
RELATIBONG LOKASYON Ang Pilipinas ay nasa Timog Silangang Asya, parehong lokasyon kung saan matatagpuan ang mga bansang Brunei, Cambodia, East Timor, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam. Ang pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar maaring ganap at relatibo. Sa kabilang banda, ang relatibong lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar na nakabatay sa lupain (bisinal) o katubigan (insular) na nakapaligid dito. Halimbawa, ang Pilipinas. Ang BISINAL na lokasyon ng bansa ay: • Taiwan sa Hilaga • Vietnam sa Kanluran • Malaysia at Indonesia sa Timog • Guam at Marianas Islands sa Silangan Ang lokasyong INSULAR naman nito ay: • Kipot Ng Luzon sa Hilaga • Dagat Kanlurang Pilipinas sa Kanluran • Dagat Ng Celebes sa Timog • Karagatang Pasipiko sa Silangan Sa pagtukoy ng lokasyon, ginagamit natin ang mga pangunahin at pangalawang direksyon. Ang mga pangunahing direksyon ay Hilaga (North), Timog (South), Kanluran (West), at Silangan (East). Ang mga pangalawang direksyon naman ay Hilagang Kanluran (Northwest), Hilagang Silangan (Northeast), Timog Kanluran (Southwest), at Timog Silangan (Southeast) SUEZ CANAL – constructed by French diplomat Ferdinand de Lesseps in 1858, construction lasted until 1869. Suez Canal opened on November 17, 1869. MGA PAGBABAGO SA PILIPINAS NANG BUKSAN ANG SUEZ CANAL 1.Napabilis ang transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at Spain. 2.Napaunlad ang mga produktong agrikultural na iniluluwas ng Pilipinas(tabako, abaka at asukal.) 3.Napadami ang mga dayuhang pumapasok sa bansa, partikular na ang mga mangangalakal na may dalang iba’t ibang kaisipang galing sa Europe katulad ng konsepto ng demokrasya at liberalismo. FERDINAND MAGELLAN FROM – SABROSA, PORTUGAL BORN – FEBUARY 4, 1480 DIED – APRIL 27, 1521 IN LAPU-LAPU CITY FOUND THE PHILIPPINES ON – MARCH 16,1521 MAGELLAN – MARCH 16, 1521 THE EXPEDITION OF MAGELLAN - DAHILAN NG EXPEDISYON NI MAGELLAN? • - ANU ANG GUSTO NYANG PATUNAYAN? DEKRETONG EDUKASYON NG 1863 1. Tugon sa mabilis na paglaganap ng kaisipang liberal sa Europe 2. Paglaganap ng kulturang Hispaniko 3. Daan ito upang magkaroon ng mga edukadong Filipino na maglilingkod sa pamahalaang kolonyal. ITINADHANA NG DEKRETO - Ang pagkakaroon ng dalawang paaralang primarya sa bawat munisipalidad: para sa mga lalaki at sa mga babae. - Ang pagkakaroon ng estandardisadong kurikulum -ang pagtatatag ng escuela normal sa Pilipinas katulad ng mga sumusunod: -Unibersidad ng Santo Tomas -Ateneo Municipal -Colegio de santa Isabel -Colegio de Santa Rosa -Colegio de Santa Rita Himagsikang Pilipino Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892.[1] Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, Ang Kilusang Sekularisasyon at Pilipinasasyon ng mga Parokya at ang Pagkamartir ng Gomburza Kilusang Sekularisasyon • Ito ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya. • Paring Sekular • Ang paring sekular ang tawag sa mga paring nagsanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas at sa ilalim ng mga Obispo sila ay walang kinabibilangang orden ng di katulad ng mga paring regular. • Unang pinamunuan nila Padre Pedro, Pelaez at Padre Mariano Gomez • Layunin: • Upang maibalik ang simbahan sa mga paring Sekular • Itinuloy ni Padre Jose Burgos ang nasimulang pakikipaglaban ni Padre Pelaez • Layunin: • Pagpapantay-pantay ng mga lahi • Dito unang nagamit ang salitang "PILIPINO" sa halip na "INDIYO" Ang pagkakaiba ng paring regular at paring sekular ay may kaugnayan sa kanilang katayuan at awtoridad sa simbahan. Narito ang ilang mga punto: 1. Paring Regular: o Sila ay bahagi ng mga relhiyosong orden tulad ng mga Augustinian, Benedictines, Cistercians, Dominicans, Franciscans, Jesuits, at iba pa. o May mga karapatan at iginagalang dahil sa kanilang pagiging miyembro ng isang orden. o Kasama rin sa mga regular na pari ang mga Espanyol na prayle. o Nagtutulungan sila bilang isang koponan at may maayos na diskarte. 2. Paring Sekular: o Sila ay hindi kasapi ng mga kautusang panrelihiyon. o Walang awtoridad mula sa simbahan o mga kastila. o Kilala sila bilang mga diocesan o Pilipinong pari. o Maaaring may dugong Espanyol o Tsino ang ilan sa kanila. Sa kabuuan, ang pagkakaiba ng regular at sekular na pari ay may kaugnayan sa diskriminasyon at awtoridad. Ang GOMBURZA ay isang daglat para sa tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote ng mga Kastila noong Pebrero 17, 1872. Sila ay binitay dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring pag-aalsa sa Cavite noong 1872 Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na unang inilathala sa Barcelona, Espanya noong Pebrero 15, 1889. