
REVIEWER FOR PAGBASA
Quiz by Morning Heart Pasamonte
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ayon sa kanya, ang pagbasa ay isang Psycholinguistic guessing game sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksiyon sa pagitan ng wika at pag-iisip.
Ayon sa kanya sa Reading Without Nonsense, ang pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag-unawa sa teksto ay ang pagkuha ng sagot sa iyong mga tanong.
Mabilis na teknik ng pagbasa na kung saan ang pokus ng mambabasa ay ang pagkuha lamang sa mga espesipikong impormasyon.
Sa mga ganitong pagkakataon, tayo ay nagsusuri at nagsasala ng mga mahahalagang impormasyon na ating matatanggap batay sa teksto.
Ito ay mabilis na teknik ng pagbasa subalit pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap.
Teknik kung saan tinatayang pang-ubos oras lamang.
Ang tekstong kanyang binasa hindi malayong maisabuhay ang mga bagay na natutunan.
Tumutukoy sa pagkuha ng lahat ng detalye maging ito man ay mahalaga o hindi.
Isa sa mga teknik na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maging pamilyar sa mga detalye ng binasa.
Tumatalakay sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon sa isang babasahin.
Dito nasusukat ang kakayahang maintindihan at unawain ang kaakibat na kahulugan ng mga nakalimbag na salita.
Nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksang binasa upang mapagtanto at makabuo ng matatag na pananaw.
Sa pag-unawang ito naipakikita ang kakayahan ng mambabasa na mapansin ang katotohanan at opinyon sa binasa.
Ang kakayahang maiugnay ang buhay sa binasa. Sa antas na ito, nagaganap ang pgbabago sa buhay o pananaw ng isang mambabasa.
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga seryena nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon.
Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa mga proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na sya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.
Sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor- mambabasa at mambabasa-awtor.
Bago pa man basahin ng mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa niya na lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin.
Isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang nilikhang sining.
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Tumutukoy sa panauhang ginagamit ng may-akda
Tumutukoy sa paksang diwang binibigyang diin sa kuwento.
Tumutukoy sa istilo ng manunulat/awtor
Tumutukoy sa nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan ng buhay ng may akda.
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng pangyayari, matipid at piling-pili ng paggamit ng salita at laging nagtatapos ng may kaayusan.
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.Â
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinaka sentro ng kanyang pananatili sa mundo.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang paghubog.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspeto na bumubuo sa tao at mundo.
Ito ay may kinalaman sa pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa ganitong pagkakataon, itinatala ng manunulat ang paglalarawan ng mga detalye na kaniyang naranasan. Layon nitong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.
Dalawang paraan ng paglalarawan
Tuwirang nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalarawan.
Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, animo'y at katulad.Â
Tuwirang paghahambing kaya't hindi na kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.
Tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
Eksaherado o sobra sa mahinahong katotohanan at hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.
Paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan.
Ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao, nangyari sa isang lugar at panahon nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang wakas. Layunin nito ang makapag salaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapag bibigay-aliw. Higit sa lahat, ito ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal at pagpapa halagang pang katauhan.
Mga paraan ng pagpapahayag ng saloobin
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasabi ng kaniyang diyalogo. Ito ay ginagamitan ing panipi.
Ng tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Kilala rin sa tawag na bida. Sa kanya umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan.
Kilala rin sa tawag na kontrabida. Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
Siya ang karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.
Isang tauhan na may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personabilidad.
Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.
Ito ay tumutukoy hindi lamang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon).
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng may-akda.
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Dito rin mahuhugot ang mga mahahalagang aral sa kuwento.
Ay isang uri ng babasahing di piksyon. Layunin nitong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling sa iba't ibang paksa. Ang mga impormasyon at kabatiran ay hindi nakabase sa opinion ng may-akda kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang kanyang pabor o pagkontrol sa paksa.
Mula sa katotohanang nasaksihan at pinatunayan ng iba (historical account).
Inilalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon tungkol sa tao, hayop, bagay, at iba pa.
Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong ito. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Layunin ng ganitong uri ng teksto ang maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
Nagbibigay ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o isasakatuparan.
Sa bahaging ito inilalahad ang mga kagamitan na gagamitin para sa pagbuo ng isang bagay.
Ito ang serye o ang pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
Nagbibigay gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur.