
Q4-ESP 5- MAIKLING PAGSUSULIT #3
Quiz by Inee Martinez
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
1. Alin sa mga sumusunod ang kaya mong gawin bilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo?
Naglunsad ang inyong barangay ng proyekto ukol sa pagtulong sa mga binaha inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
Nakasakay mo sa bus ang isang matandang babae. Wala nang maupuan ang matanda at ikaw ay nakaupo malapit sa kanya. Ano ang dapat mong gawin?
Ang pagpapakita ng pagmamahal, pagtulong at pagkalinga sa kapwa ay hindi ikinatatakot o ikinahihiya. Anong uri ng gawain ito?
Ano ang nararapat mong gawin sa mga taong nangangailangan ng tulong?
Nawala ang perang hawak ng kalaro mo. Wala siyang maipambili ng pagkain at nagutom na siya. Ano ang dapat mong gawin?
 Ano ang angkop na damdamin kapag kusang-loob ang iyong pagtulong sa iba?
Luma na ang sapatos ng pinsan mong si Luis. Nagpapabili siya sa nanay niya ngunit wala silang pera. May tatlong pares ka ng sapatos na puwedeng magkasya sa kanya. Ano ang dapat mong gawin?
Paano ka nagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan?
Saklay lamang ang gamit ni Mang Jose sa kanyang paglalakad. Napansin mong nahihirapan siya sa kanyang kalagayan. Nagpipilit siyang makausad sa paglakad patungo sa panaderya upang bumili ng tinapay. Paano mo siya matutulungan?