
RMYA- ESP 5
Quiz by MARILOU VALIENTE
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ano ang masusing pagtatanong, pagsusuri ng mga kasagutan at pagpili ng wastong sagot bago gumawa ng anomang desisyon?
D. mapanghusgang pag-iisip
B. magdadalawang-isip
A. negatibong pag-iisip
C. mapanuring pag-iisip
30s - Q2
Habang nakikinig ng radyo ay napakinggan mo na may namumuong sama ng panahon at ang lahat ay pinaaalalahanan na maghanda sa pagtama nito sa kalupaan, ano ang dapat mong gawin?
C. Tatanungin ang kaibigan kung totoo ang balitang napakinggan.
B. Sasabihin sa magulang ang balita na iyong napakinggan.
A. Hindi papansinin ang balita na napakinggan.
D. Titingnan ang kalangitan kung may namumuo nga bang sama ng panahon.
30s - Q3
Napanood mo sa telebisyon na maraming bata ang nagkakadengue kaya pinaalalahanan ang lahat ng mga dapat gawin upang makaiwas sa sakit na ito, ano ang dapat mong gawin?
D. Ipagbibigay-alam sa magulang ang napanood na balita upang gumawa ng paraan para makaiwas sasakit.
B. Hahanap ng sariling paraan upang makaiwas sa sakit na dengue.
C. Lilinisin lagi ang katawan sa pamamagitan ng pagpapahid ng alcohol.
A. Magpapausok upang itaboy ang mga lamok.
30s - Q4
May nagpadala ng mensahe sa iyong cellphone na nagsasabing ikaw ay nanalo ng pera sa isang raffle. Sinabi rin sa mensahe na tawagan mo siya upang malaman mo kung paano makukuha ang iyong napanalunan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipamamalita agad na nanalo ka sa raffle.
D. Aalalahanin kung ikaw ba ay may sinalihan na raffle bago paniwalaan ang mensahe.
B. Susuring mabuti kung totoo ang isinasaad ng mensahe.
C. Sasabihan sa iyong magulang ang mensahe na iyong natanggap.
30s - Q5
Ano ang dapat mong gawin kung may narinig o nabasa kang masamang balita?
B. Maniwala agad sa narinig o nabasang balita.
A. Tanungin ang kaibigan ukol sa balita.
D. Magsaliksik ukol sa narinigo nabasang balita kung ito ba ay may katotohanan.
C. Ipamalita agad ang narinig o nabasang balita.
30s - Q6
Ano ang iyong gagawin kung napanood mo sa telebisyon ang tamang pagsusuot ng face mask?
C. Hindi papansinin ang napanood na ukol sa tamang pagsusuot ng face mask.
A. Isusuot ang face mask ngunit hanggang bibig lamang.
B. Gagawin ang tamang pagsusuot ng face mask ayon sa napanood.
D. Iisip ng ibang paraan ng pagsusuot ng face mask bilang pagsunod sa uso.
30s - Q7
Ang sumusunod ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral maliban sa isa?
B. paggawang takdang-aralin
D. palagi ang paghingi ng tulong sa mga gawain.
C. pakikilahok sa pangkatang gawain
A. pakikibahagi sa talakayan
30s - Q8
Ikaw ay isa sa mga nangunguna sa inyong klase pagdating sa larangang akademiko at nais mong matulungan sa mga aralin ang iyong mga kamag-aral. Sa paanong paraan mo ito gagawin?
D. Hihikayatin silang sabay-sabay naming gawin ang aming mga takdang-aralin.
A. Gagawin ko ang kanilang mga gawain.
B. Tuturuan ko sila sa aming mga pagsusulit.
C. Pakokopyahin ko sila upang tumaas ang kanilang marka.
30s - Q9
Ano ang dapat isaisip ng bawat miyembro ng pangkat upang mabilis at maayos na maisagawa ang isang gawain?
B. Aktibong makilahok sa gawain upang mapadali ito.
D. Bigyanng pagkakataon ang bawat miyembro na gumawa.
C. Magbigay ng kani-kaniyang kuro-kuro ukol sa gawain.
A. Magkaroon ng kani-kaniyang gawain.
30s - Q10
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang katapatan sa paggawa ng proyektong pampaaralan?
B. Humingi ng tulong sa kapwa mag-aaral upang gumawa ng proyekto.
D. Gumawa ng proyekto sa abot nang makakaya at base sa sariling kaisipan.
A. Magpatulong sa nakatatandang kapatid sa paggawa ng proyekto.
C. Tumingin sa internet ng maaaring parisan bago gumawa ng proyekto
30s - Q11
Nais mong gawing maganda ang iyong proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin maliban sa isa?
D. Titingin sa magasin upang makaisip ng magandang proyekto.
A. Gagawin ang proyekto sa abot ng iyong makakaya.
C. Kokopyahin ang proyekto ng iba at uunahan sila ng pagpasa.
B. Hihinging tulong sa kaklase sa paggawa ng proyekto.
30s - Q12
Sa inyong klase ay pinuri ng guro ang pinasang proyekto ng iyong kamag-aral ngunit ang ideya niya sa paggawa nito ay nakuha lamang niya sa ideya ng iba. Ito ay taliwas sa bilin ng inyong guro na dapat ay orihinal ang proyekto. Ano ang dapat mong gawin?
B. Ipagbibigay-alam sa guro na ang proyekto ay nakuha lamang sa mula sa ideya ng iba.
D. Kakausapin ang kamag-aral ukol sa kaniyang proyekto at sasabihin na hindi niya ito orihinal na ideya.
C. Hihikayatin ang kamag-aral na kausapin ang kanilang guro at sabihin ang kaniyang maling nagawa.
A. Hindi na kikibo at hahayaan na lang ang iyong kamag-aral.
30s - Q13
Anong katangian ng bawat miyembro ng pangkat ang dapat taglayin upang maging matagumpay ang isang gawain?
B. pagpapahalaga
A. pagkakaisa
D. pagkakaniya-kaniya
C. pagkamaalalahanin
30s - Q14
Ang sumusunod ay nagpapakita ng kalahagahan ng pagkakaisa upang maging matagumpay sa isang gawain, maliban sa isa?
D. Pagpapasalamat sa kontribusyon ng bawat isa sa natapos na gawain.
A. Pagkakaniya-kaniya upang mapabilis matapos ang gawain.
C. Pagtutulungan ng bawat miyembro ng upang matapos ang gawain.
B. Pakikinig sa ideya ng bawat isa upang makabuo ng isang plano.
30s - Q15
Paano maipakikita ng isang pangkat ang pagkakaroon ng pagkakaisa?
C. Pakikinig sa mungkahi ng bawat miyembro ng pangkat.
B. Pagpapasalamat sa kontribusyon ng bawat isa.
A. Pagtutulungan sa pagkamit ng mga layunin.
D. Pagbibigay ng puna sa mga nagawa ng miyembro ng pangkat.
30s