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas. Natapos ang paglilimbag noong 1895. May mga sipi na palihim na iniluwas sa Pilipinas at lihim namang binabasa sa mga nakapinid na mga pintuan. Gomburza Short Film (youtube.com) CAVITE MUTINY 1872 • Ang pag-aalsa ng Kabite ay isang pag-aalsa ng mga pilipinong tauhan ng military ng Fort San Felipe. Ang arsenal ng Espanyol sa Kabite (kilala din noon bilang bahagi ng Silangang Indiyas ng Espanya) noong 20 Enero 1872. • Humigit kumulang 200 lokal nga bagong kaanib na kolonyal na tropa at manggagawa ang bumangon sa paniniwalang ito ay mag-aangat sa isang pambansang pag-aalsa. Pinatay ng mga sundalo ng gobyerno ang marami sa mga kalahok at sinimulang sugpuin ang mga umuusbong na kilusang nasyonalista sa Pilipinas. Maraming iskolar ang naniniwala na ang pag-aalsa ng Kabite noong 1872 ang simula ng nasyonalismong Pilipino na kalaunan ay humantong sa Rebolusyong Pilipino noong 1896. KILUSANG PROPAGANDA • Pagkatapos ng pagbitay kina GomBurZa, sumidhi ang diwang makabansa ng mga Filipino. Naghangad sila ng mga repormang panlipunan • Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes sa Spain • Pantay na pagtingin sa mga Filipino at Kastila sa harap ng batas • Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas • Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas Ipagkaloob sa mga Filipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pananalita.
Quiz by KENNETH HARVY C. AVILA
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Measure skills
from any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
With a free account, teachers can
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
20 questions
Show answers
- Q1Ano ang bisinal na lokasyon ng Pilipinas sa hilaga?TaiwanGuamMalaysiaVietnam30s
- Q2Ano ang insular na lokasyon ng Pilipinas sa kanluran?Kipot Ng LuzonDagat Kanlurang PilipinasKaragatang PasipikoDagat Ng Celebes30s
- Q3Ano ang layunin ng Kilusang Propaganda sa Pilipinas?Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes sa SpainPaalisin ang mga Kastila sa PilipinasMagbigay ng libreng kalusugan sa lahatMagtayo ng bagong paaralan30s
- Q4Sino ang tatlong paring binitay na kilala bilang Gomburza?Rizal, Luna, AguinaldoFerdinand Magellan, Juan de Salcedo, Antonio LunaMariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto ZamoraAndres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Jose Rizal30s
- Q5Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagpunta si Ferdinand Magellan sa Pilipinas?Upang magtayo ng kolonya sa PilipinasMakipagkalakalan sa mga PilipinoPaghanap ng bagong lupa para sa mga KastilaPatunayan ang ruta patungong Spice Islands30s
- Q6Ano ang epekto ng pagbubukas ng Suez Canal sa Pilipinas?Tumaas ang buwis para sa mga PilipinoNabawasan ang mga dayuhang mangangalakalHumina ang kalakalan ng mga produkto sa bansaNapabilis ang transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at Spain30s
- Q7Ano ang pangunahing layunin ng Dekretong Edukasyon ng 1863 sa Pilipinas?Iulong ang relihiyon ng mga KastilaMagtayo ng maraming paaralan para sa lahat ng taoMagkaroon ng mga edukadong Filipino na maglilingkod sa pamahalaang kolonyalPalaganapin ang kulturang Pilipino sa ibang bansa30s
- Q8Ano ang napagtagumpayan ng Kilusang Sekularisasyon sa Pilipinas?Pagpapantay-pantay ng mga lahiPagbawas ng taxes sa mga praylePagpapalaganap ng pananampalatayang KatolikoPagtaas ng sahod ng mga sundalo30s
- Q9Ano ang kinalaman ng Cavite Mutiny noong 1872 sa nasyonalismong Pilipino?Ito ang simula ng nasyonalismong Pilipino na humantong sa Rebolusyong PilipinoIto ay nagdulot ng mas matinding suporta para sa mga KastilaIto ay tungkol sa pagkakaroon ng bagong paaralanIto ay isang digmaan laban sa mga Amerikano30s
- Q10Anong pahayagan ang inilathala ng mga propagandista sa Barcelona noong 1889?Ang NasyonalistaBazookaLa SolidaridadKalayaan30s
- Q11Ano ang bisinal na lokasyon ng Pilipinas sa Hilaga?TaiwanMalaysiaGuamVietnam30s
- Q12Ano ang layunin ng Kilusang Propaganda?Ipagpatuloy ang tradisyon ng mga paring regularMagkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes sa SpainPabalikin ang mga Kastila sa EuropaMagsagawa ng digmaan laban sa Espanya30s
- Q13Ano ang naganap sa Suez Canal noong Nobyembre 17, 1869?Ito ay isinaraIto ay binuksanIto ay nasiraIto ay sinimulan ang konstruksyon30s
- Q14Ano ang tawag sa mga paring nagsanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas?Paring DominikanoParing SekularParing HeswitaParing Regular30s
- Q15Saan matatagpuan ang Pilipinas ayon sa relatibong lokasyon nito?Taiwan sa HilagaMalaysia sa TimogVietnam sa KanluranGuam sa Silangan30s