placeholder image to represent content

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT -EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Quiz by YSABEL ANGELA EMBILE

Grade 10
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
59 questions
Show answers
  • Q1

    Ano ang mataas na gamit ng kilos-loob ng tao?

     dito nakasalalay ang emosyon ng tao

    ang kilos-loob ang nagpapatunay na tama ang paghuhusga sa isang sitwasyon

    gamit ang kilos-loob upang batayan ng pagiging mabuting tao

    umaasa ito sa panghuhusga ng isip upang maging malaya sa pagnanais

    60s
    EsP10MP-Ia-1.1
  • Q2

    Ano ang taglay ng tao upang maging iba sya sa hayop?

     ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman sa tama at mali

     ang tao ay nilika ng Diyos

    ang tao ay may kakayahang makisama sa lahat ng nilalang

    ang tao ay may taglay na instinct

    60s
    EsP10MP-Ia-1.1
  • Q3

    Paano mo maipapakita na may kaalaman ka sa iyong ginagawa?

    ginagamit mo  ang iyong isip

    ginagamit mo ang iyong panlabas at panloob  na pandama

     ginagamit mo ang iyong isip kaugnay ng panlabas na pandama

    ginagamit mo ang iyong isip kaugnay sa panlabas at panloob na pandama

    60s
    EsP10MP-Ia-1.1
  • Q4

     Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?

    walang kakayahang diktahan ng isip ang ikikilos ng isang tao

     walang kaugnayan ang isip at kilos-loob ng isang tao sa kanyang katangian

    Ang isip ay may sariling tungkulin upang maimpluwensyahan ang katangian ng isang tao

     iniimpluwensyahan ng isip ang malayang  pagkilos ng isang tao 

    60s
    EsP10MP-Ia-1.1
  • Q5

    Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang Obra Maestro. Ano ang nais iparating ng pahayag?

    Ang tao ay wangis ng Diyos batay sa kanyang ugaling ipapamalas.

    Ang tao ay may piling katangiang tulad ng Diyos na lumikha.

     Ang tao ay nilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.

    Ang tao ay may katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos.

    60s
    EsP10MP-Ia-1.1
  • Q6

    Ano ang maaaring dahilan ng tao na piliinniya ang maglingkod  at tumulong sa kapwa?

    Pagmamalasakit

     Pagmamahal

    malayang pagnanais

    kamalayan sa sarili

    60s
    EsP10MP-Ib-1.3
  • Q7

    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos ng kakayahan ng tao na mahanap ang katotohanan at pagpapakita ng pagmamahal?

    Alam mong nagtatrabaho ang iyong magulang para sa iyong ikabubuti

    Nakikita mo ang sakripisyo ng iyong magulang kung kaya’t pinag-igihan mo ang pag-aaral

    Hindi ka nakikialam sa kaguluhan ng iyong mga kaibigan dahil ayaw among madamay sa kanila

    Sapat na alam mo ang dahilan ng pag-aaway ng iyong kaibigan ngnit ka sa lugar na itama sila

    60s
    EsP10MP-Ib-1.3
  • Q8

    Ang kosensya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:

    obligasyon ng tao na kumilos nang maayos

    makakabuti sa tao na kumilos ng tama.

     bahala ang tao sa kanyang kilos

    pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos

    60s
    EsP10MP-Ic-2.1
  • Q9

    Alin sa sumusunod ang kamangmangan na hindi madadaig?

     pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makabubuti ito

    Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama

    pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal

    tumawid at walang nakakakita sa iyo

    pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit makalipas ang ilang oras  ipinambili lamang ito ng rugby

    60s
    EsP10MP-Ic-2.1
  • Q10

    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng  prinsipyo ng Likas na Batas Moral?

    Bilang tao na nilikha ng Diyos, may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao

    kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming-uri at papag-aralin ang mga anak

    Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa Lipunan

    Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangangalagaan ang ating buhay

    60s
    EsP10MP-Ic-2.1
  • Q11

    Bakit mahalagang mahubog ang konsensya ng tao?

    upang matiyak na palaging ang tamang konsensya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon

    Upang matiyak na di magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kanyang isip.

    upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan

     upang hindi malito sa kung ano ang pipiliin

    60s
    EsP10MP-Ic-2.4
  • Q12

    Bilang mag-aaral, ano ang kailangan mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?

    Magpost ng saloobin sa Social Media upang mapukaw ang makakabasa nito

    Kapag may nakikitang mali, agad itong itama

    Sumunod sa batas ng paaralan at ng lipunan

    Gawin ang nais na tama ngunit isinasaalang alang ang kapakanan ng iba

    60s
    EsP10MP-Id-3.2
  • Q13

    Sa paanong paraan mo maipapakita ang tamang paggamit ng Kalayaan?

    wala kang pipiliing oras at lugar lalo na kapag tama ang gagawin mo

    Maging maingat sa mga gagawin at sasabihin na tama lalo na sa kaibigan

    Gawin ang mabuti at tama kahit na ikaw lang ang mag-isang gumagawa nito

    Malayang gawin ang lahat ng gustong gawin sa kapwa

    60s
    EsP10MP-Ie-3.3
  • Q14

    Ano ang pakahulugan na ang Kalayaan ay may kaakibat na pananagutan?

    Nangangahulugan ito na mayroon kang kakayahang kumilos nang rasyonal o naayon sa katuwiran

    Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa kagustuhan

     Nangangahulugan ito ng pagkilos ayon sa dikta ng nakakarami (majority)

    Nangangahulugan ito na ang malayang pagkilos ay pagpapakita ng pagiging responsableng tao

    60s
    EsP10MP-Ie-3.3
  • Q15

    Paano mo maipapakita ang paggalang sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous group?

    ituring silang  kakaiba  sa lipunan

    pakikisamahan sila ng patas at pantay

    bigyan sila ng  limos o pagkain

    makiayon sa uri ng kanilang pamumuhay

    60s
    EsP10MP-If-4.1

Teachers give this quiz to your class