Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Madalas nating mabasa, marinig, o mapanood ang mga kaguluhan o kawalan ng kapayapaan sa ating bayan. Bilang mag-aaral kahit bata ka pa lang, paano ka makakatulong sa pagkakaroon ng kapayapaan sa ating kumunidad gamit ang teknolohiya?

    Gayahin ang mararahas na gawain na napanonood na palabas sa telebisyon.

    Maging responsable at magkaroon ng disiplina sa paggamit ng multimedia at teknolohiya.

    Wala sa nabanggit

    I-post sa facebook ang lahat ng nais nang hindi pinag-iisipan.

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q2

    Sa ating paaralan may pinapalabas na sayaw sa pamamagitan ng video na may kinalaman sa kalinisan sa ating komunidad, paano ka makikiisa?

    Hindi ako makikialam.

    Iba na lamang ang panonoorin ko.

    Makiisa sa pagsasanay sa pagsasayaw at isagawa kung ano ang mensaheng nais ihatid ng liriko ng awit.

    Bahala silang makisali.

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q3

    May proyekto sa inyong barangay tungkol sa paggawa ng poster sa kalinisan. May kakayahan sa paggamit ng teknolohiya at multimedia upang makagawa nito. Ano ang dapat mong gawin?

    Magkukunwaring walang nalalaman tungkol dito.

    Sasali ako upang maibahagi ko ang aking kakayahan sa paggawa ng proyekto gamit ang teknolohiya at multimedia.

    Makikipagkwentuhan na lang ako sa aking barkada.

    Sasabihin ko sa nanay ko.

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q4

    Napag-alaman ng inyong guro na may kakayahan ka sa paggawa ng larawan o signage gamit ang computer para sa kaligtasan sa pagsasanay ng “Earthquake Drill”. Pinagagawa ka ng larawan ng “Duck cover and hold” para ipaskil sa paaralan. Paano mo ito gagawin gamit ang teknolohiya?

    Tatanggapin ko pero ipagawa ko sa aking kaibigan.

    Tatanggi ako sa aking guro, sasabihin kong marami akong ginagawa.

    Taos-pusong tanggapin ang pinagagawa ng aking guro, magsaliksik ng larawan sa internet at buong husay kong gagawin para sa kaligtasan sa pagsasanay sa Earthquake Drill sa aming paaralan.

    Sasabihin ko sa aking guro na ipagawa na lang sa iba.

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q5

    Ikaw ang inatasan ng inyong guro na manguna sa paggawa ng proyekto sa inyong pangkat. Paano kayo makagawa gamit ang teknolohiya?

    Pangungunahan ko nang may kahusayan ang pagtatalaga sa aking bilang lider at magsaliksik kami sa internet.

    Ipagyayabang ko sa aking mga kaklase dahil ako ang piniling lider.

    Iaasa sa mga kagrupo ang paggawa nito at sasabihing kailangan nilang sumunod dahil ikaw ang kanilang lider.

    Liliban ako sa aming klase.

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q6

    May kapitbahay kang guro sa inyong lugar. Nagtuturo siya ng online class, nang biglang hindi gumana ang ginagamit niyang laptop. Tinawag ka dahil nalaman niyang may kaalaman ka sa pag-aayos nito. Ano ang gagawin mo?

    Magsasawalang kibo ako dahil tinatamad ako.

    Sasabihin kong may online class din ako.

    Tutulungan ko ang aming kapitbahay na guro para maibahagi ko ang aking kaalaman sa teknolohiya.

    Magkunwaring hindi ko alam ang gagawin.

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q7

    May paligsahan sa paggawa ng digital poster sa inyong lugar. May gantimpala ang mananalo rito. May talento ka sa paggawa nito. Ano ang puwede mong gawin?

    Sasali ako at paghuhusayan ko upang maipakita ang aking talento

    Gagawa ako dahil sa premyo.

    Sasali ako para ako ang mananalo.

    Yayayain ko ang aking mga kaibigan na makipagkwentuhan na lang

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q8

    May asignaturang ibinigay ang inyong guro sa paggawa ng proyekto gamit ang teknolohiya na mayroon sa bahay. Paano mo ito gagawin?

    Magsaliksik sa internet upang makabuo ng magandang proyekto.

    Ipagawa ko sa aking kuya dahil marunong siya nito.

    Hihintayin ang nakatatandang kapatid na magaling sa paggawa nito.

    Hindi na lang ako papasok sa klase.

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q9

    Linggo, lahat kayong mag-anak ay nagsimba. Nakita mo ang iyong kuya na abala sa kanyang cellphone at hindi nakikinig. Ano ang pwede mong sabihin sa kuya mo?

    Baka puwedeng mamaya ka na gumamit ng cellphone, Kuya. Makinig muna tayo at makiisa

    Hindi mo ba alam na bawal magcellphone habang nagsisimba!

    Kuya, pahiram ako ng cellphone.

    Ang kulit mo Kuya!

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31
  • Q10

    Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang wastong paggamit ng multimedia at teknolohiya?

    Lahat ng nabanggit.

    Maging responsable sa paggamit ng mga multimedia at teknolohiya upang makaiwas sa kapahamakan.

    Sa paggawa ng proyekto, gagamit ako ng teknolohiya at multimedia upang mapaganda ito.

    Gagamitin ang gadgets upang madagdagan ang kaalaman

    60s
    EsP5PPP – IIIg-h– 31

Teachers give this quiz to your class