
Quarter 3: Pre-Test
Quiz by Nova Josef
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 10 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ito ay maituturing na tamang pagpapatupad ng katarungan.
Patawarin ang humingi ng tawad
Tumawid sa tamang tawiran
Bigyan ng limos ang namamalimos
Ikulong ang lumabag sa batas
30sEsP9KP-IIIa-11.1 - Q2
Ano ang katarungan?
Pagsunod sa batas
Paggalang sa sarili
Pagtrato sa tao bilang kapwa
Lahat ng nabanggit
30s - Q3
Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
Pag-iimpok
Pagkakawanggawa
Pagtitipid
Pagtulong
30sEsP9KP-IIIe-12.1 - Q4
Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili.
Ito ay nangangahulugang_____.
Dapat timbangin ang mga salik na nakapalibot sa iyo bago magdesisyon.
Nagsisimula ang pagiging makatarungan sa pagmamahal sa sarili.
Iingatan ang sarili dahil tao ako na may pagpapahalaga sa sarili.
Ang sarili ang dapat unahin sa pagdedesisyon.
30sEsP9KP-IIIc-9.2 - Q5
Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan MALIBAN sa:
“Mata sa mata, ngipin sa ngipin”
“Kunin mo lamang ang kailangan mo”
“Walang sala hangga’t hindi napapatunay ang nagkasala"
“Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong”
30sEsP9KP-IIIc-9.1 - Q6
Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
45sEsP9KP-IIIa-11.1 - Q7
Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
Ang pagpapakulong sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
Ang hindi pagbigay ng limos na pera sa namamalimos sa kalye
Wala sa nabanggit.
Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.
30sEsP9KP-IIIc-9.2 - Q8
Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kanyang pangarap
May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho
Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
45sEsP9KP-IIIa-11.1 - Q9
Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kanya na maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
45sEsP9KP-IIIf-12.4 - Q10
Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
Pagpapautang ng 5-6.
Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
Wala sa nabanggit.
Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
30sEsP9KP-IIId-9.3 - Q11
Bakit kailangan ng mga batas?
Lahat ng nabanggit.
Bakit kailangan ng mga batas?
Upang parusahan ang mga nagkakamali.
Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
30sEsP9KP-IIId-9.4 - Q12
Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
Pagsisikap
Kasipagan
Pagpupunyagi
Katatagan
30sEsP9KP-IIIf-12.3 - Q13
Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
Hindi nagrereklamo sa ginagawa
Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
Hindi umiiwas sa anumang gawain
45sEsP9KP-IIIf-12.3 - Q14
Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapwa at lipunan.
Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan at disiplina.
30sEsP9KP-IIIf-12.3 - Q15
Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
45sEsP9KP-IIIa-11.2