Quizalize logo
placeholder image to represent content

Quiz 2_4th Quarter

Quiz by Reynalen Paloma

Feel free to use or edit a copy

includes Teacher and Student dashboards

Measure skills
from any curriculum

Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.

With a free account, teachers can
  • edit the questions
  • save a copy for later
  • start a class game
  • view complete results in the Gradebook and Mastery Dashboards
  • automatically assign follow-up activities based on students’ scores
  • assign as homework
  • share a link with colleagues
  • print as a bubble sheet
10 questions
Show answers
  • Q1

    Matalik na magkaibigan sina Maria at Angelica. Parati silang magkasama at parehas ang mga kinahihiligan nila. Isang araw narinig mo si Angelica na nagsasabi ng masasamang bagay patungkol kay Maria sa iba ninyong kaklase. Ngunit ng magkasama sila ng araw na iyon nakita mong puro pagpupuri lamang ang sinasabi ni Angelica sa kaibigan. Ano ang gagawin mo?

    Ipagkalat sa buong klase ang ginagawa ni Angelica para walang maniwala sa kanya

    Sabihan si Angelica na plastik ito sa kaibigan

    Kaibiganin si Maria para malaman kung totoo nga ba ang mga sinasabi ni Angelica

    Kausapin si Angelica na mali ang ginagawa nito. Sabihin din kay Maria ang nakita at narinig. Hayaan siyang magpasya tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

    10s
    Edit
    Delete
  • Q2

    Nilibre ka ng kapatid mo sa Jollibee. Habang kumakain kayo sinabi niyang nakapulot siya ng isang daang piso. Inaanyayahan ka niyang maglaro ng video games sa computer shop pagkatapos ninyong kumain. Pagdating ninyo sa bahay nakita ninyong may hinahanap ang inyong Ate. Tinanong ka niya kung may nakita kang pera na isang daan. Ano ang gagawin mo?

    Samahan ang kapatid sa paghingi ng paumanhin sa Ate. Sabihin ang inyong ginawa at pag-ipunan na maibalik ang pera nito.

    Sabihin sa Ate na wala at tulungan siya sa paghahanap

    Sabihin sa Ate na ninakaw ng iyong kapatid ang pera at hindi mo alam na iyun pala ang pinambayad niya sa kinain at nilaro ninyo

    Humingi ng tulong sa nanay dahil baka magalit ang Ate.

    10s
    Edit
    Delete
  • Q3

    Nakipagsuntukan ang kaibigan mo dahil sa natalo siya sa sugal. Pumutok at dumugo ang kanyang labi. Pinakiusapan ka niya na huwag magsusumbong sa magulang niya dahil natalo ang pambili ng proyekto na binigay ng kanyang ina. Nagtanong ang kanyang ina kung napaano ito at kung nabili na niya ang kailangan sa proyekto. Ano ang gagawin mo?

    Sabihing nakipagsuntukan ito dahil sa sugal at natalo ang perang pambili ng proyekto

    Sabihing nadapa ito at tulungan ang kaibigan na dumiskarteng maghanap ng pera pambili ng proyekto

    Sabihing nadapa ito at pinatago ng kaibigan ang nabiling proyekto sa bahay ninyo

    Sabihing nakipagsuntukan ito dahil kinuha ng ibang bata ang perang pambili ng proyekto

    10s
    Edit
    Delete
  • Q4

    Nagsasagot ang inyong klase ng markahang pagsusulit nang makita mong may mga sulat ng solution sa Matematika sa braso ang matalik mong kaibigan. Ano ang gagawin mo?

    Ipagsawalang bahala ito upang hindi magalit sa iyo ang kaibigan mo.

    Hingin ang solution sa kaibigan para makakuha ng mataas na marka

    Hayaan ang kaibigan. Pagkatapos ng klase ay pagsabihan ito.

    Hayaan muna ito. Pagkatapos ng klase ay lapitan ang guro at sabihin ang nakita.

    10s
    Edit
    Delete
  • Q5

    Nahuli mong nangungupit ng barya ang kapatid mo sa maliit na tindahan ng inyong ina. Alam mong pagagalitan siya ng inyong ina at parurusahan ng inyong tatay kapag nalaman niya ito. Ano ang iyong gagawin?

    Tanungin ang kapatid kung saan niya ginamit ang pera. Ipaliwanag na mali ang kanyang ginawa. Kausapin ang nanay at tatay at hayaan silang magpasya sa tamang pagdidisiplina.

    Kausapin ang kapatid na huwag ng gawin ito at bigyan siya ng pera.

    Ipagsawalang bahala ito sapagkat barya lamang ang kinupit nito.

    Sabihin sa magulang ang ginawa ng kapatid. Tulungan ang tatay sa pagbigay ng parusa upang hindi lumaking magnanakaw ang kapatid.

    10s
    Edit
    Delete
  • Q6

    Paggawa ng kuwento na hindi totoo upang makaagaw ng atensyon.

    Mali

    Tama

    10s
    Edit
    Delete
  • Q7

    Pagsasabi ng katotohan kung naiwala ang bagay na hindi sa iyo.

    Tama

    Mali

    10s
    Edit
    Delete
  • Q8

    Pagtulong sa mga kapitbahay maglinis ng paligid kahithin di mo gusto.

    Mali

    Tama

    10s
    Edit
    Delete
  • Q9

    Pagkakalat ng sikreto ng iyong matalik na kaibigan dahil nag away kayo.

    Mali

    Tama

    10s
    Edit
    Delete
  • Q10

    Pagbabahagi ng  maayos ngunit hindi ginagamit na damit sa mga nasalanta ng bagyo.

    Tama

    Mali

    10s
    Edit
    Delete

Teachers give this quiz to your class