
Q2-M1-SUBUKIN
Quiz by Rosita B. De Ramon
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 1 skill from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakatumpak na kahulugan ng Globalisasyon?
Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking direktang epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
Isang mahabang proseso ng pagsulong bilang nangungunang kaisipang pang-ekonomiya sa pamamamagitan ng pagrereistruktura o muling pag-aayos ng pandaigdigang ekonomiya.
Ang pagpapalaganap ng teknolohiya at ideya sa pamamagitan ng pandaigdigang transportasyon at komunikasyon, daan upang humina ang sektor ng agrikultura ngunit pinasigla ang industriya at paglilingkod.
Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong pulitikal at ekonomikal ng mga bansang mahihirap at mas komplikadong pagkakaroon ng foreign direct investment.
60sAP10IPE-Ig-17 - Q2
Isa sa hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago ng workplace ng mga manggagawa na kung saan binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pasahod at pangongontrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
Humigpit ang proseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya‟t kinakailangan ng mga world class workers.
Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang pamilihan kaya‟t kinakailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa.
Humihirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya‟t kinakailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
60sAP10IPE-Ig-17 - Q3
Ang mga ekonomista ay nagbigay ng kanya-kanyang konsepto at perspektibo ukol sa Globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na naglalarawan sa nabanggit na isyung panlipunan.
Malayang pagpasok ng mga imported na produkto sa pandaigdigang pamilihan.
Paglawak ng ugnayan sa pagitan ng mahihirap at mayayamang bansa.
Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya, kultura, pulitika at siyensya sa daigdig.
Pagkakaroon ng malayang kalakalan upang magkaroon ng kompetisyon.
45sAP10IPE-Ig-17 - Q4
Dahil sa Globalisyon nagkaroon ng malayang kalakalan na kung saan tinanggal ng mga bansa ang taripa, kota, mga krayterya para sa mga inaangkat na produkto at iba pang hadlang. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng sistemang ito?
Nakokontrol ang pagtaas ng presyo ng bilihin
Mas maraming produkto ang mapagpipilian ng mga mamimili
Magkakaroon ng maraming pamilihang pandaigdig na magbubukas sa isang kompetisyon.
Tataas ang kita ng mga local na prodyuser
45sAP10IPE-Ig-17 - Q5
Bakit maituturing na panlipunang isyu ang Globalisasyon?
Nagdudulot ng masamang epekto sa kalagayang panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya.
Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag.
45sAP10IPE-Ig-17 - Q6
Naging isang malaking pamilihan ng mga mayayamang bansa ang mahihirap na bansa dahil sa malayang pagpasok ng mga imported na produkto. Ang kalagayang ito ang unti-unting pumapatay sa maliliit na negosyo sa Pilipinas. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang small scale industry, paano ka makikipagkompetensya sa mga dayuhang mangangalakal?
Humingi ng subsidiya sa gobyerno para lumaki ang puhunan
Lumahok sa mga protesta para huwag papasukin ang mga imported na produkto sa bansa.
Bubuo ng isang samahan ng maliliit na negosyo sa Pilipinas at hilingin sa gobyerno na ipatupad ang Guarded Globalization.
Gumawa ng mura ngunit de-kalidad na produkto at serbisyo
45sAP10IPE-Ig-17 - Q7
Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Ekonomiya
Paggawa
Migrasyon
Pandemya (Covid19)
30sAP10IPE-Ig-17 - Q8
Paano nakakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa ang Globalisasyon?
Dahil sa Globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan
Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
Makikita sa Globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
30sAP10IPE-Ig-17 - Q9
Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba‟t-ibang anyo nito maliban sa isa, ano ito?
Sosyo-kultural
Sikolohikal
Ekonomikal
Teknolohikal
30sAP10IPE-Ig-17 - Q10
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na binago ng Globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino?
Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwirdthraw gamit ang mga Automatic Teller Machine
Pag - angat ng kalikad ng manggagawang Pilipino
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
Pagdagsa ng mga business process outsourcing (BPO) sa bansa
30sAP10IPE-Ig-17