
Sariling Tungkulin sa Pagkilala sa Karapatan ng Kapuwa-Bata
Quiz by MAXYNE ANDREI DELA CRUZ
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na tungkulin tuwing ikaw ay naglalaro kasama ang kapuwa-bata?
A. Pagsunod sa patakaran ng laro
B. Pagiging laging sabik na manalo
C. Pagbibiro sa kalaro kapag sila ay natalo
D. Panonood sa mga kapuwa-bata na naglalaro
30s - Q2
2. Humingi ng tulong ang iyong nakababatang kapatid dahil siya ay nahihirapan sa pagbabasa ng mga pangungusap. Ano ang pinakaangkop na sariling tungkulin ang tumutugon sa karapatan na makatanggap ng tulong ng iyong nakababatang kapatid?
A. Tungkulin ko na unawain ang saloobin ng aking kapatid.
B. Tungkulin ko na turuan ang aking kapatid sa pagbabasa.
C. Tungkulin ko na ipamalas sa kapatid ang aking galing sa pagbabasa.
D. Tungkulin ko na irespeto ang limitadong kakayahan ng aking kapatid.
30s - Q3
3. Ano ang pangunahing layunin bakit kailangan na igalang ang kapuwa-bata?
A. Upang magkaroon ako ng kontrol sa iba.
B. Upang maipakita ko ang pagiging mabait.
C. Upang magkaroon ako ng kapangyarihan sa lahat.
D. Upang mapanatili ko ang kaayusan at kapayapaan.
30s - Q4
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng sariling tungkulin sa karapatan ng kapuwa-bata?
A. Si Mia na pilit inaaya ang ibang bata na maglaro.
B. Si Mary na tumutulong sa kapuwa-bata na may hinihinging kapalit
C. Si Ana na laging nagbibigay ng opinyon bago makinig sa pananaw ng iba.
D. Si Dan na nagbabasa upang malaman ang mga karapatan ng isang bata.
30s - Q5
5. Sa gitna ng talakayan, nagpahayag ng opinyon ang iyong kaklase na si Elvie. Kahit na hindi ka sang-ayon sa kanyang opinyon, nakinig ka nang mabuti. Alin sa mga sumusunod ang karapatan ni Elvie na iyong iginagalang?
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatan sa pagpapa-unlad ng kakayahan
C. Karapatan sa pagpapahayag ng sariling pananaw
D. Karapatan sa proteksyon laban sa pananakit at pang-aabuso
30s - Q6
1. Paano mo naipapakita ang paggalang sa karapatan ng kapuwa-bata? Ipaliwanag sa 2-3 pangungusap at isulat ang sanaysay pagkatapos ng bawat bilang.
Users enter free textType an Answer120s - Q7
2.
Para sa iyo, bakit mahalaga ang pagkilala sa mga karapatan ng iyong kapuwa-bata? Ipaliwanag sa 2-3 pangungusap at isulat ang sanaysay pagkatapos ng bawat bilang.
Users enter free textType an Answer120s