Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    Ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa tala, pangyayari at impormasyon ng tunay na buhay.

    journal

    talambuhay

    dokumentaryo

    talaarawan      

    120s
    F5PB-IIf-3.3
  • Q2

    Kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na araw at petsa.

    dokumentaryo

    talaarawan  

    talambuhay

    journal

    120s
    F5PB-IIf-3.3
  • Q3

    Ito ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan.

    dokumentaryo

    talaarawan  

    journal

    talambuhay

    120s
    F5PB-IIf-3.3
  • Q4

    Maikling salaysay na nakawiwili, nakalilibang sa paraang patalambuhay na pagpapahayag ng  mga pangyayari.

    journal

    anekdota

    talaarawan  

    dokumentaryo

    120s
  • Q5

    Ito ay aklat na naglalaman ng mga salita, kahulugan ng salita, paano bigkasin ang salita at anong uri ito ngpananalita.

    internet

    encyclopedia

    atlas    

    dictionary

    120s
  • Q6

    Ito ay isang malawak na network ng mga kompyuter na ginagamit upang makapagbukas ng iba’t ibang klase ng impormasyon mula sa World Wide Web.

    internet          

    encyclopedia

    atlas

    dictionary

    120s
  • Q7

    Ito ay isang set ng mga aklat na naglalaman ng maiikling artikulo o pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Nakaayos ito ng paalpabeto.

    atlas

    dictionary

    internet       

    encyclopedia    

    120s
  • Q8

    Isang uri ng sulatin na ginagamit ng isang indibidwal upang magbigay gabay, pag-alala sa mga bagay na nangyari, nangyayari o mangyayari.

    journal

    talaarawan  

    dokumentaryo

    anekdota

    120s
  • Q9

    Ito’y nagmumungkahi ng isang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pangmadla.

    poster

    patalastas

    islogan

    babala     

    120s
  • Q10

    Ito ay isang maikling mensahe na nakakapukaw damdamin at madalas nagbibigay ng pangmatagalang impresyon o leksiyon sa mambabasa.

    patalastas

    poster

    islogan

    babala     

    120s
  • Q11

    Ito ay mga nakasulat o nakapaskil na mga paalala na kadalasan nating nakikita sa ating kapaligiran.  Ito ay paalalang dapat nating sundin para sa ating kaligtasan at gayundin sa pangangalaga natin sa ating kapaligiran.

    patalastas

     islogan

    babala    

    poster

    120s
  • Q12

    Ibigay ang wastong baybay ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.

    Isa sa paborito kong pagkain ay ang ispageti.                            

    espagiti        

    espageti     

    espagite 

    spaghetti

    120s
  • Q13

    Ang masdyid ay isang sagradong lugar para sa mga muslim.  Alin ang wastong baybay?    

    Masjid 

    Mashid    

    Masjyid     

    Masgid    

    120s
  • Q14

    Basahin ang talata at piliin ang angkop na pamagat.

    Ang bawat parte ng niyog ay mahalaga.  Ang dahon ay maaaring gawing laruan tulad ng bola at pamaypay.  Ginagawa rin itong palaspas tuwing Mahal na Araw.  Ang bunga nito ay nakakain at ang sabaw ay gamot sa mga may UTI.  Ang bao nito ay maaaring gawing bunot, sandok at pandekorasyon.  Ang katawan niya ay puwedeng gawing poste ng bahay.  Minsan, iyong balat ng puno ay ginagawang panggatong.

    Mahalaga ang Bawat Parte ng Niyog

    Masarap ang Niyog

    Ang Puno ng Niyog 

      Ang Bunga ng Niyog   

    300s
  • Q15

    Ang tubig ay mahalaga.  Di lang tayong mga tao ang nangangailangan nito.  Ang mga hayop at halaman ay kailangan din ito upang mabuhay.  Ginagamit natin ang tubig sa pagluluto’t paglalaba.  Kapag tayo ay naliligo at naglilinis ng bahay.  Kinakailangan ito kapag tayo ay nauuhaw.  Bawat ginagawa natin ay kinakailangan ito, maging sa mga hayop at halaman.  Gamitin nang tama at pangalagaan ito.  Alin ang angkop na pamagat sa binasa?

    Malinis ang Tubig 

    Ang Tubig 

    Kailangan ang Tubig

    Kahalagahan ng Tubig

    300s

Teachers give this quiz to your class