
Quarter 1_Module 6_Subukin
Quiz by Dolorosa Macalalad
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 2 skills from
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ang batang si Alain ay may kapansanan sa pandinig subalit hindi ito naging hadlang upang makihalubilo sa mga kasing edad niya. Sanay na sila kay Alain na gumagamit ng di-pasalita o sign language upang magkaintindihan sila ng kanyang mga kalaro. Subali’t may mga sitwasyong hindi siya maintindihan ng iba kaya nauuwi sa away. Sa sobrang awa ng nanay ni Alain sa kanyang anak ay pinagbawalan nya itong lumabas at makihalubilo sa kanyang mga kaibigan. Ikaw, bilang mag-aaral kumbinsido ka ba sa naging pasiya ng nanay ni Alain?
Oo, mas mabuti na mailayo si Alain sa mga batang mahilig manakit sa tulad niyang may kapansanan.
Hindi, dahil kailangan lang na kausapin ang mga kaibigan ni Alain upang maipaunawa sa mga ito ang kalagayan ng kanyang anak.
Hindi, dahil kailangan ni Alain na makihalubilo sa ibang bata upang matuto siya kunganong uri ng buhay meron sa labas.
Oo, dahil baka mas masasaktan pa ito ng grabe kung hahayaan lang.
60sEsP8PBIf-3.3 - Q2
Pangarap ni Roy na magkaroon ng isang mountain bike dahil lahat ng malapit niyang kaibigan ay mayroon na. Isang araw nalaman niya na nakatanggap ng bonus ang kanyang tatay mula sa pinagtatra-bahuhan nitong kompanya. Agad niyang sinabi sa ama ang kanyang nais subalit hindi siya nito pinagbigyan dahil ang perang natanggap ay nakalaan sa ibang gastusin. Sa sama ng loob ni Roy, tinalikuran niya ang kanyang ama at umalis ng bahay. Kung ikaw si Roy, ano ang iyong magiging pasiya?
Tatanggapin ko na lang ang pasiya ng aking tatay kahit masama ang aking loob.
Sinasang-ayunan ko ang pasiya ni Roy na talikuran na lang at huwag nang umimik para hindi na ito mag-iwan ng masakit na salita.
Pagsasabihan ko ang aking tatay na minsan lang naman akong humiling ,hindi pa niya ako mapagbigyan.
Tatanggapin ko at uunawain ang naging pasiya ng aking tatay dahil may mas mahalagang dapat paglaanan ng pera kaysa sa pagkakaroon ng mountainbike.
60sEsP8PBIf-3.3 - Q3
Simula pagkabata pangarap na ni Kristine ang pagma-madre subalit ngayong nasa ikawalong baitang sya sa mataas na paaralan, ay nagdadalawang isip siya
dahil nag-iisa siyang anak ng kanyang mga magulang. Iniisip niya na walang mag-aalaga sa kanila kapag sila ay tumanda na. Kaya’t nagdesisyon siyang huwag na lang ipagpatuloy ang pangarap niyang pagpasok sa kumbento bagkus ay ibaling na lang sa iba ang kanyang pangarap. Kung ikaw si Kristine, ano ang iyong magiging pasiya?
Mag-aaral akong mabuti at hihintayin ko ang tamang panahon para masabi ko sa aking mga magulang ang aking plano. Naniniwala ako na gagabayan ako ng Panginoon na matupad ang aking pangarap sa takdang panahon.
Tama ang desisyon ni Kristine na ibaling na lang sa iba ang kanyang pangarap upang makasama niya ang kanyang mga magulang dahil walang mag-aasikaso sa mga magulang kundi ang sariling anak.
Sasabihin ko kung ano ang nilalaman ng aking puso at igagalang ko kung anuman ang kanilang pasiya para sa akin.
Mali ang desisyon ni Kristine, hindi niya dapat inaalala ang kanyang mga magulang. Kung ano ang gusto niya para sa sarili nya yun dapat ang masunod.
60sEsP8PBIf-3.3 - Q4
Si Dolor ay matagal nang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang caregiver. Kadalasan ay nagtitipid siya sa kanyang pagkain upang may maitabi na inilalaan niya sa pambili ng load sa kanyang cellphone upang makatawag sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Sa tuwing nakakausap ni Dolor ang kanyang mga anak at asawa ay ibayong saya ang dulot nito sa kanya. Minsan ay naglambing ang bunso nitong anak na padalhan siya ng bagong cellphone. Agad namang ibinigay ni Dolor subalit nang mahawakan na ng bunso ni Dolor ang cellphone ay palagi niya itong ginagamit sa paglalarong mobile legends kaya’t hindi na ito makausap ng maayos. Kung ikaw si Dolor, ano ang iyong gagawin sa sitwasyong ito?
Pagsikapang makausap upang mapangaralan sa pagiging responsible sa paggamit ng gadyet.
Sasabihan koa ng aking asawa na bawiin ang cellphone at huwag nang pahahawakin ito.
Kung hindi ko na makausap, magme-message ako at kagagalitan ko ito.
Hahayaan ko na lang dahil ito ang makakapagpasaya sa kaniya.
60sEsP8PBIf-3.4 - Q5
Si Janina ay madalas na nasa labas ng bahay dahil sa mga kaibigan nito. Minsan ay kinausap siya ng kanyang nanay na bawas bawasan ang paglabas at pakikibarkada. Sa isip ni Janina kaya lang naman niya palaging kasama ng mga kaibigan dahil wala siyang makasama at makausap sa bahay. Sa hindi niya pag-imik inakala ng kanyang nanay na susundin siya ng kanyag anak subalit kabaligtaran ito ng nangyari dahil mas tumagal pa ang oras nang pagtigil nito sa mga kaibigan. Sa galit ng kanyang nanay ay pinuntahan siya nito sa mga kaibigan at doon kinagalitan. Sa iyong palagay tama ba ang ginawa ng nanay ni Janina?
Oo, dahil pinagsabihan na siya nito subalit hindi siya nakinig.
Oo, para magtanda ito nang malaman niya na dapat sinusunod palagi ang magulang.
Hindi, dahil baka sa galit at pagkapahiya ay maglayas ito.
Hindi, dapat ay kinausap niya ito nang masinsinan at tinanong kung ano ang problema bakit hindi siya sumunod sa pangangaral nito.
60sEsP8PBIf-3.4