Q4-WEEK 3-ANALISIS
Quiz by Ruth Rosales
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
“Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Krotona,
masayang siyudad sa lupa ni ina?
disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa.”
1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang maaaring nagtulak kay Florante upang sambitin niya ang mga katagang ito sa saknong 176 ng awit?
Napagtanto niya na mas magiging masaya siya sa Krotona sapagkat higit na mas magaling ang isang ina sa pagpapalaki ng mga anak.
Nasambit niya ito dahil sa rami ng kabiguan sa buhay na kanyang dinanas na ang pinag-ugatan ay ang pagkakaroon nila ng iisang bayan ni Adolfo.
Nakita niya ang malaking pagkakaiba ng kapaligiran ng Krotona at Albanya kaya’t napahiling siya na sana’y sa Krotona na lamang siya isinilang.
Nasaksihan niya ang malabis na katiwalian ng mga namumuno sa bayan ng Albanya kaya’t hinangad niyang sa Krotona na lamang sana siya isinilang
60s - Q2
“Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis,
mamamaya’y sukat tibayin ang dibdib;
lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
2. Ano ang iyong mahihinuha na nais ipahiwatig ng saknong sa itaas sa mga mambabasa?
Sanayin natin ang ating mga sarili sa sakit upang maging masaya tayo kahit may pagsubok na dumating.
Natural na mabangis ang mundo kung kaya’t di tayo makaaasa ng anumang uri ng kasiyahan mula rito.
Ang kailangan natin upang manatili sa mundong ito ay maging matatag sapagkat lagi tayong makakaharap sa maraming problema.
Tayo ay inilagay sa mundong ito upang pagdusahan ang lahat ng karahasan na tayo rin mismo ang nagdulot.
60s - Q3
“Dito naniwala ang bata kong loob
na sa mundo’y walang katuwaang lubos;
sa minsang ligaya’y tali nang kasunod
makapitong lumbay o hanggang matapos.
3. Sa kabuuan, anong mahalagang diwa ang nais ipahiwatig ng mga taludtod sa itaas?
Ang bawat isa sa atin ay may natatagong bahagi na maaaring ikumpara sa isang bata – na laging naghahangad ng kaligayahan sa buhay
Ang bawat kasiyahan na nararanasan natin sa mundong ito ay may katapat na kalungkutan kaya’t marapat lamang na maging handa tayo.
Kailanman man ay hindi tayo makararanas ng ganap na katuwaan dahil lahat naman tayo ay hahantong sa kamatayan.
Kinakailangan muna nating makaranas ng kalungkutan ng makapitong ulit bago natin matamo ang kaligayahan na ating inaasam.
60s - Q4
“Kaya pala gayo’y ang nakawagayway
Sa kuta’y hindi na bandilang binyagan.”
4. Anong pangyayari ang isinasaad ng 2 taludtod?
tanda nang pagkatalo kapag bandila ay pinalitan
ibang bandila ang kanilang natatanaw sa sariling bayan
bandilang nakawagayway ang simbolo ng tagumpay.
nasakop ng mga moro ang bayan ng mga Kristiyano
60s - Q5
5. Anong mahalagang pangyayari ang nakasaad sa “Sa Babasa Nito”
Ang pagsasabing kung may malabong bahagi ay tawanan at dustain
Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensahe ng awit.
Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit
Ang pagnanais na maging mahusay rin sanang manunulat ang lahat ng makakabasa ng akdang ito.
60s