Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Regalo ng Diyos ang ating katawan. Paano natin maipapakita ang ating pasasalamat sa Kanya?
    Kumain ng masasarap na pagkain
    Pabayaan natin ito
    Alagaan, mahalin at ingatan natin ito
    Magdasal tayo
    120s
    EsP2PDIVa-d– 5
  • Q2
    Bilang isang tao ay dapat tayong magpahalaga sa biyaya ng Panginoon sa pagsisimula ng ating araw sa pamamagitan ng _____________ .
    paglilinis
    paliligo
    pagkain
    pagpapasalamat
    120s
    EsP2PDIVa-d– 5
  • Q3
    Bakit dapat tayong magpasalamat sa Diyos?
    Upang hindi niya tayo kalimutan
    Upang gumanda ang buong araw natin
    Upang patnubayan tayo sa maghapon
    Upang pagyamanin natin ang biyaya ng Diyos
    120s
    EsP2PDIVa-d– 5
  • Q4
    Pumasok ka sa pook-sambahan kasama ang iyong nanay upang magdasal. Nakita mong may dalawang batang lalaki na nagtatakbuhan sa loob. Ano ang gagawin mo?
    Makikisali ako sa kanila.
    Sasabihin ko sa nanay ko para paalalahanan sila.
    Hahanapin ko ang namumuno rito para isumbong sila.
    Sisigawan ko sila.
    120s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q5
    Niyaya ka ng iyong kaibigan sa kanilang pook-sambahan. Nagkataon namang may ritwal sila na nagaganap dito nang kayo ay pumasok. Ano ang gagawin mo?
    Pagtatawanan ko sila.
    Hindi ko sila papansinin.
    Lalabas na lang ako.
    Magmamasid at irerespeto ko ang kanilang ginagawa.
    120s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q6
    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kakayahan?
    Magiliw na umawit si Jessa sa programa.
    Umiiyak si Carlo dahil nahihiya siyang umawit sa klase.
    Hindi sumali si Maria sa contest ng pagsayaw kahit magaling siya.
    Nahihiyang tumula si Lina sa kanilang programa.
    120s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q7
    Alin sa mga sumusunod ang pagbabahagi ng mga biyayang natanggap?
    Wala sa mga nabanggit.
    Masayang tumugtog ng piano si Alex habang nagmimisa.
    Hindi siguradong mananalo sa laro si Karen kaya hindi na siya sumali.
    Nakisali sa paligsahan ng sayaw si Bea para sa premyong pera.
    120s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q8
    Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangan kang makisama sa grupo na kapareho ng kakayahan mo maliban sa isa?
    Nakakatulong ito para lalong malinang ang iyong talento.
    Nakakatulong ang suporta ng kapwa sa paglinang ng talento.
    Masaya ang may grupo para kapag nanalo sila may premyo ka rin.
    Magagawa mo lamang mapaunlad ang iyong kakayahan kung kasama mo ang iyong kapwa.
    300s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q9
    Ibig kang isali ng iyong guro sa paligsahan sa pagkanta dahil ikaw ang pinakamagaling kumanta sa klase. Ano ang gagawin mo?
    Sasabihin kong iba na lang ang isali.
    Papayag at sasali ako.
    Papayag ako kung may bayad.
    Hindi ako papayag.
    300s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q10
    Sino ang nagbigay ng iyong talino at mga talento?
    Diyos
    magulang
    kaklase
    guro
    120s
    EsP2PDIVa-d– 5
  • Q11
    Magaling kang umawit. Niyaya ka nilang sumali sa choir sa simbahan. Sasali ka ba?
    Opo, upang makapagpasalamat sa biyayang bigay ng Diyos.
    Hindi po, dahil maraming oras ang magagamit at masasayang.
    Hindi po, dahil nahihiya akong kumanta sa harap ng maraming tao.
    Opo, upang maipagmayabang ko ang aking kakayahan.
    300s
    EsP2PDIVa-d– 5
  • Q12
    Ang ating mga talento ay dapat nating gamitin sa _________.
    panloloko sa kapwa
    pagpapasikat
    mabuting gawa
    lahat ng nabanggit
    120s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q13
    Anong kaugalian ang ipinamamalas kapag nagbigay ng upuan sa matanda o may kapansanan?
    Pagiging makatwiran
    Pagiging isport
    Pagiging matulungin
    Pagiging makasarili
    120s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q14
    Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtulong sa kapwa maliban sa isa. Ano ito?
    Nagbibigay ng tulong lalo na sa mga nasalanta ng kalamidad.
    Nagpapakita ng malasakit sa kapwa.
    Pinagtatawanan ang kapintasan ng iba.
    Hindi namimili ng kaibigan kaya lahat ay pinakisasamahan.
    300s
    EsP2PDIVe-i– 6
  • Q15
    Sumakay kayo sa bus ng iyong tatay. Nakaupo kayo nang maayos. May sumakay na buntis na pasahero at wala siyang maupuan. Ano ang iyong gagawin?
    Sasabihan ang drayber na pababain ang buntis.
    Hindi namin siya papansinin.
    Sasabihin ko sa buntis na huwag na siyang magbiyahe.
    Sasabihin ko sa aking tatay na kung pwede ay paupuin ang buntis.
    300s
    EsP2PDIVe-i– 6

Teachers give this quiz to your class