placeholder image to represent content

Quiz 1- Pagsasabi ng Katotohanan

Quiz by Leonor Jocson

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
5 questions
Show answers
  • Q1

    Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang wastong sagot.

    Inatasan ka ng iyong guro na umawit sa isang palatuntunan sa Buwan ng Wika. Hindi ka sanay na humarap sa maraming tao at kinakabahan ka sa karamihan. Sasabihin mo ba saiyong guro ang katotohanan, ano ang gagawin mo?

    Hindi po. Liliban na lamang ako para hindi makaawit

    Hindi po. Magsisinungaling na lamang ako na hindi ko narinig ang sinabi ng guro

    Hindi po. Hahanap na lamang po ako ng ibang kapalit sa pagkanta

    Opo. Magsasabi na lang po ako sa aking guro na hindi ko kayang kumanta sa harap ng maraming tao.

    45s
  • Q2

    Nagkaroon ngpagpupulong sa Barangay Balubad. Inatasan ka ng iyong magulang na dumalo sapulong dahil siya ay may sakit. Nang ikaw ay nasa pulong na ay biglang nagtanong ang Kapitan ng Barangay kung nasaan ang nanay mo. Sasabihin mo ba ang katotohanan sa Kapitan?

    Hindi ko na lang po sasabihin sa kaniya dahil nahihiya talaga ako.

    Opo. Sasabihin ko po ang katotohanan sa Kapitan na may sakit ang magulang ko kaya ako po ang    pinadalo niya sa pulong.

     

    Hindi ko na lang po papansinin ang tanong ng Kapitan.

    Opo, pero uuwi na lamang ako at hindi ko na hihintayin ang magiging sagot niya.

    45s
  • Q3

    Inutusan ka ng iyong tiyuhin na magluto ngunit hindi ka marunong. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

    “Sige po, magluluto ako pero pahingi muna ng pera.”

    “Hintayin na lamang ninyo ang nanay ko para siya  na po ang magluto.”

    "Pasensiya na po, Tito hindi  ako marunong magluto.”

    “Ikaw na lamang po ang magluto. Hindi ako marunong!”

    45s
  • Q4

    Gusto mong sumali sa Poster Making contest dahil alam mong marunong kang gumuhit at magpinta ngunit hindi ka tinawag ng iyong guro. Sasabihin mo ba sa iyong guro ang katotohanan na gusto mong sumali?

    Opo,pero sa ibang kategorya na lamang ako sasali para manalo ako.

    Hindi po, hindi na lamang ako sasali

    Hindi po. Kakausapin ko na lamang ang kaklase ko at ipasasabi ko sa kanya na marunong  ako.

    Opo, sasabihin ko po sa guro na marunong akong gumuhit at magpinta.

    45s
  • Q5

    Napansin mong hindi pumila ang iyong kamag-aral at inunahan sa pila ang isang maliit na bata. Walang nakapansin nito. Ano ang gagawin mo?

    Isusumbong ko siya saaming guro para siya ay mapagsabihan.

    Sisigawan ko ang bata na hindi tama ang ginawa niya.

    Hindi ko na lamang papansinin ang nangyari.

    Kakausapinko siya nang mahinahon at sasabihin sa kanya na hindi tama ang kanyang ginawa.

    45s

Teachers give this quiz to your class