
RDA ESP 4
Quiz by clarisa diwa
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Nagkaroon ng oryentasyon ang guro sa klase ninyo sa unang araw ng pasukan. Tinawag ka ng iyong guro para pangunahan ang pagdarasal. Walang kahandaan at nabigla ka. Ano ang angkop mong gawin?
A. Magsabi sa guro na hindi ka handa.
B. Pangunahan ang pagdarasal ayon sa laman ng puso.
D. Makiusap sa iyong guro na iba na lang ang gumanap sa pagdarasal.
C. Pakiusapan ang katabi mo na siyang gumanap ng tungkulin.
30s - Q2
Naghahanap ang inyong guro kung sino ang maaaring maging kinatawan ng inyong klase sa gaganaping paligsahan sa pagawit, may talento ka rito ngunit ikaw ay mahiyain. Ano ang dapat mong gawin?
C. Hayaan ang guro na madiskubre ang iyong talento
B. Ibulong sa katabi na gusto mong sumali
D. Sabihing marunong kang umawit at maaari kang maging kalahok
A. Ituro ang kaklase na marunong umawit
30s - Q3
Sumali kayo ng mga kaklase mo sa isang paligsahan. Para manalo may ginawang hindi maganda ang isa mong kasama.Ano ang dapat mong gawin?
C. Sasang-ayunan ko siya sa ginawa niya dahil wala namang ibang nakakita.
D. Sasabihin ko sa pamunuan ang totoong nangyari upang walang magin problema.
B. Isisikreto ko ang pangyayari para manalo ang aming grupo.
A. Mananahimik na lamang ako upang hindi magkagulo.
30s - Q4
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging matiyaga?
D. Nagugutom na si Damian kaya nakiusap siya sa katabi na mauna na sa pilahan.
B. Tinatapos ni Ella ang lahat ng kanyang takdang-aralin bago matulog.
A. Dinalhan ni Nilo ng pagkain ang batang pulubi.
C. Hinintay ni Jenna na matulog ang lahat upang makapaglaro ng gadyet.
30s - Q5
Isinama ka ng iyong ina sa pamimili. Pagod at nagugutom ka na ngunit mahaba ang pila sa sakayan ng dyip. Ano ang dapat mong gawin?
B. Magtitiyagang pumila hanggang sa makasakay.
C. Lalakarin na lamang ang daan pauwi kahit malayo.
D. Makikiusap sa mga pasahero na paunahin kayo sa pila.
A. Magpapasundo sa kakilalang may sasakyan.
30s - Q6
Nais mong magkaroon ng sariling cellphone upang magamit sa pagsasaliksik sa mga asignatura sa klase ngunit wala pa kayong sobrang pera para mabili ito. Alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin?
C. Maghanap ng mahihiraman ng pera pambili ng cellphone
B. Humingi ng tulong sa aking guro
A. Kumuha ng hulugang cellphone
D. Mag-ipon muna ng sapat na pera mula sa pang-araw araw na baon sa eskwela
30s - Q7
Lubhang naapektuhan ng kalamidad ang inyong kabuhayan kaya’t nagtitipid ang inyong pamilya. Kailangan mo ng mga kagamitang pampaaralan sa pagbubukas ng klase ngunit wala pa kayong pambili. Alin ang pinakamainam mong gawin?
A. Ipagpatuloy ang pag-aaral kahit na walang kagamitan.
C. Hihinto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa paghahanapbuhay.
D. Ayusin ang mga lumang kagamitan na maaari pang mapakinabangan at iyon muna ang gamitin.
B. Hintayin ang mga magulang na mabili ang mga kagamitan.
30s - Q8
Narinig mo mula sa radyo na mayroong paparating na malakas na bagyo, ngunit maganda naman ang panahon sa inyong lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
C. Pupunta ako kaagad sa evacuation area na malapit sa aming lugar.
D. Aalamin ko muna ang mga detalye ng balita para sa ligtas na paghahanda
A. Ipapaalam ko agad ang balita sa aking mga kaklase
B. Antayin ko munang dumating ang bagyo bago maghanda
30s - Q9
Nabasa mo sa isang pahayagan ang patalastas sa isang produktong inumin na umano’y mabuti sa kalusugan ng mga bata. Ano ang dapat mong gawin bago maniwala?
B. Magpabili agad kay Nanay upang masubukan ang lasa.
D. Magtiwala agad sa produkto sapagkat ito ay nailathala na sa pahayagan.
C. Tingnan ang nutrition facts kung totoong mabuti ito sa mga bata.
A. Hikayatin ang mga kamag-aral na bumili.
30s - Q10
Mayroong patimpalak ng pag-awit sa inyong barangay at nais mong sumali. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sumugod agad sa lugar ng patimpalak.
D. Sasabihin ko sa aking magulang ang aking kagustuhang sumali.
C. Alamin ang impormasyon at tamang proseso sa pagsali.
B. Mag-aya ng mga kaklaseng gusto ring sumali.
30s - Q11
Nanonood ng programa sa telebisyon ang bunso mong kapatid nang biglang may eksena na hindi angkop sa edad ng bata. Ano ang maaari mong gawin?
C. Takpan agad ang mata ng bata.
A. Patayin agad ang telebisyon.
D. Humanap ng palabas na pambata.
B. Panoorin kasama ang kapatid.
30s - Q12
Alin sa sumusunod ang nagsasabuhay ng pagiging mapanuring manonood?
C. Inililipat ko ang istasyon kapag may eksena na hindi akma sa aking edad
D. Sinusubaybayan ko ang bawat kabanata ng paborito kong teleserye kahit abutin ng hatinggabi.
A. Ginagaya ko ang bawat eksena sa palabas.
B. Pinapanood ko ang palabas na may patnubay ng magulang.
30s - Q13
Nais mong tumangkad at tumalino, nakita mo sa social media ang isang produkto tungkol dito, ano ang gagawin mo?
B. Magpapabili agad sa mga magulang.
D. Magsaliksik sa produkto kung saan nagmula at kung aprubado ng Bureau of Food and Drugs (BFAD)
C. Alamin muna ang bisa ng produkto base sa mga komento ng nakabili na.
A. Iendorso ang produkto sa mga kakilala.
30s - Q14
Hindi lahat ng ating nababasa at napapanood sa internet ay totoo at tama. Ano ang dapat nating tandaan para sa matalinong paggamit nito?
B. Mangalap ng mga bagong isyu tungkol sa mga paboritong artista
A. Gayahin ang mga gawaing napapanood sa mga blogger
C. Maging mapanuri sa ating mga nababasang impormasyon online
D. Pasukin ang lahat ng website at magkomento sa mga nababasang teksto
30s - Q15
Mahaba ang pila sa pagsakay sa bus. Isang bagong dating na pasahero ang sumingit sa harapan mo. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko na lang siya.
B. Palilipatin ko siya sa aking likuran.
C. Papaalalahanan ko siya na sundin ang pila.
D.Pasisingitin ko siya ngunit magpapalibre ako ng meryenda
30s