Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
60 questions
Show answers
  • Q1

    Basahin at unawain ang pahayag. Sagutan ang bawat bilang nang naayon sa pagpipilian. 

    A -Ang lahat ng tao ay may pagkakapantay – pantay o equal sa panahon ng kalamidad o disaster na hindi pinipili ang kasarian , edad, etnisidad at katayuang pang-ekonomiko ng isang indibidwal, iniiwan nitong bulnerable ang buhay ng lahat ng tao sa panahon ng kalamidad.

    B -Sinasabingkaparusahan ng Diyos sa mga kasamaan ng tao kung bakit tayo ay nakakaranas ngmga ganitong uri ng kalamidad, gaya ng matinding bagyo, lindol , malaking bahaat iba’t ibang uri ng sakit na lumalaganap.

    Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa.

    Mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa.

    30s
  • Q2

    Basahin at unawain ang pahayag. Sagutan ang bawat bilang nang naayon sa pagpipilian. 

    A -Dahil sa pag-uugnayan ng tao sa iisang lipunan , ang tuwirang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa social group ay magdudulot ng kapakinabangan sa pagbuo ng isang maayos, sistematiko at organisadong lipunan.

    B -Ang bawat indibidwal ay may katayuan sa isang social group at ang katayuang ito ay maykaukulang gampanin o role sa pagpapatakbo ng maayos na komunidad o society.

    Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa

    Tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa.

    30s
  • Q3

    Basahin at unawain ang pahayag. Sagutan ang bawat bilang nang naayon sa pagpipilian. 

    A -Ang paggamit ng iba’t ibang machines o mga technological advances sa ating bansa at maging sa buong mundo ay isang napakalaking tulong upang maproteksyonan ang buhay ng tao mula sa kalamidad kung kaya dapat itong bigyan ng napakalaking pondo ng ating pamahalaan upang mapanatiling ligtas ang kalagayan sa buhay ng bawat tao.

    B -Sa pamamagitan ng pagtugon ng tao sa mga pagbabago sa ating lipunan gamit ang iba’t ibang teknolohiya na isa sa pinakamabisang paraan na dapat natin isa alang – alang dahil sa pagkakaroon nito’y  tiyak na hindi tayo maaapektuhan ng anomang kalamidad.

    Tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa.

    Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa.

    30s
  • Q4

    Basahin at unawain ang pahayag. Sagutan ang bawat bilang nang naayon sa pagpipilian. 

    A -Ang unang tulong o relief matapos ang isang disaster ay ibinibigay ng mga emergency responders o services upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng mga disaster victims.

    B -Ang relokasyon sa mga pansamantalang tirahan o temporary settlements ang pinakamabuting solusyon sa suliranin ng pabahay matapos ang pagtama ng isang kalamidad.

    Mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa.

    Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa.

    30s
  • Q5

    Basahin at unawain ang pahayag. Sagutan ang bawat bilang nang naayon sa pagpipilian. 

    A -Ang pagtugon sa Disaster o Disaster Response ay tanging responsabilidad ng pamahalaan sapagkat ang mga ordinaryong mamamayan ay walang sapat na kakayahan na tumugon sa panahon ng krisis.

    B -Matapos angisang disaster , ang mga tao sa isang komunidad ay sisikaping maibalik sa normal na kondisyon ang kanilang pamumuhay, sapagkat ang bawat indibiduwal ay may kakayanang labanan at lampasan ang anomang krisis o sakuna.

    Tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa

    Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    Mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa

    Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

    30s
  • Q6

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na makatutulong sa paglutas ng mga suliraning panlipunan?

    Kailangan sumunod sa batas ang mga mamamayan gaya ng pagbabayad ng tamang buwis.

    Pamunta sa ibang bansa upang doon sanayin ang kasanayan sa ibang larangan.

    Laging bantayan ang mga ulat sa bayan, upang makasali sa iba’t ibang welga.

    Dapat maging bukas ang kaisipan ng bawat mamamayan sa mga isyung panlipunan.

    30s
  • Q7

    Ang sociological imagination  ay isang usapin na kung saan ay pinag-uugnay ang mga isyung personal at isyung panlipunan. Piliin ang HINDI angkop na halimbawa nito?

    Lubhang maraming naapektuhan dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

    Si Carlos ay isang batang laging naglalaro sa labas ng kanilang bahay kung kaya’t kilala niya ang lahat ng kanilang kapitbahay.

    Walang disiplina sa pagtatapon ng basura ang pamilya ni Alicia , kung kaya malaking perwisyo ang dulot nito sa kanilang Baranggay.

