Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1

    Ang kababaihan ang kadalasang nangangasiwa sa loob ng tahanan samantalang ang kalalakihan ang karaniwang naghahanapbuhay para sa pamilya. Ito ay naglalarawan ng _______________

    D.  Sexual Orienation

    B.  Gender role

    C.  Sex

    A.  Gender

    60s
    AP10-1-N1
  • Q2

    Ang bawat tao ay may kakayahang magmahal at makaramdan ng atraksyon sa isang taong kabilang sa ibang kasarian, o sa kaparehong kasarian o di kaya naman sa parehong kasarian. Ito ay tumutukoy sa______

    C.  Sex 

    D.  Sexual Orientation

    A.  Gender Identity 

    B.  Gender 

    60s
    AP10-1-N1
  • Q3

    Ang mga magulang ni Lucas ay di na nagulat ng magpaopera ito upang maging mukhang babae. Sa sitwasyong ito tanggap ng mga magulang ni Lucas ang kanyang ___________

    B.  Gender Identity 

    A.  Gender Expression 

    D.  Gender

    C.  Sexual Orientation

    60s
    AP10-1-N1
  • Q4

    Sinasabing ang paglaganap ng kaisipan tungkol sa LGBT sa Pilipinas ay dahil sa mga nailathalang akda na tumatalakay sa homosekswalidad, nangangahulugan na dahil sa mga akdang ito ay ____.

    A.  Naging matapang ang mga Pilipinong homosekswal 

    D.  Maraming Pilipino ang namulat ang kaisipan tungkol sa konsepto ng sekswalidad.

    B.  Matutunan nila ang tungkol sa iba’t ibang sekswalidad

    C.  Maraming Pilipino ang natutong magbasa kayat naunawaan nila ang mga homosekswal

    60s
    AP10-1-N1
  • Q5

    Ang primitibong pangkat sa Papua New Guinea ay magkakaiba ang katangian at tungkulin ng mga babae at lalaki, ito ay dahil sa mga sumusunod na kadahilanan maliban sa ________________

    D.  Ang lipunan ang nagtatakda ng gampanin ng bawat kasarian

    A.  Iba’t iba ang lokasyon nila

    B.  Iba’t iba ang kaugalian na sinusunod nila 

    C.  Iba’t iba ang paniniwala ng bawat lipunan

    60s
    AP10-1-N1
  • Q6

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi angkop na paglalarawan sa kalagayan ng mga kababaihan noon?

    A.  Ang mga kababaihan noon ang tanging tagapangasiwa sa mga gawaing bahay

    C.  Ang kababaihan ay nabigyan ng karapatang bumoto at mahalal sa panahon ng mga Amerikano

    B.  Sa pagdating ng mga Hapones nakaranas ng higit na karahasan ang mga kababaihan

    D.  Noon pa man namamalas na ang kalayaan ng mga kababaihan upang maipahayag ang kanilang saloobin

    60s
    AP10-1-N1
  • Q7

    Ang mga magulang ni Fara ay madalas nag-aaway na kung minsan pati silang magkakapatid ay nakakaranas ng pananakit mula sa kanyang ama. Ito ay isang halimbawa nang:

    D.  Domestic Violence

    B.  discrimination 

    C.  harassment

    A.  child abuse 

    60s
    AP10-1-N1
  • Q8

    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pisikal na karahasan?

    B.  Bunso si JR sa kanilang magkakapatid kaya madalas siyang mautusan

    C.  “Pao-Pao Siopao” kung tawagin ng mga kaklase si Nel dahil sa nagtitinda ito ng siopao kapag hapon.

    A.  Madalas tampulan ng tukso si Alba dahil sa kanyang balat sa mukha

    D.  Si Maloy ang pinakamaliit at pinakapayat sa magkakabarkada kaya di siya nakakaiwas sa pambabatok ng mga ito

    60s
    AP10-1-N1
  • Q9

    Si Malala Yousafzai ay kinilala at nakatanggap ng Noble Peace Prize dahil

    D.  ipinaglaban niya ang karapatan ng mga batang babae

    B.   ibinalik niya ang napulot niyang pera 

    C.  iniligtas niya ang mga kamag-aral mula sa terorismo

    A.  nagwagi siya sa Olympic Games

    60s
    AP10-1-N1
  • Q10

    Noon, kapag ang lalaki ay nais makipaghiwalay maaari niyang bawiin ang kanyang mga binigay samantalang kapag ang babae ang hihiwalay ay wala siyang makukuha. Ang kaugaliang ito ay nagpapakita na _________.

    B.  di - pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan 

    D.  di tama ang hatiaan ng mga ari-arian ng babae at lalaki

    A.  kawalan ng sapat na alam sa batas ang mga kababaihan noon

    C.  mas pinahahalagahan ang mga lalaki sa lipunan

    30s
    AP10-1-N1
  • Q11

    Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Prinsipyo ng Yogyakarta?

    D. Makabuo ng mga programa at batas na magsusulong sa sa pagkapantay-pantay ng LGBTQIA+

    B. Bumuo ng mga natatanging batas na magbibigay proteksyon sa mga kasapi ng LGBTQIA+

    C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa sa pagkakapantay-pantay ng LGBTQIA+

    A. Bigyan ng kaparusahan ang sino man na lalabag sa karapatang pantao ng LGBTQIA+

    60s
    AP10-1-N1
  • Q12

    Sino ang mga “KABABAIHAN” na tinutukoy sa Anti-Violence Against Women and their Children?

    B.  Sinasakop nito ang lahat ng kababaihan na nakararanas ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan

    D.  Lahat ng nabanggit.

    C.  Mga kababaihang may kapansanan

    A.  Mga kababaihang kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan onakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isangkarelasyon

    60s
    AP10-1-N1
  • Q13

    Kung ikaw ay makasaksi ng pananakit ng isang lalaki sa kanyang asawang babae, alin sa mga sumusunod ang higit na tamang gawin mo?

    C.  Magtawag ng kaibigan upang kayo ang humarap sa lalaki na nananakit ng asawang babae

    B.  Pumagitna at awatin ang nag-aaway upang hindi na lumalala pa ng pananakit ng lalaki sa babae

    A.  Huwag makialam dahil ang nasaksihan ay away mag-asawa na dapat sila lamang ang may pakialam

    D.  Magreport o tumawag sa kinauukulan agad-agad upang isumbong ang nasaksihang karahasan

    60s
    AP10-1-N1
  • Q14

    Ang pagpirma ng Pilipinas sa CEDAW ay nangangahulugan lamang na?

    A. Hindi kaya ng Pilipinas na labanan nag karahasan laban sa mga kababaihan kaya nangangailangan ito ng tulong mula sa ibang bansa

    C.  Pagkilala ng Pilipinas sa laganap na diskriminasyon at di pagkakapantay-pantay ng sa karapatan ng kababaihan at tungkulin nito na mabigyan ito ng solusyon

    B.  Pagpapakita ng pakikisama ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa na sumusuporta sa CEDAW

    D.  Nakikisabay ang Pilipinas sa mga nangyayaring pandaigdigang pagbabago sa kalagayan ng kababaihan at kalalakihan.

    60s
    AP10-1-N1
  • Q15

    Ito ay mga karapatang sumasaklaw sa lahat ng tao, ano man ang kanilang kasarian, edad, nasyonalidad,relihiyon o estado sa buhay

    A.  Karapatang Pantao 

    C.  Karapatan ng mga may Kasarian 

    D.  Kahalagahan ng mga Karapatan

    B.  Karapatan ng mga LGBTQ 

    60s
    AP10-1-N1

Teachers give this quiz to your class