Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Inilabas ni Nena ang mga kagamitan niya sa loob ng kaniyang bag gaya ng papel, lapis, krayola at liha na halimbawa ng mga kagamitang solido. Ano- ano ang katangian ng mga bagay na ito?
Inatasan ng guro sa agham ang kaniyang mga mag-aaral na ilarawan ang hugis ng bawat solidong bagay na nasa loob ng kahon. Ano - ano ang hugis ng mga ito?

Napangiwi at napapikit ang mata ni Carlo pagkatapos niyang kagatin ang hilaw na mangga. Ano ang dahilan ng pagngiwi at pagpikit ng kaniyang mga mata?
Si Aling Rosa ay naghanda ng maiinom na kalamansi juice. Masayang pinagsaluhan ito ng kaniyang mga anak sa hapag kainan. Ano ang katangian ng likidong ito?
Tuwang tuwa sina Mike at Meg sa mga lobong pinahahanginan ni Mang Kardo dahil mayroon itong iba’t ibang hugis. Alin sa mga pahayag ang katangian ng gas?
Ang sumusunod na mga bagay na matatagpuan sa tahanan at paaralan ay halimbawa ng matter. Alin sa mga ito ang may kakayahang sumunod sa hugis ng kanilang lalagyan o sisidlan?

Nais kumain ni Scarlet ng malalambot na pagkain dahil hirap siyang ngumuya at sumasakit ang kaniyang ngipin. Alin ang dapat niyang kainin?
Si Mellow ay may bag na naglalaman ng sampung aklat. Ano ang ipinahihiwatig ng laman ng kaniyang bag?
Ang Helium, oxygen, Nitrogen o Carbon Dioxide ay mga halimbawa ng gas. Alin sa mga ito ang pangunahing pangangailangan ng mga bagay na may buhay?Â
Naiinis si Mila dahil natapunan siya ng patis. Ano ang dahilan ng kaniyang pagkainis?
Nagluluto si Aling Nena nang bigla siyang nakaamoy ng masangsang at hindi kanais-nais. Nakita niya ang alcohol na natapon malapit sa bukas na kalan. Ano ang dapat niyang gawin?
Nagmamadaling umalis si Rita sa kinaroroonan, nang bigla niyang natabig at natumba ang nakabukas na lalagyan ng mayonnaise at suka. Alin sa dalawang likido ang mabilis dumaloy?
Kinakain ng mga insekto ang dahon ng mga halaman ni Tita plantita, kaya naisipan niya itong lagyan ng pesticide o gamot na pamatay ng insekto. Ano ang tamang paraan ng paglagay nito sa halaman?
Naiwanan ni Lara na nakabukas ang bote ng alcohol maghapon. Laking pagtataka niya nang nabawasan ang laman nito ng kaniyang binalikan. Ano ang nangyari sa alcohol?
Mainit ang panahon kung kaya naisipan ni Santi na maglagay ng yelo sa tubig habang naglalaro ng basketball. Pagbalik niya ay nawala na ang yelo na nasa tubig. Bakit kaya?
Bumili si Aling Tess ng ice cream para sa kaniyang mga anak. Dahil sa init ng panahon mabilis itong natunaw. Ano ang kaniyang gagawin upang maibalik ito sa dati niyang anyo?
Naglalaro sina Alice, Reah at Karla nang bigla nilang natapakan ang bagong sementong sahig. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi nila agad nahugasan ang kanilang paa?
Nagtataka si Miel nang makita niya ang Albatros na nilagay ng kaniyang ina sa kanilang palikuran dahil unti - unti itong lumiliit at nauubos. Ano ang dahilan ng pagliit at pagkawala nito?
Isinalang sa apoy ng mag - aaral sa ikatlong baitang ang pira pirasong krayolang gamit sa pagguhit. Ano ang mangyayari sa krayola?
Naglagay ng naphthalene ball ang nanay ni Ella sa damitan nila. Makalipas ang ilang araw, napansin niya na lumiit ang sukat nito. Bakit kaya?
Si Gian at ang kaniyang mga kamag-aral sa ikatlong baitang ay nag- eksperiment. Pinutol nila ng maliliit ang isang krayola, inilagay sa kutsara at saka itinapat sa apoy ng kandila nang may pag-iingat.
Kumuha si Tony ng yelo sa kanilang freezer, nilagay niya ito sa plato at pinaarawan sa loob ng 20 minuto. Ano ang mangyayari sa yelo na kaniyang pinaarawan?
Naglagay si Dianne ng tubig sa isang plastic at inilagay ito sa loob ng freezer sa buong magdamag. Ano ang mangyayari sa tubig pagdating ng umaga?
Si Aling Tina ay nagpapainit ng tubig sa takuri. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tubig kapag hinayaan itong kumulo nang kumulo?
Nais malaman ni Rosa kung anong mangyayari sa Alcampor kapag inilagay ito sa lugar na may sinag ng araw. Kaya kumuha siya nito, dinurog niya nang may pag- iingat at pinaarawan sa loob ng kalahating oras. Ano ang mangyayari sa Alcampor
Alin sa sumusunod na pangkat ang halimbawa ng mga bagay o materyal na nagbabago mula solid patungong liquid kapag naiinitan?
Ang sumusunod na mga pangkat ay halimbawa ng mga bagay o materyal na nagbabago mula likido patungong gas. Alin sa mga ito ang tamang sagot?
Pag-aralang mabuti ang larawan. Ano ang mangyayari sa tubig kung pakukuluan ito nang matagal?

Alin sa sumusunod na mga gawain ang nagdudulot ng pagbabago ng materyal batay sa pagbabago ng temperatura?
Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba.

Ang mga likido ay may iba’t ibang paraan ng pagdaloy tulad ng suka, tubig, at shampoo o gatas na kondensada. Alin sa mga nabanggit ang may mabagal na pagdaloy?
Hinipan ni Maria ang isang lobo at ito ay lumaki at nagbago ang sukat. Ano ang dahilan ng pagbabago ng sukat ng lobo?
Ipaliwanag ang molecular particles ng gas gamit ang larawan sa ibaba.

Ano ang magkakatulad na katangiang mayroon ang pabango, alcohol at shampoo?
 Ang LPG o Liquified Petroleum Gas ay ginagamit natin upang makapagluto ng pagkain. Ano ang tamang gawin pagkatapos itong gamitin upang maiwasan ang panganib na dulot nito?
Bakit mahalaga ang pag iingat sa mga bagay na matatagpuan sa loob ng tahanan gaya ng posporo, gasul, muriatic acid at ang likidong pamuksa ng mga insekto ?Â
Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang makaiwas sa sakuna sa paggamit ng mga bagay sa bahay?
Ang butter ay natunaw kaagad pagkalagay nito sa kawaling mainit. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa pagbabago ng butter?
 Ang temperatura ay nakaaapekto sa paglaki at pagliit ng sukat ng lobo ng hindi hinihipan. Alin ang dahilan ng paglaki ng sukat ng lobo?
Ano ang mangyayari sa tubig sa loob ng takuri kung pakukuluan ito nang matagal?