    Maraming nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo bunsod ng paglaganap ng COVID - 19

    30s
  • Q8

    Si Antonio ay isang mahusay na manggagawa sa isang kompanya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng malalang karamdaman dahilan upang hindi niya magampanan nang maayos ang kanyang trabaho. Dahil sa pangyayari ay napilitan ang kanyang boss na hindi na muna siya papasukin sa trabaho. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging sociological imagination sa ganitong sitwasyon?

    Maaantalaang mga gawain ni Antonio sa pinapasukang trabaho na magdudulot sa pagbagal ngtransaksiyon ng kanilang kompanya.

    Makakapagpahinga ng mahabang araw si Antonio na magbibigay sa kanya ng malaking kaginhawaan at kapakinabangan.

    Malulungkot si Antonio sa kanyanag nararanasan na magiging sanhi ng paglubha ng kanyang karamdaman.

    Kukuhang kapalit ang kaniyang boss na gagampan sa kaniyang naiwang  tungkulin.

    30s
  • Q9

    May pagkakaiba – iba sa interpretasyon tungkol sa mga bagay na mahalaga para sa ating pamumuhay, halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga curfew sa loob ng tahanan, pagsisimba tuwing araw ng linggo, pagkain ng hapunan ng sabay-sabay ng isang pamilya. Tukuyin kung anong bahagi ng kultura ang mga ito?

    Simbolo

    Beliefs

    Values

    Norms

    30s
  • Q10

    Ang pagtutulungan ng ibat’t ibang sektor ay isang mahalagang gawain sa pagsugpo  sa mga suliraning pangkapaligiran, MALIBAN sa isa ?

    Mapananatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na yaman.

    Upang hindi na maglalabas ng pondo ang pamahaan para sa pagpapanatili ng kaayusan ngating likas na yaman.

    Makahihikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng bansa.

    Nararapat na magtulungan upang masusugpo ang mga suliraning pangkapaligiran.

    30s
  • Q11

    Isa sa maituturing na isyung pangkapaligiran ang naranasan  sa Abuyog, Leyte  nang  magkaroon ng malawakang pagguho ng lupa o landslide na naging dahilan ng pagkasawi ng maraming pamilya , ito ay nagpapakita ng epekto ng unti unting pagkaubos ng mga puno sa kagabutan gawa ng mga illegal logging o pagkakaingin. Alin sa mga sumusunod ang pinaka MABISA na  hakbang ang maari mong gawin upang mapigilan ang suliraning ito ?

    Sumali sa iba’t ibang programa na may kinalaman sa pagsasaayos at pagpapanatili ng maayos nakapaligiran gaya ng Clean Up Drive Program at Tree Planting.

    Magbigay ng tulong gaya ng pagkain , damit at tubig para sa mga biktima ng ganitong uri ng trahedya at suliraning pangkapaligiran.

    Mag-post sa social media ng mga larawan at ipahayag ang mga saloobin hinggil sa isyung may kinalaman sa kapaligran upang makakuha ng maraming suporta

    Batikusin ang pamahalaan at iba’t ibang lider sa mga maling gawain at pagpapahitulot ng pagpuputol ng puno.

    30s
  • Q12

    Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa sa usaping basura o hindi tamang pagtatapon ng basura dulot ng patuloy na kawalan ng disiplina ng ilang mamamayan. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI kabilang sa mga ito?

    Ang pagtatapon ng basura sa mga kanal , estero, bakanteng lote at maging sa ilog at pampublikong lugar.

    Ang paggawa ng compost pit at tamang seggragation ng basura.

    Hindi pagreresiklo ng mga basura upang magamit pa sa ibang bagay.

    Ang pagsusunog  ng mga plastic, gulong at goma sa mga bakuran.

    30s
  • Q13

    Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglabas ng  programa upang mabawasan ang problema ng basura? Anong programa ang nagsasad nito?

    Segregation Waste Facility

    Material Recovery Facility

    Project Dumpsite

    Basura Mo, Piso Mo

    30s
  • Q14

    Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng maraming tao, bilang mag-aaral paano ka makatutulong upang maiwasan ang polusyon?

    Pagtulong sa mga gawaing bahay

    Pakikilahok sa mga gawain ng komunidad

    Pagtatanim ng mga puno at halaman

    Wastong pagtatapon ng basura

    30s
  • Q15

    Sa banta ng hazard at kalamidad, ang ______ ay isang pamamaraan na maaaring ilapat ng komunidad upang makilahok, makipagtulungan, makatugon at makapagsagawa ng mga implementing rules na angkop upang maiwasan ang malaking pinsala na maaaring magdulot ng kapamahakan sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

    Disaster Management

    CBDRM Approach

    Bottom Up Approach

    Top Down Approach

    30s

Teachers give this quiz to your class