
Q4_EsP 10_Midterm Exam
Quiz by Ann Lorraine Balbuena
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Mahilig tumingin si Caloy ng mga malalaswang larawan sa internet at magbasa ng mga babasahing nakapupukaw ng kanyang isip sa sekswal na pagnanasa. Tukuyin kung anong uri ng kawalang paggalang sa Dignidad at Sekswalidad ang ginagawa ni Caloy?
Ayon sa Encyclopedia of Psychology, ang pang-aabusong sekswal ay ang pamimilit ng isang tao na gumawa ng isang sekswal na gawain ng walang pag-sang ayon nito. Alin sa mga pangungusap ang naglalarawan ng kahulugan nito?
Bago pa lamang magkasintahan sina Josie at Albert, humiling ang huli na makipagtalik sa kanya bilang regalo sa kanilang anibersaryo. Anong konsepto ng kawalang paggalang sa Dignidad at Sekswalidad ang ipinakita sa sitwasyon?
”Kung mayroon lang sanang ibang pagkakataon…may sakit ang aking ina, wala akong alam na trabaho na madaling kumita ng pera upang ipambili ng mga gamot niya kaya pumayag akong ibenta ang aking katawan.” Ito ang tinuran ni Nelia sa mga pulis na humuli sa kanya sa isang night club. Ano ang nais ipakahulugan ng mga katagang binitawan ni Nelia?
Kulang ang suweldo ni Abel bilang tindera sa palengke para sa kanilang magkapatid. May nag-alok sa kanya na kukunan sila ng larawang magkapatid habang naka-bikini kapalit ang halaga. Piliin ang tama at mabuting maaaring itugon ni Abel.
Tawag sa pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa isang kapamilya o kamag-anak.
Salita na tumutukoy sa isang nakatatandang tao na mayroong pagnanasa sa isang bata o minor de edad.
Isa lamang si Rosa sa halimbawa ng mga kabataang nagiging biktima ng pang-aabusong sekswal. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga bata o kabataan na nakararanas ng pang-aabusong sekswal ay nagkakaroon ng pangmatagalang problema tulad ng depresyon. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pang-aabusong sekswal?
Nasa ika-10 baitang at malapit ng makapagtapos ang magkasintahan Joseph at Celia. Sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis ni Joseph ang kanyang kasintahan na si Celia at sa kanilang pag-uusap ay nagkasundo sila na ilihim ito sa kanilang mga magulang hangga’t hindi sila nakakapag “moving up.” Ano ang maaring dahilan/ kahinatnan ng kanilang desisyon?
May viral na larawan sa internet na isang babaeng hubad subalit ang mukha nito ay ang larawang mukha ni Elsa na kinuha sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Nais malaman ni Elsa ang kaganapan kung paano ito nangyari. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang na dapat niyang gawin?
Nagpadala ng mga hubad na larawan si James kay Roger gamit ang Messenger app at nagulat ito sa kanyang nakita. Hindi sang-ayon si Roger sa ginawa ni James. Ano ang unang dapat gawin ni Roger?
Matinding takot at kaba ang nararamdaman ni Melba kapag hinahalikan siya ng kanyang amain. Ipinagtapat niya ito kay Anya at sinabing maglalayas na lamang. Bilang kaibigan, ano ang mungkahing kilos ang dapat ibigay ni Anya sa kaibigan?
Masinsinang kinausap ni Wilma ang kanyang ina na umiwas sa dayuhang kaibigan dahil sa pagre-recruit nito ng mga batang babae para makipag-chat sa mga dayuhan kapalit ang pera subalit nagalit lang ito kay Wilma. Anong hakbang ang maaaring gawin pa ni Wilma upang mapapayag ang ina?
Ano ang kahulugan ng Prostitusyon?
Ano ang ibig sabihin ng Pre-marital sex?
Ang pamimilit ng isang tao na makipagtalik nang walang sang-ayon, kadalasan na ginagawa ng nakatatanda na pumepwersa sa mas nakababata.
Ito ay nangangahulugan na nagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan sa video o pagkuha ng larawan ng walang anumang saplot.
Mga kataga na tinutukoy sa Biblya tungkol sa kalikasan ng tao at kahalagahan ng katawan nito.
Piliin ang kalagayan na nagpapakita ng paninindigan at paggalang sa dignidat at sekswalidad ng tao:
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad
Ang pang-sekswal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning _______________.
Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?
Ang sekswalidad ay ang katangian ng tao na______________.
Ang pakikipagtalik ay isang pangangailangang biyolohikal. Ang pahayag na ito ay___________.
Ang pagpo-post sa social media ng revealing na larawan ay cool at napapanahon.
Ano ang pinaka-angkop na salita na larawan sa pakikipagtalik?
Bakit mahalaga na tibayan ang loob na lumaban sa temptasyon ng Pre-marital sex?
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapahayag ng moral at tama na kilos sa sekswalidad?
Ano ang isang delikadong epekto ng pakikipagtalik ng isang bayaran na tao sa iba't ibang kapareha?
Ano ang maaaring bunga ng paggawa ng Pre-marital Sex?