placeholder image to represent content

Short Quiz in AP

Quiz by Guillermo G. Esteban Jr.

Grade 4
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Feel free to use or edit a copy

includes Teacher and Student dashboards

Measure skills
from any curriculum

Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.

With a free account, teachers can
  • edit the questions
  • save a copy for later
  • start a class game
  • automatically assign follow-up activities based on students’ scores
  • assign as homework
  • share a link with colleagues
  • print as a bubble sheet

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Isa sa mga programa ng pamahalaan ang pagtatanim ng mga luntian, maaring sa bakanteng lote o maliit na lalagyan. Paano ka makikiisa sa ganitong paraan?
    Gamitin ang bakanteng oras sa pagtatanim sa mga bakanteng lote at sa mga patapong bote na maari pang magamit
    Bumili ng mga tanim at ilagay sa harap ng bahay
    Magtanim sa lumang bote
    30s
  • Q2
    Nalaman mo na ang iyong kaklase ay nakatira malapit sa ilog. Ano ang maipapayo mo sa kanya upang mapanatili ang kalinisan ng katubigan?
    Paalalahan mo sya na huwag magtatapon at magdudumi malapit sa ilog dahil masisira ang mga yamang tubig
    Mangampanya sa lugar ukol sa wastong pangangalaga ng mga katubigan
    Payuhan mo sya na magtanim ng mga halaman at puno sa gilid ng ilog
    30s
  • Q3
    Nakita mo na nagpiprint ang iyong kapatid ng kanyang mga project at marami na ang mga nasayang na papel, ano ang magandang mungkahi mo sa kanya?
    Ikaw na lamang ang magprint para sa kanya upang mapadali ang kanyang gawain
    Hayaan na lamang siya sa kanyang gawain dahil marami naman kayong mga papel na nakatago.
    Ituro mo sa kanya ang tamang paraan ng pagpiprint upang magamit ng wasto ang mga papel
    30s
  • Q4
    Marami sa kasalukuyan ang nahihilig sa paghahalaman, ngunit marami rin ang naghihinayang kung ang kanilang mga halaman ay namamatay agad. Ano kaya dapat malaman ng isang naghahalaman upang mapanatili ang maayos na buhay ng halaman.
    Alamin ang kalagayan ng halaman kung saan siya dapat manatili at ang lupang nararapat para sa kanya
    Lagi itong diligan at ilagay sa ilalim ng sikat ng araw
    Ilagay ang mga halaman sa magagandang paso
    30s
  • Q5
    Madalas kang utusan ng iyong ina na magwalis ng mga tuyong dahon. Ano ang maari mong gawin sa mga ito upang hindi makasagabal at makadagdag sa mga itatapon na basura?
    Hayaan na lamang ito sa ilalim ng mga puno
    Sunugin agad ang mga ito at ilagay sa isang lalagyan
    Ilagay sa isang lalagyan na may lupa o ibaon upang magsilbing itong pataba.
    30s
  • Q6
    May nahuling ibon na napakaganda ang iyong mga kalaro, ano ang iyong imumungkahi?
    Iuwi at alagaan ang nahuling ibon
    Ipagbili ito sa mga mahilig mag-alaga ng ibon
    Ipagbigay alam ito sa may kapangyarihan na may kaugnayan sa pag-aalaga ng mga hayop
    30s
  • Q7
    Isa sa iyong natutuhan ay ang muling paggamit ng mga patapong bagay, ano ang maari mong magawa sa naipon mong bote?
    Ihanda ang mga ito sa nalalapit na proyekto para sa Pasko
    Gamitin mo ito bilang lagayan ng tubig
    Maari itong kulayan at gawing lagayan ng mga halaman upang makadagdag sa kagandahan ng paligid
    30s
  • Q8
    Bakit mabuti na gamitin ang mga lambat na may katamtamang butas sa pangingisda?
    Mas magaan ito gamitin sa paghuli ng mga isda
    Makakatulong ito na mapagaan ang gawain ng mga mangingisda
    Mabuting gamitin ito sa dahilang hindi mahuhuli ang mga maliliit pang mga isda o itlog nito at patuloy pa sa pagdami
    30s
  • Q9
    Paano nakakatulong sa pag-unlad ng bansa ang mga mayayabong at malalaking puno sa kagubatan?
    Nakakatulong ang mga ito sa produksyon ng ibat ibang kagamitan at pagtatayo ng mga bahay at gusali
    Nagpapaganda ito ng kapaligiran at napapanatili ng malinis na hangin
    Mainam ito bilang silungan ng mga hayop
    30s
  • Q10
    Bakit mahalaga ang mga kabataan sa pangangasiwa at pangangalaga ng likas na yaman?
    Mas higit silang nakakarami upang maipalaganap ang kaalaman sa makabagong paraan
    Sila ang mangunguna sa kampanya at pagtataguyod ng pangangalaga ng likas na yaman upang may magamit pa sila sa darating na panahon
    Malalakas at matitibay ang pangangatawan sa gawaing pisikal
    30s

Teachers give this quiz to your class