Q3 Post Test Filipino 9 (SOAR)
Quiz by Marvin Dominguez
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 18 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ano ang pangunahing kaisipan ng maikling talata sa ibaba?
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet. Iba’t iba ang dahilan kung bakit sila naeenganyo sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media. Maaari ka ring maglaro ng online games. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.
Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media.
Maaari ka ring maglaro ng online games.
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet.
Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.
120sF8PB-IIa-b-24 - Q2
Basahin at unawain ang maikling talata at piliin ang titik ng pantulong na kaisipan.
Pagpasok pa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal. Nang unti-unti na itong malampasan ng bansa, nagkaroon naman ng pandemya. Higit sa mga pangyayaring ito, umusbong ang pagtutulungan, pagbabayanihan at pagiging bukas-palad nating mga Filipino. Punong-punô man ng mga pagsubok ang taóng 2020, babangon táyo.
Higit sa mga pangyayaring iyon,umusbong ang pagtutulungan.
Punong-punô man ng mgapagsubok ang taong 2020, babangon táyo.
Unti-unti na itong malampasan ng bansa.
Pagpasokpa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal.
120sF8PB-IIa-b-24 - Q3
Anong makabuluhang tanong ang maaaring iugnay sa bahagi ng palitan ng katwíran?
Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraan,
Walang pagsalang ito'y dapat nating hangaan.
Ngunit kung ginamit ito sa kapwang panlamáng
Dapat pang ngang ito ay pintasan.
Dapat bang manlamáng sa kapwa?
Katalinuhan ba ang panlalamáng sa kapwa?
Kahanga-hanga ba ang táong matalino?
Sa anong paraan dapat gamitin ang talino ng tao?
120sF8PN-IIc-d-24 - Q4
Sino ang mahahalagang tauhan sa maikling talata?
Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan, kakailanganin din ang puhunan ng mayaman. Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan. Ngunit matalinong tauhan din ang nagpapatakbo sa negosyo ng mayaman.
matagumpay
matalino
matalino at mayaman
marunong
120sF8PB-IVg-h-37 - Q5
Ano ang opinyon tungkol sa paksa ng balagtasan?
UNANG MAMBABALAGTAS:
Tila yata hindi mo naiintindihan,
Ang may pera ang siyang laging pinapanigan!
Lahat ng kanyang sabihin pinaniniwalaan,
At pagdating sa kaibigan ay hindi siya nawawalan.
IKALAWANG MAMBABALAGTAS:
Ang lahat ng iyong sinabi, puro materyal lamang,
Ang kaibigang iyong binanggit nais sayo’y peralamang.
Pamilya ang dapat kaibigan.
Kayamanan ang mahalaga sa pagkakaibigan.
Matalino ang mayayaman.
Materyal na bagay ang kapangyarihan ng tao.
120s - Q6
Piliin ang katwíran sa maikling balagtasan na mababasa sa ibaba.
UNANG MAMBABALAGTAS:
Filipino ay wikang panlahat;
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas!
Sa pagkakaisa naipahahayag,
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.
IKALAWANG MAMBABALAGTAS:
Paano kang malilingat, di malirip, di maisip?
Ang bagong alpabeto, kay dali nang mapansin!
Ang dating A, B, K, D ngayon ay A, B, C, Dng awit;
Sa computer, internet, Facebook, mababása rin.
Pag-aralan at gamitin ang wikang ating kinagisnan.
Internet ang mabisang gamit sa pag-aaral.
Sa computer matutuhan ang ating wikang Filipino.
Wikang Filipino ay kayamanan, at gamit ang internet, lalo pa natin itong paunlarin.
120sF8PB-IIc-d-25 - Q7
Ano sa mga sumusunod na pahayag ang pasalungat na argumento sa pagbuo ng batas para sa Same-Sex Marriage?
Ipaglaban ang pag-ibig at patunayan sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib.
Maaari siláng ikasal kung walang masasaktan na kapwa nilá tao.
Hindi nararapat na ikasal ang parehong kasarian dahil ito'y labag sa batas ng Diyos at batas ng tao.
Ang pag-ibig ay bulag at may karapatan ang lahat na umibig at ikasal.
120sF8PU-IIc-d-25 - Q8
Tukuyin ang pahayag ng pagsang-ayon sa argumento ng pagbabalik ng face-to-face class.
Malalagay sa panganib ang buhay ng mga mag-aaral dahil sa COVID-19.
Talagang marami ang nasasabik sa pagbabalik ng face-to-faceclass dahil mas natututo ang mga bata sa pagtuturo ng mga guro.
Makapag-aaral ang mga estudyante sa pamamagitan ng tv, radio at internet.
Mahirap makipagsapalaran sa face-to-face class hangga’t my COVID-19 pa.
120sF8PU-IIc-d-25 - Q9
Alin sa mga sumusunod na argumento ang naghuhudyat ng pagsang-ayon?
Ayaw kong ako ang laging tagahugas ng pinggan sa aming bahay.
Hindi tamàng ako ang tagahugas ng pinggan sa amin dahil marami naman kaming magkakapatid na maaaring gumawa nitó.
