placeholder image to represent content

Summative Test 1 - Araling Panlipunan 3RD Quarter

Quiz by Romeo Mercado

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Bakit maraming Pilipino ang nagalit at hindi sumang-ayon sa pagpirma ni Pangulong Roxas sa kasunduang inilahad ng Estados Unidos?

    Hindi naging pantay ang kasunduan sa mga Pilipino.

    Ang kasunduan ay pabor lamang sa mga Pilipino.

    Ang mayayaman lamang ang nakatanggap ng tulong at benepisyo.

    Marami ang nakatanggap ng benipisyo at tulong mula sa Estados Unidos.

    30s
  • Q2

    Bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights?

    Ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa.

    Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng makapangyarihang mga bansa at mga bagong tatag na estado.

    Ito ay patakarang nag uutos na tumangkilik sa mga produkto ng ibang bansa.

    to ay isang paraan ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa.

    30s
  • Q3

    Naging aktibo ang kilusang Hukbalahap (Hukbo Laban Sa hapon) sa administrasyong Roxas. Alin kaya sa mga sumusunod ang maaring naging dahilan ng kanilang pag-aalsa?

    Pagbabayad ng pamahalaang Amerikano ng napakababang halaga sa Pilipinas bilang bayad pinsala sa digmaan.

    Hindi pagsang-ayon ng pamahalaan sa kasunduang Batas Militar

    Galit at kawalan ng tiwala sa pamahalaan dahil sa pagsang-ayon nito sa mga hindi pantay na kasunduan na inilahad ng Estados Unidos.

    Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produkto ng ibang bansa.

    30s
  • Q4

    Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino sa mga ilang hindi pantay na kasunduan. Alin sa mga ito ang hindi nabibilang sa kanilang mga reaksiyon?

    Pag-aalsa laban sa pamahalaan.

    Pakikipagsaya kasama ang mga Amerikano

    Galit dahil sa paglabag ng kanilang mga Karapatan

    Pagbatikos sa administrasyong Roxas

    30s
  • Q5

    Alin sa mga sumusunod ang hindi naging suliranin ng ating pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?

    mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at sakahan.

    . pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay na tulad ng Estados Unidos.

    wasak na mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon.

    pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan

    30s
  • Q6

    Anong hakbang ang ginawa ni Pangulong Manuel A. Roxas upang Matugunan ang mga hamon at suliranin sa kanyang administrasyon?

    Umalis papuntang Estados Unidos kasama ang kanyang gabinete.

    Nakipag ugnayan at nakipag kaibigan sa bansang Espanya.

    Pumirma nang kasunduang Philippine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Espanya.

    Pumirma nang kasunduang Philipine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

    30s
  • Q7

    Sa iyong palagay, ang pagpirma ni Pangulong Manuel A. Roxas ng kasunduan sa Estados Unidos ay nakatulong ba upang matugunan ang mga suliranin at hamon na kinaharap ng Pilipinas pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig? Bakit?

    Hindi, dahil umasa na lamang ang mga Pilipino sa tulong na ibinigay ng Estados Unidos.

    Oo, dahil malaki ang naitulong nang perang ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas sa rehabilitasyon at pagpapagawa ng mga bagong gusali sa ating bansa.

    Oo, dahil nagkaroon ang mga Pilipino ng sapat na kamalayan sa mga produkto at kulturang kanluranin na siyang naging paraan upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

    Hindi tiyak o sigurado kung natugunan ba o hindi ang mga suliranin at hamong kinaharap ng pamahalaan.

    30s
  • Q8

    ng mga sumusunod ay ang mga kasunduang kaagapay o kapalit ng Philippine Rehabilitation Act. Alin sa mga ito ang hindi?

    Bell Trade Act

    Parity Rights

    Military Bases Agreement

    Batas Militar

    30s
  • Q9

    Unang pangulo ng Ikatlong Republika

    Elpidio Quirino

    Jose Abad Santos

    Manuel L. Quezon

    Manuel Roxas

    30s
  • Q10

    Bakit mahalaga sa ekonomiya ng ating bansa ang pagtangkilik ng mga produktong sariling atin?

    Makatutulong tayo upang kumita at umunlad ang kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino

    Lahat ng mga nabanggit.

    Ipinapakita nito na mahal natin ang ating bansa.

    Makatutulong ito upang umangat pa at mas makilala ang ating produkto sa ibang bansa.

    30s
  • Q11

    Ang Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na kung saan ay binibigyan ng pantay na karapatan ang mga Amerikano na linangin at gamitin ang ating likas na yaman.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
  • Q12

    Ito ay nagsasad ng pagbibigay ng pamahalaang Amerikano ng halagang $620milyon na tulong pinansyal sa Pilipinas. Nakasaad din sa kasunduan pagbabayad ng Amerika nang halagang $800 milyon bilang bayadpinsala sa mga ari-arian ng mga sibilyang naapektuhan ng digmaan

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
  • Q13

    Ito ay nagsasaad na sa loob ng walong taon ay magkakaroon ng malayang kalakalan ang Pilipinas at Amerika mula 1946 hanggang 1954.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
  • Q14

    Kasunduan na nagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang 23 base militar ng Amerika sa iba’t ibang sulok ng bansa.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s
  • Q15

    Ito ay ang kaisipan na ang anumang bagay na galing sa ibang bansa, partikular na ang Amerika ay higit na maganda kaysa lokal na produkto.

    Users enter free text
    Type an Answer
    30s

Teachers give this quiz to your class