
Q3_Quiz 4 AP4
Quiz by Aila Geografo
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Si Mark ay isang OFW. Dahil sa pandemya ay nagbawas at pinauwi ang mga manggagawa sa kanyang pinapasukan. Saan siya maaring pumunta at sumangguni para sa mga programa ng OFW na nawalan ng hanapbuhay?
Matiyaga at masipag sa pag-aaral si Abby. Ngunit dahil sa lumalaganap na sakit ay hindi muna pinahintulutan na magbukas ang klase. Naging suliranin ni Abby kung paano siya makapagpapatuloy ng pag-aaral. Ano ang dapat niyang gawin?
Isa sa mga programa ng barangay at kalunsuran ay ang pagpapaganda ng kapaligiran. Si Mang Jesus at Veronica ay nais sumali sa mga pagpapaganda ng paligid, ano ang maaring gawin nina Mang Jesus at aling Veronica. Paano sila makikiisa ?
May paanyaya ang inyong barangay ukol sa seminar sa paggawa ng sabon.
Nalaman mo na nagkaroon ng alitan ang iyong ama at ang inyong kapitbahay, ano ang maari mong itulong sa kanila?
Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinabi niya sa iyo ang kanilang kultura at paniniwala.
Naglunsad ng programa ang Kagawaran ng Edukasyon sa TV, na maaring makatulong sa iyo sa pag-aaral mo tulad ng Distance Learning.
Nalaman mo na dadating ang iyong mga pinsan mula sa ibang bansa. Paano mo sila hihikayatin muling mamasyal sa ating mga magagandang pook pasyalan?
Paano ka makakatulong upang hindi tuluyang lumaganap ang pandemya?
Si Selma ay isang kasambahay. nais niyang makatapos ng pag-aaral, ano ang maaaring imungkahi sa kanya?
Si Aling Amor ay may anak na limang taon gulang. Nagpatalastas ang kagawaran na magkakaroon ng Pambansang Palistahan. Ano ang nararapat na gawin ni Aling Amor?
Programa sa inyong lungsod ang paghihiwalay ng mga basura, nabubulok at di-nabubulok. Paano ka makikiisa sa programa ng lungsod?
Sa panahon ng pandemya ay hinaharap ng Kagawaran ng Edukasyon ang ‘Bagong Normal’, sa kabila nito ay naglunsad ang kagawaran ng Komprehensibong Learning Continuity Plan upang patuloy na matugunan Ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Paano ka makikiisa sa programa ng kagawaran?
Nabalitaan mo na mababa ang kita ng palay ng iyong lolo, paano mo siya matutulungan na lumaki ang ani ng kanyang palay?
Napansin mo na medyo mataas ang mga paninda ng iyong nanay kung ihahambing sa mga katabi niyong tindahan. Ano ang maari mong imungkahi sa iyong nanay?
Tukuyin kung tama ang pahayag kapag ito ay nagsasaad ng paglilingkod ng pamahalaan at mali kung hindi.
Paglulunsad ng mga programa ukol sa bakuna.
Pagpapataw ng mataas na buwis sa mga bilihin.
Paghihikayat sa mga mamamayan na bumili ng mga imported na produkto.
Pagtataguyod sa mga likas na yaman.
Pagbubukas ng mga makabagong daan at tulay.