Sa panahon ng pandemyang tulad ng nararanasan natin sa kasalukuyan, sang-ayon ako na maging tagahugas ng pinggan sa aming bahay dahil makatutulong ito upang mabawasan ang pagod ng aking mga magulang mula sa paghahanapbuhay.
Hindi ako sang-ayon na lagi na lámang ako ang pinaghuhugas ng pinggan sa bahay.
120sF8PU-IIc-d-25 - Q10
Alin sa mga sumusunod naargumento ang naghuhudyat ng pagsalungat?
Tama ka, hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang isang tulad ko na nasa Ikawalong Baitang pa lámang.
Hinding-hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang isang tulad ko na nasa Ikawalong Baitang pa lámang.
Lubos akong naniniwala na ang tulad nating nasa Ikawalong Baitang pa lámang ay hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan.
Sang-ayon ako sa sinabi mo na hindi dapat pinapayagang magkaroon ng kasintahan ang tulad natin na nasa Ikawalong Baitang pa lámang.
120sF8PU-IIc-d-25 - Q11
Piliin ang letra ng may pinakawastong solusyon sa suliranin.
Wala kang perang pambili ng kailangan mo para sa proyekto sa Filipino na ipinagagawa ng iyong guro.
Hindi na lamang ako magpapasang proyekto sa aking guro.
Kakausapin mo ang iyong guro at ipagtatapat mo angkatotohanang wala kang perang pambili ng proyekto.
Huwag ka munang pumasok sa paaralan hanggang hinahanap ng guro ang iyong proyekto.
Manghihiram ka sa iyong kamag-aral nang sobrang pera na pambili ng proyekto.
120sF8PB-IIe-f-25 - Q12
Nawalan ka ng gana at siglang mag-aral dahil sa nangyaring epidemya. Alin ang pinakawastong solusyon sa suliraning nabanggit?
Isipin mo ang ginhawang mangyayari sa iyo kung hindi na lang muna ka mag-aaral.
Gagawing inspirasyon ang pagsusumikap ng mga magulang na maitaguyod ang pagkakaroon ng edukasyon upang maiahon ang naghihikahos na pamumuhay.
Umasa ka na lamang sa mga magulang mo ng iyong kapalaran at kinabukasan.
Sabihin mo ito sa iyong mga kamag-aral at yayain mo silang makiisa sa iyo para marami kayong 'di magpapaenrol sa paaralan.
120sF8PB-IIe-f-25 - Q13
Para sa Item 13-14.
Basahin ang bersong nasa ibaba at pagkaraan ay sagutin ang tanong.
BALI-BALI MAN ANG PAKPAK
1.
Ibayong sigla ang sumapuso
Nang mamalas ko ang tala,
Ang maaliwalas na mukha.
Nagniningning, nakangiti;
Na parang nanghihikayat
Na siya’y pilitin kong abutin.
2.
Hindi ko namalayan,
Tinawid ko ang dagat.
Humanga sa lawak,
Lipos ng pagtatanong
Kung saan dadalhin
Ng hangin ang mga bagwis.
3.
Nagpalipat-lipat sa mga puno:
May masisigla, may nalulumbay.
Hindi inalintana ang hirap
Sa pagtuntong sa mga sanga.
4.
Inakyat ang ilang bundok
Pinipilit tignan ang tuktok;
Tinatanong kung mararating ito,
Hanggang sa naramdaman ko
Unti-unting nawawala ang lakas.
5.
Nanlupaypay ang bagwis,
Bali-bali ang pakpak,
Ngunit himalang patuloy
Sa paglipad hanggang
Sa nakaahon sa bungang-tulog.
Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salitang "talà" mulâ sa binása.
denotasyon: listahan ; konotasyon: kawalan ng pag-asa
denotasyon: bituin ; konotasyon: pag-asa
denotasyon: bituin ; konotasyon: ilista
denotasyon: listahan ; konotasyon: pag-asa
300sF8PT-IIe-f-25 - Q14
Ano ang denotasyon at konotasyon ng pahayag na “tinawid ko ang dagat”?
denotasyon: naglakbay sa tabing dagat ;
konotasyon: hinarap ang suliranin o problema sa buhay
denotasyon: naglakbay sa sakay ng eroplano ;
konotasyon: nakamit ang tagumpay
denotasyon: naglakbay sa karagatan patungo sa ibang lugar ;
konotasyon: hinarap ang suliranin o problema sa buhay
denotasyon: naglakbay sa karagatan patungo sa ibang lugar ;
konotasyon: hinarap ang mga alon
120sF8PT-IIe-f-25 - Q15
Ano ang papel ng sarsuwela sa mga Filipino?
Ang sarsuwela ay ginagamitan ng mga pinaghalong awiting opera, koro, at popular na awitin, at sinasabayan ng pagsasayaw.
Ang sarsuwela ay may paksang patungkol sa kabayanihan.
Ang sarsuwela ay isang akdang pampanitikan na isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalita at pag-awit
Ang sarsuwela ay isang mabisang kasangkapan upang magbigay ng kaalaman o kabatiran sa mga tao tungkol sa iba’t ibang kultura, karanasan, tradisyon at paniniwala.
120sF8PU-IIe-f-26