placeholder image to represent content

Q3-M3-SUBUKIN

Quiz by Donna Mae Figueroa

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng inumin ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?

    Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan

    Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.

    Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan.

    Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay

    20s
  • Q2

    Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng “softdrinks in can” ang proyektong “Ang latang naitabi mo, tulong sa kapwa mo”. Ang mga nalikom na lata ng softdrinks ay iri-recycle sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong produkto na maaaring ipagbili upang makalikom ng pera na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto, alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?

    Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos

    Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao.

    Gumawa ng produktong makatutulong sa tao

    Gumawa ng produktong kikita ang tao.

    20s
  • Q3

    Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?

    Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin

    May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho.

    Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.

    Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap

    20s
  • Q4

    Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ng benepisyo at pagkilala kay Mang Rene?

    Hindi, ibinigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.

    Oo, sapagkat ibibigay ng isang kompanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang nararapat bigyan o gawaran nito.

    Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.

    Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa

    20s
  • Q5

    Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian mayroon si Baldo?

    Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa.

    May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili.

    May pananampalataya, malikhain, at may disiplina sa sarili

    Masipag, madiskarte at matalino.

    20s
  • Q6

    Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti o dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?

    materyal na bagay at pagkilala ng lipunan

    personal na kaligayahan na makukuha mula dito

    kaloob at kagustuhan ng Diyos

    pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa

    20s
  • Q7

    Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?

    Magkakaroon ng sense of achievement

    Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata

    Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa

    Mapabibilis ang paggawa.

    20s
  • Q8

    Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?

    Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.

    Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan ng ginawa.

    Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras

    Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn

    20s
  • Q9

    Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang aspeto?

    Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura

    Pamamahala ng oras

    Nagagawa ang lahat ng gawaing bahay

    Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan

    20s
  • Q10

    Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuoan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito?

    Gumawa ng produkto o gawain na pagkakakitaan.

    Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan.

    Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa

    Gumawa ng produkto o gawain para sa tao at sa Diyos.

    20s

Teachers give this quiz to your class