Loading...

Sino sino ang bumubuo sa aking pamilya
Quiz by Dionne L. Ingaran
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
Kinder - Natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya.
sino-sino ang mga tauhan sa biag ni lam ang
SINO ANG CRIMINAL...WHOS WHO..
Sino ang sumulat ng Noli Me Tangere
(Pagtataya)​ Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon.Â
ARALIN 3: Gamit ng Pangngalan Ginamit ang iba’t ibang pangngalan depende sa kung sino ang tinutukoy, kinakausap o pinag-uukulan ng kilos. Dahil ito ay hindi lamang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Sa loob ng pangungusap, ito ay may iba’t ibang gamit. Iba-iba ang papel na ginagampanan ng pangngalan depende sa kung paano ito ginagamit sa isang pahayag. 1. Simuno (Paksa) Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa: a. Si Liza ay magaling sumayaw. b. Si Lea ay masunurin sa bilin ng magulang. c. Ang lola ko ay malakas pa. 2. Kaganapang Pansimuno Nasa bahaging panaguri. Lagi itong sumusunod sa panandang ay. Nasa unahan naman ito inilalagay kung walang panandang ay sa pangungusap. Halimbawa: a. Si Liza ay isang mananayaw. b. Si Dan ay isang mapagmahal na magulang. c. Siya rin ay ina ng aming barangay3. Pamuno Ito ay pangngalan na nasa tabi ng isa pang pangngalan upang magpaliwanag o magbigay ng dagdag na impormasyon. Halimbawa: a. Si Andres Bonifacio, isang bayani, ay lumaban para sa kalayaan. b. Si Faith, ang bunsong anak, ay nagsisikap sa buhay. c. Si Sandra, ang aking pinsan, ay pupunta sa amin. 4. Pantawag Ito ay pangngalang tinatawag o binabanggit sa pakikipag-usap. Halimbawa: a. Ana, halika rito. b. Manong, alam niyo po ba ang daan patungongsimbahan? c. Ate, pabili pong kendi. 5. Layon ng Pandiwa Ito ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na ano? Halimbawa: a. Binili ni Marie ang bulaklak. b. Tumanggap si Ron ng papuri sa pagiging magalang sanakatatanda. c. Kumain ng mangga ang mga bata. 6. Layon ng Pang-ukol Ito ay pangngalag pinaglalaanan ng kilos o bagay. Maaaring gamitin ang mga pangukol na sa, ng, para sa, para kay, tungkol sa at iba pa. Halimbawa: a. Nagbigay siya ng regalo para kay Nanay. b. Ang bulaklak na binili ni Alonzo ay para kay Jia. c. Para sa bata ang laruang ito.
Part 2 – Melchora Aquino at Vicente Lukban 11. Sino ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”? A. Gabriela Silang B. Melchora Aquino C. Josefa Llanes Escoda D. Teresa Magbanua Sagot: B 12. Ano ang karaniwang tawag kay Melchora Aquino? A. Ka Gorio B. Ka Tandang Sora C. Ka Andres D. Ka Bebe Sagot: B 13. Paano nakatulong si Melchora Aquino sa Katipunan? A. Nagturo ng armas B. Nagtago at nagpagaling ng mga sugatang Katipunero C. Naging heneral sa digmaan D. Nagsulat ng mga nobela Sagot: B 14. Ano ang ginawa ng mga Espanyol kay Melchora Aquino matapos siyang tumulong sa Katipunan? A. Ginawang gobernadorcillo B. Ipinatapon sa Guam C. Pinakulong sa Malacañang D. Ginawang guro Sagot: B 15. Sino ang kilalang lider-rebolusyonaryo sa Samar at Bicol na nakipaglaban sa mga Amerikano? A. Mariano Llanera B. Vicente Lukban C. Macario Sakay D. Miguel Malvar Sagot: B 16. Anong kilusan ang pinangunahan ni Vicente Lukban laban sa mga Amerikano? A. Gerilyang kilusan sa Samar B. Himagsikan sa Cavite C. Rebolusyon sa Laguna D. Kilusan sa Mindoro Sagot: A 17. Ano ang mahalagang nagawa ni Vicente Lukban sa Samar? A. Pinamunuan ang Balangiga Encounter B. Sinulat ang Kartilya ng Katipunan C. Pinamunuan ang Malolos Congress D. Nagdeklara ng kalayaan sa Kawit Sagot: A 18. Ano ang naging pangunahing papel ni Melchora Aquino sa Katipunan? A. Inspirasyon at tagapangalaga ng mga rebolusyonaryo B. Pinuno ng hukbong dagat C. Nagtatag ng Katipunan D. Kalihim ng Digmaan Sagot: A 19. Ilang taon si Melchora Aquino nang siya’y aktibong tumulong sa Katipunan? A. 20 B. 50 C. 80 D. 60 Sagot: C 20. Ano ang kinikilalang kontribusyon ni Vicente Lukban sa kasaysayan? A. Pinamunuan ang unang Republika B. Huling sumuko sa mga Amerikano sa Luzon C. Pinamunuan ang pakikibaka sa Samar at Bicol D. Naging Punong Ministro ng Malolos Sagot: C
Part 1 – Emilio Aguinaldo at Apolinario Mabini 1. Sino ang naging unang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas? A. Apolinario Mabini B. Emilio Aguinaldo C. Andres Bonifacio D. Antonio Luna Sagot: B 2. Anong mahalagang dokumento ang pinirmahan sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898? A. Kasunduan sa Biak-na-Bato B. Deklarasyon ng Kalayaan C. Konstitusyon ng Malolos D. Proklamasyon ng Bagong Bayan Sagot: B 3. Siya ang tinaguriang “Utak ng Rebolusyon.” A. Gregorio del