
Reginal Assessment Test Filipino 8
Quiz by gleizer anne laganso
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Sa alamat ng Unang Hari ng Berbaran, ano ang mahalagang payo na sinabi ng hari sa kanyang anak tungkol sa pag-aasawa?
sundin ang asawa at pangalagaan ang kanyang kalusugan
magtiis habang kayo ay magkasama
ipaglaban ang karapatan kung tama ito
mahalin at alagaan ang isa’t isa
30s - Q2
Ano ang hinabilin ng hari sa kanyang dalawang anak tungkol sa pamumuno sa bayan?
huwag kakampi sa anomang panig upang ang pagpapasya ay maging karapat- dapat
ayusin ang anomang alitan sa nasasakupang bayan
maging mabuting pinuno at mapagmahal sa mga tao
magpakita ng katatagan sa pamumuno
30s - Q3
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting katangian ng pangunahing tauhan na si Diwatandaw Gibon?
mapagmahal na pinuno
malakas na pinuno
masipag na pinuno
maaasahang pinuno
30s - Q4
Alin sa pagpipilian sa ibaba ang kahulugan ng salitang tsismis sa Eupemistikong pahayag?
kuwentong tubero
kuwentong barbero
kuwentong karpintero
kuwentong bangkero
30s - Q5
Ano ang katumbas ng salitang asawa sa Eupemistikong pahayag?
kaagapay sa hirap
kabiyak ng mukha
. katuwang sa problema
kabiyak ng dibdib
30s - Q6
“Ginagamit ng isang mangmang ang kanyang pangangatwiran para gumawa ng maling desisyon.” Alin sa sumusunod ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit?
masunurin
mabuti
matalino
mabait
30s - Q7
Saan nagkakapareho ang salawikain at kasabihan?
matatalinghaga ang mga salitang ginagamit
nabubuo sa maikling panahon
binibigkas ito nang patula
nagbibigay- aral sa buhay
30s - Q8
Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang halimbawa ng bugtong?
kung ano ang itinanim, siyang aanihin
kung ano ang puno, siya rin ang bunga
kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot
dalawang bolang itim, malayo ang nararating,
30s - Q9
Magkasing- talino ang magkapatid na John at Arvin kaya labis ang kasiyahan ng kanilang magulang. Anong panlaping panulad ang ginamit sa pangungusap?
labis
magka
magkasing
kanilang
30s - Q10
Sa epikong Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit, paano nakarating si Tuwaang sa tahanan ni Batooy?
.Iwinasiwas niya ang panyo ng tatlong beses.
. Dinala siya ng ipo-ipo sa lugar ni Batooy.
Sumakay siya sa mahiwagang banig.
Tinawagan niya ang kidlat upang dalhin sa Pinanggayungan.
30s - Q11
Alin sa mga katangian sa ibaba ang taglay ni Tuwaang?
masunurin at maaasahan sa lahat ng oras
matulungin at mapagmahal sa kapwa
may kapangyarihan at kayang gawin ang imposible
malakas at matapang na tao
30s - Q12
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita nang wastong impormasyon patungkol sa pinagmulan ng salitang Epiko? Ang epiko ay ______.
nagmula sa wikang Ingles na Epic.
nanggaling sa salitang Epikus.
ibinatay sa salitang Griyego na Epos
hinango sa pangalang KUR.
30s - Q13
Alin sa sumusunod na pahayag patungkol sa Corona Virus ang kakikitaan ng paghahawig o pagtutulad?
matinding pamamaga ng tonsil at pagkakaroon ng lagnat
pagsakit ng katawan, ulo at lagnat
mula sa simpleng sipon hanggang sa seryosong infection gaya ng MERS-Cov at SARS-Cov
pagsakit ng tiyan, pagsusuka at lagnat
30s - Q14
Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng pagbibigay- katuturan o depinisyon?
Ang Corona virus ay sakit na kinakailangang idulog sa pinakamalapit na health facility.
Ang Corona virus ay kadalasang nakukuha sa malapitang pakikisalamuha sataong mayroon nito.
Ang Corona virus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng MERS at SARS.
Ang Corona virus ay maaaring maipasa sa tao sa tao (human- to- human transmission).
30s - Q15
Saang pahayag makikita ang pagtutulad?
Ang komunikasyon ay isang pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
Naging masaya ang buhay ni Marcela mula nang makilala niya ang kanyang ama, tulad ng isang batang naghahangad na magkaroon ng bagong laruan.
Hindi natin maiiwasan ang mabagot, malungkot at mag-alala dahil sa nararanasan nating pandemya ngayon.
Wika ang nagbibigkis sa ating pagkakaisa dahil ito ay naging daan upang maipahayag ang ating damdamin, kakayahan at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
30s