Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Si Aling Nitnit ay isang mapag-arugang ina. Sinisiguro niya na sapat ang pagkaing naibibigay niya kay Cara. Ano ang maaari niyang gawin upang pasalamatan ang karapatang ibinigay sa kanya?

    Maglaro maghapon.

    Kumain ng junk foods.

    Huwag sayangin ang pagkain.

    300s
  • Q2

    Bilang isang bata, sa paanong paraan mo maipakikita ang pasasalamat sa mga karapatang iyong tinatamasa?

    Sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.

    Sa pamamagitan ng pagtulog nang tama sa oras.

    Parehong A at B ang sagot.

    300s
  • Q3

    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pasasalamat sa karapatang tinatamasa

    Pagliban palagi sa klase.

    Paglalaro hanggang gusto.

    Pagsunod sa mga alituntunin ng tahanan at pamayanan.

    300s
  • Q4

    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging masinop?

    Si John Chris na hindi nag-aaksaya ng tubig at pagkain.

    Si Ben  na itinatapon ang malinis na tubig sa kalsada.

    Si Gabbie na hindi inuubos ang pagkaing kaniyang kinuha

    300s
  • Q5

    Upang makatipid sa kuryente, pinapatay ni Yasuo ang electric fan at ilaw tuwing hindi ito ginagamit. Kung ikaw si Yasuo, ganito rin ba ang iyong gagawin?

    Opo

    Hindi po

    Siguro

    300s
  • Q6

    Napadaan si Maria  sa banyo ng mga babae ng kanilang paaralan. Nakita niyang bukas ang gripo rito. Ano ang dapat niyang gawin?

    Huwag pansinin at magkukunwaring hindi ito nakit

    Papatayin muna niya ang gripo bago bumalik sa silid-aralan.

    Tatawagin ang dyanitor ng paaralan upang patayin ang gripo.

    300s
  • Q7

    Nakita mo na may tirang ulam sa inyong mesa at wala itong takip. Ano ang dapat mong gawin?

    Hahayaan ko lamang ito.

    Ibibigay ko ito sa alaga naming aso.

    Tatakpan ito para hindi madapuan ng insekto.

    300s
  • Q8

    Aling programa ang ipinatutupad sa mga pampublikong paaralan kung saan pinaghihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na basura?

    Tapat Ko, Linis Ko

    Tree Planting

    Waste Segregation

    300s
  • Q9

    Inilunsad ng pamahalaan ang programang ito upang maging responsable ang mga mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar o tapat ng bahay. Alin ito?

    Tapat Ko, Linis Ko

    Recycling

    Waste Segregation

    300s
  • Q10

    Naglunsad ang pamahalaan ng proyektong “Munting Basura, Ibulsa Muna”. Ano ang gagawin mo upang makilahok sa proyektong ito?

    Itatapon ang maliliit na kalat kahit saan.

    Isisingit ko sa mga upuan ang maliliit na kalat.

    Ibubulsa ko muna ang balat ng kendi at saka na itapon sa tamang basurahan.

    300s
  • Q11

    May proyektong isinagawa ang inyong punongguro na “Gulayan sa Paaralan”. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng iyong pakikilahok sa proyektong ito?

    Hindi muna ako papasok sa paaralan.

    Magtatanim ako ng mga binhi ng gulay sa hardin ng paaralan.

    Hindi ako tutulong sa pagtatanim dahil baka hindi naman mabuhay ang mga ito.

    300s
  • Q12

    May nakita kang nakakalat na papel sa pasilyo ng inyong paaralan. Ano ang dapat mong gawin?

    Pupulutin ko ang nakitang kalat.

    Hahayaan ko lamang dahil mayroon namang tagalinis.

    Sasabihin ko ito sa aking kamag-aral para siya ang pumulot.

    300s
  • Q13

    May nakasabay kang isang matanda sa pagtawid. Napansin mo na nakaberde na ang ilaw trapiko para sa mga taong tatawid ngunit nag-aalangan siya. Ano ang gagawin mo?

    Pagmamasdan ko lang siya habang tumatawid.

    Aalalayan ko siyang makatawid sa tamang tawiran.

    Hindi ko siya papansinin at magpapatuloy ako sa pagtawid.

    300s
  • Q14

    Ipinatutupad sa inyong barangay ang pagtatanim ng gulay o halaman sa mga bakuran. Ngunit wala kayong mapagtataniman sa inyong bakuran dahil sementado na ito. Ano ang dapat mong gawin?

    Hahayaan ko na lang na sila ang magtanim.

    Hindi ako makikilahok sa programa ng barangay

    Gagamit ako ng paso o recycled na lalagyan upang makapagtanim.

    300s
  • Q15

    Nakapila kayo sa kantina para bumili ng pagkain. Nang malapit ka na sa harap, may biglang sumingit na bata sa iyong harapan. Ano ang iyong gagawin?

    Hahayaan ko na lang siya.

    Aabangan ko siya sa labas ng kantina at aawayin.

    Pagsasabihan ko siyang mali ang kaniyang ginawa.

    300s

Teachers give this quiz to your class