placeholder image to represent content

REGIONAL ASSESSMENT TEST AP 7

Quiz by gleizer anne laganso

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

     Dumaranas ng iba’t ibang suliranin sa kapaligiran ang Asya. Ito ay nakaapekto sa pag-unlad ng mga bansang Asyano. Alin sa sumusunod ang makakatulong sa paglutas sa nasabing suliranin?

    Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda upang makahuli ng mas maraming isda.

    Walang tigil ang pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.

    Patuloy na pagsunog ng mga plastic at pagtapon ng basura kung saan-saan.

    Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.

    30s
  • Q2

    Alin sa sumusunod na konsepto ang aangkop sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at sa kanilang kapaligiran?

    Ang ugnayan ng mga bagay na may buhay at kapaligiran ay walang kinalaman sa isang tao.

    Anoman ang gawin ng mga tao wala itong kaugnayan sa kanilang kapaligiran.

    Ang patuloy na pagsira sa ating kalikasan ay nakatutulong sa pagunlad ng bansa.

    Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.

    30s
  • Q3

    Alin sa sumusunod na grupo ng mga bansa ang kabilang sa Silangang Asya?

     China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan

     Azerbaijan, Kazakhstan, Mongolia, Tajikistan, Turkmenistan

     Afghanistan, Bangladesh, India, Nepal, Pakistan

    Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, Singapore

    30s
  • Q4

    Hinati ang Asya sa limang rehiyon. Ano ang naging batayan sa paghahating heograpikal?

     batay sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa

     gamit ang batayang pisikal, historikal at kultural na aspeto

    ayon sa klima, vegetation cover at likas na yaman mayroon ang bansa

    isinasaalang ang sukat at lawak

    30s
  • Q5

    Anong anyong lupa ang pinakamalaking dibisyon ng daigdig?

    kontinente

    kapuluan 

     kapatagan

    disyerto  

    30s
  • Q6

    Ang hanay ng mga buhay na bundok na tinaguriang “Pacific Ring of Fire” ay nagmumula sa hilagang bahagi ng Siberia at bumabagtas patungong Korea, Tsina, Hapon at Taiwan. Ano ang tinutukoy na buhay na bundok?

    disyerto

    burol 

     bulubundukin 

    bulkan 

    30s
  • Q7

    Ang mga rehiyon sa Asya ay may magkakaibang uri ng klima bunsod ng iba-ibang salik. Ang mga lugar sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya ay may mahabang taglamig at maigsi ang tag-init. Ano naman ang katangian ng klima mayroon sa Timog Asya?

    Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao

    . May mainit na panahon sa mga lugar na nasa mababang latitude at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.

     Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.

    . Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tagaraw at tag-ulan.

    30s
  • Q8

    Alin sa sumusunod na rehiyon ng Asya ang may hugis tatsulok? 

    Kanlurang Asya

    Hilagang Asya

    Timog Asya

    Silangang Asya

    30s
  • Q9

    Ang bawat rehiyon sa Asya ay may natatanging katangiang pisikal. Matatagpuan ang matataas na hanay ng kabundukan sa Timog Asya, dumaranas naman ng monsoon ang Timog Silangang Asya. Sa anong katangiang pisikal kilala ang Kanlurang Asya?

    tropical rainfores

     taiga at tundra

    malawak na damuhan

    mabato at mabuhangin

    30s
  • Q10

    Ang kapuluan o archipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng pangkat ng mga pulo na napapalibutan ng katubigan. Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI nabibilang dito?

    Japan 

    Pilipinas 

    Saudi Arabia

    Indonesia 

    30s
  • Q11

    Halos lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya ay may klimang tropikal na nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan. Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa rehiyon?

     Pilipinas

    Indonesia 

    Japan 

    Malaysia 

    30s
  • Q12

    Ang Hilagang Asya ay may malalawak na damuhan o grasslands. Alin sa sumusunod na uri ng vegetation cover ang pinagsamang damuhan at kagubatan?

     savanna 

    prairie 

     steppe 

    taiga

    30s
  • Q13

    Ang mga rehiyon ng Asya ay naaapektuhan ng iba’t ibang salik kaya’t magkakaiba ang mga panahon dito. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik?

    distansiya sa mga anyong-tubig

     lokasyon ng isang lugar

     populasyon

     uri o dami ng halaman

    30s
  • Q14

    Ang monsoon o hanging nagtataglay ng ulan ay isang mahalagang salik sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga rehiyon sa Asya ang higit na naaapektuhan nito?

    Silangan at Timog-Silangang Asya

    Kanluran at Silangang Asya

    Timog at Timog-Silangang Asya

    Hilaga at Silangang Asya

    30s
  • Q15

    Ang kahabaan ng rehiyong ito ay makikita sa timog ng China at Japan. Magubat na kabundukan ang matatagpuan sa hilaga at nauuri sa dalawa ang rehiyon. Alin sa mga rehiyon ng Asya ang tinutukoy?

    Timog-Silangang Asya

    Timog Asya

    Hilagang Asya

    Silangang Asya

    30s

Teachers give this quiz to your class