placeholder image to represent content

Q3 AP Pre-Test

Quiz by ANNA MARIE SANTOS

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat batay sa kaugalian, paniniwala, at tradisyon?

    Kultura

    Tradisyon

    Paniniwala

    Kaugalian

    120s
  • Q2

    Anong halimbawa sa sumusunod ang HINDI kabilang sa di-materyal na kultura?

    Adobo

    Paniniwala

    Awit

    Kaugalian

    120s
  • Q3

    Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kultura ng Pilipino?

    Si Jane na humiwalay sa magulang pagdating ng ika 18 taong gulang.

    Si Janet na naniniwalang ang kanyang lolo at lola ay dapat manatili sa “Home for the Aged”.

    Si Jack na hindi gumagamit ng “po at “opo” sa pakikipag-usap sa nakatatanda.

    Si Juan ay nagmamano sa mga nakatatanda.

    120s
  • Q4

    Isa sa mga kaugalian ng mga tagalog ang pamamanhikan at paninilbihan. Mahalaga pa bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito ng mga nanliligaw na lalaki?

    Hindi po, wala namang kaugnayan ang paninilbihan sa pagmamahalan ng dalawang tao.

    Hindi po, sapat na ang pagmamahalan ng babae at lalaki.

    Opo, upang makilala ng pamilya ng babae ang manliligaw na lalaki.

    Opo, upang maranasan ng lalaki ang mga gawaing bahay.

    120s
  • Q5

    Dapat ba nating panatilihin ang mga paniniwala, kaugalian at tradisyon ng bawat pangkat sa Pambansang Punong Rehiyon?

    Hindi, dahil iba’t ibang pangkat ang bumubuo sa rehiyon.

    Hindi, dahil napakaraming mga tradisyon ng bawat pangkat.

    Oo, dahil pagsunod ito sa ating ninuno.

    Oo, dahil nagpapakita ito ng ating pagpapahalaga at pananatili ng ating kultura.

    120s
  • Q6

    Bakit kailangang ipagdiwang ng Marikina ang “Sapatos Festival”?

    Upang maraming taong bumili ng sapatos sa Marikina.

    Upang ipaalala sa lahat na ang Marikina ay may matitibay at magagandang sapatos.

    Upang masiyahan ang mga taga Marikina sa pagdiriwang na ito.

    Upang hikayatin ang mga taga Marikina na gumawa ng maraming sapatos.

    120s
  • Q7

    Ano ang kahulugan ng katagang “taal o katutubong Marikeño”?

    Mayayamang pamilya na nakatira sa Marikina.

    Mga mamamayang may kamag-anak sa Marikina.

    Mga taong nanggaling sa ibang bansa na naninirahan sa Marikina.

    Mga taong nagmula sa matatandang angkan na unang nanirahan sa Marikina.

    120s
  • Q8

    Ang Navotas ay katabi ng Look ng Maynila. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao dito?

    Paggawa ng sapatos

    Pagbabalot

    Pangingisda

    Paggawa ng asin

    120s
  • Q9

    Ano ang tawag sa ipinagdiriwang sa Marikina tuwing Disyembre 8 bilang pagkilala sa mga taong nagmula sa iba’at ibang rehiyon at piniling manirahan sa Marikina at maging bahagi sa pagpapaunlad ng lungsod?

    Sapatos Festival

    Bayan Bayanan Festival

    Rehiyon Rehiyon

    Ka-Angkan

    120s
  • Q10

    Bakit tinaguriang “Ama ng Industriya ng Sapatos” si Guevarra? Siya ay ____________.

    Nagpasimula ng Industriya ng sapatos sa Marikina

    Pumayag na magpasok ng mga panindang sapatos sa Marikina mula sa ibang bansa

    Nagpondo sa pagpapagawa ng pinakamalaking sapatos sa buong mundo

    Nagpagawa ng museo ng sapatos sa Marikina

    120s
  • Q11

    Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang mabigyan ng pagkilala at pagpapahalaga ang mga kinagisnang kultura ng iyong sariling lugar?

    Hindi ko tatangkilikin ang mga pagkaing sariling atin.

    Ikahihiya ko ang mga kulturang kinamulatan ng aking lugar.

    Magbabasa ako at magsasaliksik tungkol sa mga kultura ng aming lugar.

    Manonood ako ng mga banyagang palabas dahil mas maganda ito kaysa sa sarili nating pelikula.

    120s
  • Q12

    Isa sa tradisyon ng mga Pilipino na ginagawa pa rin hanggang ngayon ay ang paggamit ng “po” at “opo” sa mga nakakatanda. Anong kaugalian ang ipinapakita nito?

    Paggalang

    Disiplina

    Pakikipag kapwa tao

    Tibay ng loob

    120s
  • Q13

    Bakit may mga monumento o bantayog sa mga makasaysayang lugar?

    Upang magkaroon ng lugar na pagtitipunan ang mga tao.

    Upang magkaroon ng palamuti ang isang lugar.

    Upang malaman ang hangganan at lawak ng isang lugar.

    Upang maalala ang mahahalagang pangyayari sa mga lugar na iyon.

    120s
  • Q14

    Bakit iba-iba ang maririnig mong wika sa Metro Manila?

    Malaki ang populasyon na nakatira sa Metro Manila.

    Iba’t ibang pangkat ng mga tao ang nakatira dito.

    May mga dayuhang turista ang nagbabakasyon dito.

    Maraming mga naninirahan sa bawat lungsod nito.

    120s
  • Q15

    Laganap sa Marikina noon partikular sa Bayan-bayanan ang mga “tupada” o sabong. Makabubuti ba ang pagsasagawa nito sa kasalukuyan? Bakit?

    Opo, sapagkat isang uri ito ng libangan ng mga tao.

    Hindi po, sapagkat isa itong uri ng pamahiin.

    Hindi po, sapagkat isang uri ito ng sugal.

    Opo, sapagkat isang uri ito ng katutubong laro ng mga bata.

    120s

Teachers give this quiz to your class