Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Ang prinsipyo ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay binuo ni _______________.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q2

    ______________________ na Pagpapahalaga ay tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng tao.

    pandamdam 

    pambuhay

    banal

    ispiritwal

    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q3

    Ang _________________ na pagpapahalaga ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.

    banal

    ispiritwal

    pandamdam

    pambuhay

    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q4

    Ang ___________ na pagpapahalaga ay may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).

    pandamdam

    ispiritwal

    pambuhay

    banal

    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q5

    Ang ____________ ay nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.

    puso

    birtud

    values

    habit

    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q6

    Tumutukoy sa __________ na pagpapahalaga ang pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.

    banal

    ispiritwal

    pandamdam

    pambuhay

    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q7

    Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay tinawag ding ___________________ sapagkat ito ay hindi ganap na mauunawaan lamang ng puso.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q8

    Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga maliban sa:

    Pagpapahalaga sa katarungan

    Pagpapahalaga sa sariling kagustuhan

    Pagpapahalaga sa kapayapaan

    Pagpapahalaga sa pagmamahal

    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q9

    Ang pera ay nakapagbibigay ng saya sa tao ngunit maraming tao na maraming pera ngunit naghahanap pa rin ng ibang bagay na mas makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na makapagpapasaya sa kanya. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?

    Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga halaga

    Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito

    Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito

    Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito

    30s
    EsP7PB-IIId-10.3
  • Q10

    Tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil:

    Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi kailanman ang isip

    Lahat ng nabanggit

    Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip.

    Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian.

    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q11

    Si Renato ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa ganitong kalagayan labis ang suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito naniniwala siya na hindi na niya kailangan magtrabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan, uminom at magsugal. Nasa anong antas ang pagpapahalaga ni Renato.

    pandamdam na pagpapahalaga

    ispiritwal na pagpapahalaga

    banal na pagpapahalaga

    pambuhay na pagpapahalaga

    30s
    EsP7PB-IIId-10.3
  • Q12

    Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang kanyang panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinagkatiwala niya ang kanyang negosyo sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kanyang yaman sa mga batang kanyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na ano mang kapalit. Nasa anong antas ang pagpapahalaga ni Henry?

    pambuhay na pagpapahalaga

    banal na pagpapahalaga

    pandamdam na pagpapahalaga

    ispiritwal na pagpapahalaga

    30s
    EsP7PB-IIId-10.3
  • Q13

    Walang ibang hinangad si Charmaine kundi ang makamit ang kakuntentuhan sa buhay. Sa panahon na labis na ang kanyang pagkapagod sa trabaho, naglalaan siya ng panahon upang magbakasyon upang makapagpahinga. Lagi niyang binabantayan ang kanyang pagkain na kinakain upang masiguro na napananatili niyang malusog ang kanyang pangangatawan. Nasa anong antas ang pagpapahalaga ni Charmaine?

    pambuhay na pagpapahalaga

    pandamdam na pagpapahalaga

    banal na pagpapahalaga

    ispiritwal na pagpapahalaga

    30s
    EsP7PB-IIId-10.3
  • Q14

    Ano ang pinakamataas na antas ng pagpapahalaga?

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1
  • Q15

    Ayusin ang antas ng pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler

    Users link answers
    Linking
    30s
    EsP7PB-IIIc-10.1

Teachers give this quiz to your class