Q3- Panimulang Pagsusulit sa ESP
Quiz by Ofelia Calayo
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 6 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Isa sa mga kaugalian nating mga Pilipino na pagpapakita ng pagiging magalang ay __________.
pagbabayanihan
pagmamano sa matatanda
pagbibigayan ng regalo tuwing Pasko
paghaharana sa babaeng nililigawan
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q2
Bakit kailangan maging magalang ang isang batang tulad mo?
Sapagkat ito ay utos ng magulang
Sapagkat ito ang tamang gawin
Dahil malungkot ang batang hindi magalang
Upang ibili ka ng gusto mong gamit
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q3
May alagang aso si Adriana. Tuwing umaga ito ay kaniyang inilalabas at pinapadumi sa tapat ng kapitbahay. Tama ba ang gawain ni Adriana?
Opo, sapagkat sa kalye lang naman niya ito pinapadumi.
Hindi po, dahil labag ito sa karapatan ng hayop.
Opo, dahil wala naman nakatingin na kapitbahay.
Hindi po, dahil hindi niya iginagalang ang kapitbahay.
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q4
Gusto mong dumalo sa birthday party ng iyong kaklase ngunit hindi ka pinayagan ng iyong mga magulang. Pupunta ka pa rin ba?
Hindi, dahil iginagalang mo ang pasya ng iyong magulang.
Hindi, dahil hindi naman masarap ang pagkain sa party.
Oo, dahil sayang ang makukuhang premyo sa mga palaro.
Oo, dahil sayang ang makukuhang premyo sa mga palaro.
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q5
Kulay pula ang Ilaw-Trapiko, ano ang ibig sabihin nito?
Pwede nang tumawid.
Hinto sa pagtawid.
Dahan-dahan sa pagtawid.
Bilisan ang pagtawid.
30sEsP4PPP- IIIe-f–21 - Q6
Isang mabuting pag-uugali ng mga Pilipino ang pagiging _____ sa lahat ng tagubilin ng mga nakatatanda sa atin.
mabait
masipag
masunurin
matiyaga
30sEsP4PPP- IIIa-b–19 - Q7
Nakita mong nagtapon ng tissue paper sa toilet bowl ang iyong kaklase. Ano ang una mong dapat gawin?
Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kanyang ginawa.
Hindi ko na lamang papansinin.
Isusumbong ko siya sa janitor ng paaralan.
Sasabihin ko sa kanya na tanggalin niya ang tissue sa toilet bowl.
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q8
Bakit kailangan malaman ng batang katulad mo na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?
Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.
Ang pagsusunog ng basura ay maaring magbunga ng maruming kapaligiran.
Pwedeng irecycle ang mga patapong bagay na susunugin.
Ang pagsusunog ng basura ay ipinagbabawal sa batas.
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q9
Kumpletuhin ang lyrics ng kantang Munting Basura, Munting Basura, Ibulsa Muna Huwag ikalat lang sa kalsada Gamitin mo ngayon ang pagkakataong Mapanatiling _________ lungsod ng Marikina.
payapa
maliwanag
malinis
maayos
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q10
Ano ang kahulugan ng Recycling?
Paggamit muli ng mga patapong bagay na pwedeng mapakinabangan.
Pagsusunog ng mga pinagsamang basura.
Paghiwa-hiwalay ng mga basura.
Paglilinis ng mga maruming boteng babasagin at plastik.
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q11
Mahigpit na ipinatutupad ng Lungsod ng Marikina ang Batas ukol sa “Jaywalking.” Ano ito?
Hindi pagtawid sa tamang tawiran.
Hindi paghinto sa ilaw na pula.
Hindi pagsunod sa batas trapiko.
Hindi pagtatapon ng basura sa tamang lagayan.
30sEsP4PPP- IIIe-f–21 - Q12
Lunes ng umaga at nahuli ka na sa flag ceremony kaya’t binilisan mo ang lakad patungo sa pinagdadausan nito subalit kasalukuyan ng inaawit ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ano ang iyong gagawin?
Hindi na lang ako magpapakita sa flag ceremony.
Hihintayin ko na lang matapos ang flag ceremony sa loob ng silid-aralan.
Tatakbo na lang ako sa aking pila.
Hihinto ako sandali habang inaawit ang Lupang Hinirang.
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q13
Nakakita ka ng matandang nakatapak sa damo pero may babalang “Bawal Tumapak Dito!” Ano ang dapat mong gawin?
Tatapak din ako sa damo.
Hahayaan ko na lamang siya.
Sisigawan ko ang matanda!
Hindi ko gagayahin ang matanda.
30sEsP4P-IIf-i– 21 - Q14
Ano ang posibleng mangyari kapag hindi tayo sumunod sa mga babala?
mabibigyan ng pabuya
malalayo sa sakuna
walang mangyayari
madidisgrasya
30sEsP4PPP- IIIe-f–21 - Q15
Narinig mo sa balita na posibleng umulan sa buong Metro Manila. Ano ang dapat mong dalhin pagpasok?
payong
damit
pito
sumbrero
30sEsP4PKP- Ic-d – 24