placeholder image to represent content

Quiz 2 - Pakikilahok sa mga Programa at Proyekto

Quiz by Richard Alboro

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Si Aling Maria ay nakatatanggap ng pera bawat buwan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ano ang dapat gawin ni Aling Maria sa natatanggap niyang pera?
    Gamitin ito sa pagpapaaral at pagpapagamot ng mga anak.
    Ipambayad ito sa koryente at tubig.
    Ibili ito ng mga gadget gaya ng cellphone at ipod.
    Ibili ito ng mga kagamitan sa bahay.
    45s
  • Q2
    Maraming batang hindi nag-aaral ng kinder sa lugar nina Annie. Nabanggit ng kaniyang guro ang tungkol sa K-12 Program. Ano ang maaari niyang maitulong sa mga batang ito?
    Huwag na lang kumibo dahil hindi mo naman ito problema.
    Sitahin ang mga magulang ng mga batang ito.
    Ipagbigay-alam sa barangay ang tungkol dito upang maipaalam sa karamihan.
    Sabihan ang guro na puntahan ang mga bata sa kanilang lugar na hindi nag-aaral.
    45s
  • Q3
    May programang Eco-Savers sa paaralan nina Julio kung saan hinihikayat ang mga mag-aaral na magdala ng mga basurang maaari pang pakinabangan kapalit ang puntos nito sa passbook. Araw-araw nakikita niyang itinatapon lamang ang mga ito ng kaniyang nanay sa basurahan. Ano ang dapat niyang gawin?
    Magdadala ng kaunting basura upang mapagbigyan ang guro.
    Dalhin sa paaralan ang mga basurang napapakinabangan pa.
    Hindi magdadala ng basura dahil mas kikita kung sa iba ito ipagbibili
    Hindi dadalhin ang mga basura dahil mabigat ito.
    45s
  • Q4
    Nagkaroon ng programang Remedial Reading sa inyong paaralan. Inanyayahan ka ng iyong guro na makilahok sa pagtuturo sa mga kamag-aaral mong mahinang bumasa. Ano ang iyong gagawin?
    Hindi ako sasali dahil hindi naman ako guro.
    Masayang tatanggapin ang imbitasyon dahil makatutulong ako sa aking mga kamag-aaral
    Magtuturo ako pero sandali lang.
    Sasabihin ko sa aking guro na ibang bata na lamang ang kaniyang kunin
    45s
  • Q5
    Nagbigay ng pagpupulong ang inyong barangay ukol sa mga dapat gawin sa oras ng pagbaha o sakuna dahil isa ang inyong lugar sa mga binabaha tuwing malakas ang ulan. Nagbabala ang PAGASA na magkakaroon ng bagyo sa susunod na araw. Ano ang dapat mong gawin?
    Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ngunit hindi ako lilikas hanggang hindi pa mataas ang tubig.
    Gagawa ako ng sarili kong diskarte dahil mas alam ko ang lugar namin
    Susundin ko ang bilin ng aking tatay
    Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ng mga tauhan ng barangay
    45s
  • Q6
    Naglunsad ang inyong barangay ng lokal na programang Greening Program. Hinihikayat ang bawat pamilya sa inyong barangay na magkaroon ng isang narseri sa bakuran. Ano ang inyong gagawin?
    Magsawalang-kibo upang hindi mapansin.
    Sabihin sa barangay na hindi kayo marunong magtanim.
    Magpalista sa barangay ngunit hindi gagawa ng narseri.
    Masayang makilahok sa programa.
    45s
  • Q7
    Mahilig kang gumawa ng komiks at pangarap mong maging animator balang araw. Anong programa ng pamahalaan ang makatutulong sa iyo?
    Abot Alam Program
    K-12 Basic Education Program
    National Greening Program
    Technical Education and Skills Development Authority
    45s
  • Q8
    Si Susan ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Libre ang kaniyang pag-aaral dito. Ano ang dapat niyang gawin?
    Mag-aral nang mabuti hanggang makapagtapos.
    Humingi ng malaking halaga ng baon sa magulang dahil libre naman ang pag-aaral.
    Maaari siyang hindi pumasok araw-araw dahil libre naman ito.
    Masiyahan na sa mababang marka basta’t makapasa dahil siya naman ay nasa pampublikong paaralan.
    45s
  • Q9
    Ang iyong pamilya ay kabilang sa nakakukuha ng benepisyo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Napansin mo na kapag natatanggap ito ng iyong nanay ay ipinambibili niya ito ng meryenda sa fastfood. Ano ang dapat mong gawin?
    Pagagalitan ko ang aking nanay sa kaniyang ginagawa.
    Isusumbong ko ang aking nanay sa DSWD.
    Paaalalahanan ko ang aking nanay kung saan dapat gastusin ang pera mula sa pamahalaan.
    Sasang-ayunan ko ang aking nanay dahil bihira kaming makakain sa isang fastfoo
    45s
  • Q10
    May pagsasanay sa inyong paaralan para sa mga nais tumulong sa feeding program ng barangay. Nanaisin mo bang lumahok at tumulong?
    Susubukin kong tumulong.
    Tutulong na lamang ako kapag oras na ng feeding program.
    Pag-iisipan ko muna.
    Hindi, dahil nakakapagod ito.
    45s

Teachers give this quiz to your class