Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
25 questions
Show answers
  • Q1
    Sino ang itinuring na pinakaunang pilosopo ng sinaunang panahon?
    Pythagoras
    Aristotle
    Socrates
    Plato
    30s
    PPT11/12-Ib-1.3
  • Q2
    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagninilay-nilay?
    Hiningi ni Tina ang opinyon ng kanyang mga kaibigan, kamag-aral, at mga magulang patungkol sa magandang kursong dapat niyang kunin sa pagpasok niya sa Senior High School.
    Wala sa nabanggit.
    Tinanong ni Francis ang kanyang sarili, “kailangan ko ba ito? magagamit ko ba ito palagi? mahalaga bang bilhin ko ito ngayon?” bago bilhin ang gusto niyang sapatos.
    Nagpasya agad si Rowena na sumama sa isang kasiyahang dadaluhan ng kanyang mga kaibigan sa kabila ng hindi pagpayag ng kanyang ina.
    30s
    PPT11/12-IIa-5.2
  • Q3
    Ang pagninilay-nilay ay mahalaga sa isang pilosopikong paraan tungo sa pamimilosopiya sa buhay.
    Tama, sapagkat kailangan mapag-isipang mabuti ang bawat pagpapasyang gagawin.
    Tama, sapagkat kapag mas matagal pag-isipan ay mas magiging magulo ang kalalabasang pagpapasya.
    Mali, sapagkat ang pagninilay-nilay ay hindi mahalaga sa isang pilosopikong paraan tungo sa pamimilosopiya sa buhay.
    Mali, sapagkat patatagalin lamang nito ang proseso ng pamimilosopiya.
    30s
    PPT11/12-IIa-5.2
  • Q4
    Isinasaalang-alang ito ni Rene Descartes bilang isang dahilan kung bakit namimilosopo ang mga tao.
    Magtaka
    Pagninilay-nilay
    Pagdududa
    Repleksyon
    30s
    PPT11/12-IIa-5.2
  • Q5
    Ito ay isang pananaw na nakatuon sa mga tiyak na aspeto ng isang sitwasyon.
    Pagninilay-nilay
    Pagdududa

    Pangkabuuang pananaw 

    Pananaw ng mga bahagi lamang o partial thinking
    30s
    PPT11/12-IIa-5.2
  • Q6
    Ito ay isang pananaw na isinasaalang-alang ang “mas malaking larawan” kapag tumitingin sa mga problema at sitwasyon.

    Pananaw ng mga bahagi lamang o partial thinking

    Pagninilay-nilay
    Pangkabuuang pananaw
    Pagdududa
    30s
    PPT11/12-IIb-5.3
  • Q7
    Sangay ng pilosopiya na tumutukoy sa mga katanungan tungkol sa katotohanan at eksistensiya.
    Etika
    Metapisika
    Epistemolohiya
    Estetika
    30s
    PPT11/12-IIa-5.2
  • Q8
    Ang salitang “pilosopiya” ay nagmula sa _____________.
    Griyego, na nangangahulugan “pag-ibig ng agham”
    Latin, na nangangahulugang “pag-ibig ng kaalaman”
    Griyego, na nangangahulugan “pag-ibig sa karunungan”
    Latin, na nangangahulugang “pag-ibig sa buhay”
    30s
    PPT11/12-IIa-5.2
  • Q9
    Sa tuwing may problema lamang si Joshua nakapagninilay-nilay. Maituturing bang isa ng ganap na kasanayan ang ginagawa ni Joshua?
    Oo, sapagkat malinaw na naipahayag na si Joshua ay nagnilay-nilay.
    Hindi, sapagkat ang pagninilay-nilay upang maging ganap na kasanayan ay dapat palagiang ginagawa at hindi sa iisang bagay lamang.
    Hindi, sapagkat ang pagninilay-nilay upang maging ganap na kasanayan ay dapat kada ikalawang araw ginagawa at hindi araw-araw.
    Oo, sapagkat marapat lamang na magnilay-nilay sa tuwing tayo ay may problema.
    30s
    PPT11/12-IIc-5.4
  • Q10
    Ito ay ang pag-aaral o disiplina na gumagamit ng kadahilanan ng tao upang siyasatin ang tunay na mga sanhi, dahilan, at mga prinsipyo na namamahala sa lahat ng mga bagay.
    Biyolohiya
    Pilosopiya
    Sikolohiya
    Pilosopiya
    30s
    PPT11/12-IIc-5.4
  • Q11
    Ito ang mga binuong kapahayagan na nagpapakita ng mga kuro-kuro na lampas na sa pagbibigay ng katotohanan.
    Argumento
    Opinyon
    Konklusyon
    Paniniwala
    30s
    PPT11/12-IIa-5.2
  • Q12
    Ito ay kapahayagang nagpapakita ng pag-aangkin ng katotohanan at waring makatuwiran at lohikal subalit ilan sa mga ito ay base sa mga maling pangangatwiran.
    Palasiya
    Kwento
    Argumento
    Pagkiling
    30s
    PPT11/12-IIc-5.4
  • Q13
    Ito ay mga kapahayagang nag-aakala na ang pag-aangkin ay totoo at naglalaan ng mga dahilang sumusuporta dito.
    Pagtatangi
    Argumento
    Kwento
    Konklusyon
    30s
    PPT11/12-IIc-5.4
  • Q14
    “Noong ganiyan ang edad ko sa’yo may-asawa na ako. Paglagpas ng edad mo sa kalendaryo dapat may-asawa ka na!” Ang kapahayagang ito ay nagpapakita ng anong uri ng palasiya?
    Confirmation bias
    Appeal to the tradition
    Fallacy of division
    Framing
    30s
    PPT11/12-IIc-5.4
  • Q15
    “Malamang naniniwala siya na ang gobyerno ay mandaraya dahil isa siyang rebelde at komunista!” Ang kapahayagang ito ay nagpapakita ng anong uri ng palasiya?
    Fallacy of composition
    ad hominem
    Confirmation bias
    Begging the question
    30s
    PPT11/12-IIc-5.4

Teachers give this quiz to your class