
Q2-MAIKLING PAGSUSULIT- MODULE 2
Quiz by Analyn C. Clarianes
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 1 skill from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Papasok ka na ng gate ng paaralan nang makita mo ang isang batang umiiyak. Ang ang nararapat mong gawin?
Hahayan ko na lamang na umiiyak ang bata dahil may iba naman na tutulong sa kanya.
Hihinto at tatanungin kung paano ko siya matutulungan.
Sasabihan ko ang bata na itigil na ang pag-iyak dahil kung hindi ay isusumbong ko siya sa guwardiya.
45sEsP5P – IIb – 23 - Q2
Pinagtatawanan ng iyong mga kalaro ang batang may kapansanan. Bago lamang siya sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
Pagsasabihan ko ang aking mga kalaro na hindi tama ang kanilang ginawa at sa halip ay dapat siyang kaibiganin dahil sa kanyang kalagayan.
Pagsasabihan ang batang may kapansanan na umiwas na lamang na makipaglaro sa kanila.
Hindi ko na lamang papansinin ang aking mga kalaro dahil baka ako naman ang pagtuunan nila ng panunukso.
45sEsP5P – IIb – 23 - Q3
Laging lumiliban sa klase ang magkapatid na Eugene at Nicole dahil sa sila ang pinaghahanapbuhay ng ama nilang bisyoso at tamad magtrabaho. Paano mo sila matutulungan?
Liliban na rin at tutulungan ko silang maghanapbuhay.
Hihingi ako ng pera sa aking magulang at ibibigay sa magkapatid upang hindi na sila lumiban sa klase para maghanapbuhay.
Pagsasabihan ko ang magkapatid na magsumbong sa iba nilang kapamilya o i-report sa kinauukulan ang hindi magandang gawain ng kanilang ama.
45sEsP5P – IIb – 23 - Q4
Ang kaklase ninyong Muslim ay laging kinukutya ng ilan sa mga kalalakihan dahil sa iba niyang paniniwala. Ano ang nararapat mong gawin?
Kakausapin ko sila at ipaliliwanag na iba ang paniniwala ng mga Muslim na dapat igalang.
Magkukunwari na lamang na wala akong alam sa nangyayari.
Pagsasabihan ang kaklase mong Muslim na huwag na lamang pansinin ang nangungutya sa kaniya.
45sEsP5P – IIb – 23 - Q5
Ang iyong kaibigan ay nakatira sa bahay ng tita niya. Nagtatrabaho ang kaniyang ina at bihira lamang umuwi. Madalas mong naririnig na minumura at sinasaktan ang iyong kaibigan ng kaniyang tita. Ano ang gagawin mo?
Tutulungan ang kaibigan na ipagtapat sa kanyang ina ang nangyayari.
Hindi na lamang makikialam dahil baka madamay pa ako.
Papayuhan na lamang ang kaibigan na magtago sa aming bahay kapag nagagalit na ang kanyang tita.
45sEsP5P – IIb – 23 - Q6
Ipagbigay-alam sa pulisya ang mga kaguluhan sa inyong lugar.
Mali
Tama
30sEsP5P – IIb – 23 - Q7
Isumbong ang kaklaseng nangbubully sa klase.
Tama
Mali
30sEsP5P – IIb – 23 - Q8
Pagtawanan ang mga batang nagtatrabaho sa murang edad.
Tama
Mali
30sEsP5P – IIb – 23 - Q9
Bigyan ng makakain ang mga batang nasa lansangan.
Tama
Mali
30sEsP5P – IIb – 23 - Q10
Ipagbigay-alam sa DSWD ang kaibigang minamaltrato ng mga magulang.
Mali
Tama
30sEsP5P – IIb – 23