
Q4 AP (Ekonomiks M3)
Quiz by G13 Luzaran, Princess Migumi R.
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang ____ ay uri ng pangingisda sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa at hindi nangangaailangang gumamit ng fishing vessel.
Ang ____ ay agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Ang ____ ay nangangasiwa sa pagsasaliksik, pagsusuri, pagpapaunlad, paggamit at pangangalaga ng likas na yaman ng bansa.
Ang mga sumusunod ay nabibilang sa sektor ng agrikultura MALIBAN sa ____.
Ang ____ ay karaniwang produkto na matatagpuan sa sektor ng agrikultura.
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng sektor ng agrikultura?
Ang ___ ay nagpapatupad ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program), layunin nito na maipamahagi ang mga lupaing agrikultural sa mga magsasakang walang lupa.
Ang mga sumusunod ay tumutulong sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura MALIBAN sa ____.
Ang mga sumusunod ay mula sa sektor ng paggugubat MALIBAN sa ____.
Mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapaunlad at pangangalaga sa sektor ng agrikultura dahil sa mga sumusunod na kadahilanan MALIBAN sa ____.
Ang Agrikultura ay hango sa salitang _______ na “agricultura”
“agri”
“cultura”
Ito ay mga hilaw na sangkap na hindi pa dumadaan sa pagpoproseso.
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa apat na sub-sektor, ang paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at paggugubat.
Ang Pilipinas ay isa sa malaking tagapagtustos ng isda sa buong mundo. Nauuri ang pangingisda sa tatlo – komersyal, municipal at aquaculture.
Ang mga pangunahing pananim sa bansa ay binubuo ng palay, mais, niyog, tubo, abaka, pinya, mangga, cacao, kape, goma at tabako. Karaniwan itong kinokonsumo sa loob at labas ng ating bansa.
Isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Pinagkukunan ng suplay ng troso, tabla, plywood, veneer wood. Pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, dagta mula sa puno ng almaciga at pulot-pukyutan o “honey”.
Kilala din sa tawag na aquafarming. Ang pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito sa tubig tabang (fresh), maalat-alat (brackish) at maalat (marine).
Pangingisdang gumagamit ng barko; may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa gawaing pangkalakalan.
Pangingisda sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa at hindi nangangaailangang gumamit ng fishing vessel.
Nakatuon sa pag-aalaga ng hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, itik at pato. Layunin nito na makapagsuplay ng ating mga pangangailangan sa karne, itlog, gatas, keso at iba pang pagkain.
Itinuturing ito bilang gulugod “back bone” ng ating ekonomiya. Ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya. Ang lahat ng sektor ay umaasa mula dito upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon.
Ginagabayan ang mga magsasaka ukol sa wasto at makabagong paraan ng pagtatanim at paggamit ng makabagong teknolohiya.
Nagpapatupad ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program), layunin nito na maipamahagi ang mga lupaing agrikultural sa mga magsasakang walang lupa.
Nangangasiwa sa mga batas at regulasyon na may kaugnayan sa pamamahagi at ligtas na pagbebenta ng mga butil, feeds, fertilizer at pesticides.
Nangangasiwa sa pagsasaliksik, pagsusuri, pagpapaunlad, paggamit at pangangalaga ng likas na yaman ng bansa.
Sinisikap na paunlarin ang larangan ng pangingisda.
Nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan.
Naglalayong protektahan, paunlarin at pangasiwaan ang mga kagubatan at kabuhayan ng Pilipinas.