Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?

    Abortion

    Suicide

    Euthanasia

    Genocide

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.1
  • Q2

    Tumutukoy sa paglabag sa karapatan sa buhay tungkol sa pagpapalaglag o pag- alis ng fetus o sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina.

    Euthanasia

    Suicide

    Abortion

    Genocide

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.1
  • Q3

    Ang karapatan sa buhay ay siyang pinakamataas na antas sa lahat ng karapatan mo bilang tao. Ano ang mahalagang diwa nito?

    Dahil ang buhay ko ay sagrado o banal at maituturing na pinakamahalagang kaloob ng Diyos

    Dahil ako ay natatangi at naiiba sa ibang nilalang na may buhay.

    Lahat ng nabanggit

    Dahil ang pagkaunawa sa iba’t ibang pananaw o isyu o mga paglabag sa mga karapatan sa buhay na may paglabag ay mga isyung moral na papanig sa kabutihan upang mapanatili ang kasagraduhan ng aking buhay.

    30s
    EsP10PB-IIId-10.3
  • Q4

    Nagbunga ang pagtatalik ni Lexy at David hindi siya mapapakasalan ni david sa kadahilanang si David ay may asawa , kung kaya pinagpasyahan nilang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Anong paglabag sa karapatan o paggalang sa buhay ang kanilang nilabag.

    Abortion

    Mercy Killing

    Euthanasia

    Suicide

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.1
  • Q5

    Si Lexy ay nabuntis ng taong may asawa. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Lexy ipalalaglag mo din ba ang bata? Pangatwiranan.

    Hindi, dahil mahalaga ang kanyang buhay at siya ay may karapatang mabuhay

    Oo, Kasi hindi naman ako mapapakasalan

    Hindi, dahil may makukuhanan naman ako ng pangangailangan ng bata

    Oo, dahil magiging alaala lamang ito ng aking kamalian

    30s
    EsP10PI-IVb-13.3
  • Q6

    Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi angkop na pagpapaliwanag ukol sa kasagraduhan ng buhay?

    Sagrado ang buhay ng tao mula pagkalalang hanggang kamatayan

    Sa mga panahon ng dilemma, maaaring magpasiya ang tao batay sa hinihingi ng pagkakataon

    Ang buhay ay isang banal na biyaya ng Diyos sa tao. Tanging Diyos lamang ang may Karapatan na bawiin ito.

    Ang buhay ng tao ay katangi-tangi sa kalikasan, Sapagkat binigyan Niya tayo ng kakayahan upang magpasiya nang naaayon sa katotohanan at kabutihan

    30s
    EsP10PB-IIId-10.3
  • Q7

    Ano ang pinakamabuting gawin kung nagtapat ang iyong kaibigan na siya ay buntis at hindi pa handa upang mapanindiganan ito?

    Hikayatin ang kaibigan na sumangguni sa isang counselor o sinomang propesyonal

    Sabihing lumayo at magtago muna sa probinsiya upang makaiwas sa tsismis

    Payuhan ang kaibigan na ituloy na lang ang pagbubuntis

    Ipaalam agad sa magulang

    30s
    EsP10PB-IIId-10.4
  • Q8

    Ano ang pinakamainam na gawin kung ikaw ay nalilito sa pagpapasiyang moral?

    Suriin ang mabuti at masamang maaaring dulot ng kahihinatnan ng pagpapasiya

    Manalangin at sundin kung ano ang ninanais kahit mali dahil wala ng ibang paraan.

    Sumangguni sa iba upang mangalap ng mga opinyon na makapagpapalinaw ng pag-iisip at magandang pananaw

    Mangalap pa ng impormasyon

    30s
    EsP10PB-IIId-10.3
  • Q9

    Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kanyang ina. Hindi maituturing na pagpatay ang paglalaglag ng isang fetus dahil umaasa pa rin ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay. Sa makatuwid, ang ina ay may karapatang magpasiya para dito. Anong panig o paniniwala ito?

    Pro-Care

    Pro-Life

    Pro-Choice

    Pru-Life

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.2
  • Q10

    Paano ka pipili ng iyong kapasyahan at kilos kung malagay ka sa sitwasyong nabuntis ka ng iyong kasintahan at ikaw ay basta na lamang iniwan ?

    Ipapalaglag ko na lang ang bata kesa lumaking walang Kinikilalang ama.

    Magmove on na lang total pwede ko naming ibigay sa mama ko ang magiging anak ko.

    Ihihinto ang pagbubuntis para makapag move on.

    Itutuloy pa din ang pagbubuntis at sisikaping buhayin sa kabila ng mapait na pangyayari.

    45s
    EsP10PB-IIId-10.3
  • Q11

    Ang tuwirang pagkitil sa sariling buhay. Ito ay isang pagkilos na kusang-loob o sinasadyang pagpatay sa sarili sa iba’t ibang pamamaraan

    Genocide

    Suicide

    Abortion

    Euthanasia

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.1
  • Q12

    Isang intensyong krimen ng pagpatay ng maraming tao na kabilang sa isang grupo ng tao etnikong, lahi , at relihiyon

    Suicide

    Mercy Killing

    Genocide

    Abortion

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.1
  • Q13

    Ang pagpatay sa mga taong hinihinalang may sala na hindi pa nahahatulan ng hukuman

    Suicide

    Extra Judicial Killings

    Euthanasia

    Genocide

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.1
  • Q14

    Ang mga sumusunod ay ilang paraan upang mapangalagaan ang buhay MALIBAN SA;

    Pag-iwas sa magandang impluwesya ng kaibigan

    Pagiging matatag at mapagtimpi

    Pakikinig na may tiwala sa payo ng magulang at nakatatanda

    Pag-iwas sa bisyo

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.2
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod ang mahalagang konsepto patungkol sa kahalagahan ng buhay

    lahat ng nabanggit

    Ang buhay ay walang katumbas na anomang halaga

    Walang sinoman ang may karapatang kitilin o di kaya'y kunin ang buhay mula sa atin

    Ang buhay ay sagrado sapagkat ito ay galing sa Diyos

    30s
    EsP10PB-IIIc-10.2

Teachers give this quiz to your class