na Salita)
Quiz by Christine Jerenlou Pedroso
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.
May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.
Ano ang paksa o tema ng teksto?
Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Maraming bagay ang matututunan natin sa pagbabasa. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala Avenue, Makati City. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba`t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
Sa umaga pagkagising ni Lena ay nagliligpit siya ng kanyang hinigaan. Natutuhan na din niya ang paliligo at pagbibihis ng damit pang-eskwela. Pagkakain naman ng almusal ay hinuhugasan na din niya ang kanyang pinagkainan. Si Lena ay batang masipag.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
Sundin ang mga alituntunin sa pag-iwas ng sakit na Covid-19
Hugasan nang madalas ang iyong kamay
Iwasan ang pakikisalamuha sa taong maylagnat o ubo.
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga ay magpakonsulta sa doktor.
Huwag baliwalain ang mga sintomas na nararamdaman.