Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
14 questions
Show answers
  • Q1

    Isinilang si Jose Rizal sa Calamba, Laguna noong Hulyo 19, 1861. Mayaman ang kanyang ama. Malawak ang kanyang taniman ng palay at tubo. Buhat sa mariwasang angkan ang kanyang ina. Mataas ang pinag-aralan nito. Si Jose Rizal ay tunay na mula sa nakaririwasang angkan. 

    Tungkol saan ang talata?

    Pinanggalingan ni Jose Rizal

    Kabataan ni Jose Rizal

    Katalinuhan ni Jose Rizal

    Kalayaan ni Jose Rizal

    30s
    F4PB-IIh-11.2
  • Q2

    Batay pa rin sa binasang akda sa itaas,  saan isinilang si Jose Rizal?

    San Pedro, Laguna

    Biñan, Laguna

    Calamba, Laguna

    Kawit, Cavite

    30s
    F4PB-IIh-11.2
  • Q3

    Batay pa rin sa kuwento sa Aytem #1, alin ang paksang pangungusap sa talata?

    Natuto siyang bumasa sa gulang na tatlong taon.

    Si Jose Rizal ay tunay na mula sa nakaririwasang angkan

    Isinilang si Jose Rizal sa Calamba, Laguna

    Mataas ang pinag-aralan nito

    30s
    F4PB-IIh-11.2
  • Q4

    Para sa Aytem  4, gamitin ang kuwento sa #1.

    Alin sa sumusunod na pangungusap ang sumusuportang detalye sa paksang pangungusap?

    Buhat sa mariwasang angkan ang kanyang ina.

    Mahirap lang ang buhay ni Jose Rizal.

    Marami siyang kursong natapos.

    Hindi siya nakapagtapos ng pag -aaral

    30s
    F4PB-IIh-11.2
  • Q5

    ANG BAGONG LIPAT

    Masayang minalas nina Tina at Oscar ang pinaglipatan ng kanilang bahay sa Carmona, Cavite. Ibang-iba ito sa pinanggalingan nilang barung-barong sa tabi ng malaking estero ng Maynila. Wala silang nakikita ritong maruming putik at basura at walang masamang amoy sa kanilang paligid. Sa halip, may maliit pa silang bakuran sa harap at likod ng kanilang bahay. Maaari sila ritong maglaro at magtanim ng ilang halamang namumulaklak at gulay. Kahit na maliit ang kanilang bahay na ipinagawa sa tulong ng pamahalaan, naayos nila ito. At ang pinakamahalaga sa lahat, sa kanila na ito. Maraming binabalak gawin si Tina at Oscar tungkol sa kanilang bakuran. Kabilang na sila sa mga pamilya na maganda ang hinaharap, lalo na kung magtulung-tulong ang mga tao sa pook na ito. Maaliwalas ang landas na kanilang tinatahak.

    Bakit masaya sina Tina at Oscar sa kanilang bagong kapaligiran?

    Higit na marami ritong tao kaysa pinanggalingan.

    Higit na malinis ito kaysa pinanggalingang lugar.

    Higit na maingay  kaysa pinanggalingan nila.

    Higit na marumi ito at mabaho kaysa pinanggalingan.

    30s
    F4PN-IIb-12
  • Q6

    Para sa Aytem # 6, gamitin ang seleskyon sa itaas.

    Kung malinis at maganda ang kapaligiran, ano ang magiging dulot nito sa mga tao?

    Nagkaroon sila ng kasiglaan.

    Nawawalan sila ng pag-asa.

    Walang katahimikan.

    Wala silang kasiglahan.

    30s
    F4PN-IIb-12
  • Q7

    Batay sa kuwento sa  #5, ano kaya ang ginawa ng magkapatid sa kanilang bakuran?

    Tinamnan ito ng mga halaman at gulay

    Ginawa itong laruan.

    Tinambakang ng mga bato.

    Tinambakan ito ng basura. 

    30s
    F4PN-IIb-12
  • Q8

    Gamitin ang kuwento na nasa #5, bakit kaya labis ang katuwaan nina Tina at Oscar sa bago nilang nilipatang bahay?

    Malapit lang ang bahay sa kanilang pinapasukang paaralan.

    Malaya silang makipagkwentuhan sa sinumang tao.

    Kahit na maliit ang kanilang bahay ito ay sarili na nila.

    Malawak ang kanilang mapaglaruan.

    30s
    F4PN-IIb-12
  • Q9

    May dalang mainit na kape sa mangkok ang nanay ni Lorna. Biglang nasagi ito ng kapatid niyang tumatakbo.

    Titimplahan niya muli ng kape ang nanay niya.

    Maaaring mabuhusan ng mainit na kape ang kapatid niya.

    Pagagalitan ang kapatid.

    Magtitimpla muli ang nanay niya ng kape.

    30s
    F4PB-IIa-17
  • Q10

    Anak-mayaman at may ginintuang puso si Patrick. Habang siya ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay may nakita siyang isang matandang nanlilimos.

    Sasamahan niya sa panlilimos ang matanda.

    Ihihingi niya ito ng pagkain sa isang malapit na restaurant.

    Kakausapin at tutulungan ang matanda.

    Ibibili niya ito ng bagong damit.

    30s
    F4PB-IIa-17
  • Q11

    Pangingisda ang hanapbuhay ng mag-amang Rick at Carlo. Sa kabila ng masungit na panahon ay pumalaot pa rin ang mag-ama.

    Maraming lulutuing isda ang mag-anak ni Mang Rick at Carlo.

    Lalaki ang kanilang kita sa pangingisda dahil masungit ang panahon.

    Malalagay sa panganib ang kanilang buhay banta ng masungit na panahon.

    Maraming mahuhuling isda ang mag-ama

    30s
    F4PB-IIa-17
  • Q12

    Si Aling Martha  ay hindi sumusunod sa batas. Palagi niyang sinusunog ang mga plastik, damo, papel at iba pang basura sa kanilang bahay.

    Palaging malinis ang kanilang bahay.

    Gagayahin siya ng kaniyang mga kapitbahay.

    Maaari siyang madakip at makulong sa paglabag sa batas.

    Ipagmamalaki siya ng kaniyang mga kapitbahay.

    30s
    F4PB-IIa-17
  • Q13

    May mahabang pagsusulit si Max sa Filipino sa Lunes. Buong araw ng Sabado at Linggo ay ibinuhos niya ang sarili sa pag-aaral. Hindi siya nakipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

    Ano ang maaring maging wakas?

    Nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit

    Nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.

    Nalungkot siya sa nakuhang marka sa pagsusulit

    Nagalit ang mga magulang sa nakuhang marka.

    30s
  • Q14

    Pinagbawalan si Juan ng kanyang lolo nahuwag sumama sa mga masasamang barkada. Hindi nakinig si Juan. Sumama siya sa grupo ng mga magnanakaw na nanghold-up ng isang bangko. Nadakip ang grupong ito ng mga pulis.

    Ano ang angkop na wakas ng kuwento?

    Naging pulis si Juan.

    Nabilanggo si Juan, kasama ng kanyang mga barkada.

    Naging mabuting apo si Juan

    Tahimik ang buhay ni Juan.

    30s
    F4PB-IIa-17

Teachers give this quiz to your class