Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?

    Isusumbong sa Kapitan ng barangay.

    Tatanungin ang pangalan ng bata at kung taga-saan siya.

    Ihahatid sa kanyang mga magulang.

    Hahayaan ang bata sa paglalakad.

    30s
    F5PN-Ia-4
  • Q2

    Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?

    Mag–aaral palagi.

    Mangongopya sa katabi.

    Hindi mag-aaral ng leksyon.

    Manonood nalang ng mga palabas.

    30s
    F5PN-Ia-4
  • Q3

    Nakita mong may nagtapon ng basura sa sahig ng inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo bilang mag-aaral?

    Pagsasabihan na pulutin ang kanyang basura.

    Hindi ko siya pagsasabihan.

    Hahayaan ko na lamang siya.

    Isusumbong sa titser.

    30s
    F5PN-Ia-4
  • Q4

    Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?

    Bibigyan ko siya ng pera.

    Hahayaan ko siyang umiyak.

    Bibigyan ko siya ng pagkain.

    Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay.

    30s
    F5PN-Ia-4
  • Q5

    Sa mga nagdaang bagyo, naranasan mong masira ang inyong bahay. Kung nababalita sa radyo ngayong umaga na may darating na bagyo, ano ang iyong mabuting gawin?

    Maghahanda nang mabuti.

    Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.

    Hindi tutulong sa mga magulang.

    Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.

    30s
    F5PN-Ia-4
  • Q6

    Ang mga bata ay natutulog sa bahay. Anong uri ng pangngalan ang bata?

    wala

    pambalana

    pantangi

    pambabae

    30s
    F5WG-Ia-e-2
  • Q7

    Ang mga guro ng Pulong Sta. Cruz Elementary School ay masipag magturo.Anong uri ng pangngalan ang nasalungguhitan?

    pantangi

    pambalana

    lahat ng nabanggit

    panlalaki

    30s
    F5WG-Ia-e-2
  • Q8

    ______________ bata ay umiiyak. Anong ilalagay sa patlang upang maging marami ang pangngalang tinutukoy?

    Ang

    Isang

    Ang mga

    Dalawang

    30s
    F5WG-Ia-e-2
  • Q9

    Ginagamit ng mga guro ang libreng oras para makagawa ng mga kagamitan sa pagtuturo at lesson plan. Ano ang kasarian ang nasalungguhitang salita?

    panlalaki

    walang kasarian

    pambabae

    di-tiyak

    30s
    F5WG-Ia-e-2
  • Q10

    Balat-sibuyas ang batang iyan. Anong kayarian ng pangngalan ang nasalungguhitan?

    inuulit

    maylapi

    payak

    tambalan

    30s
    F5WG-Ia-e-2
  • Q11

    Si Ana ay bumili ng laptop dahil kailangan niya ito. Anong uri ng pangngalan ang salitang nasalungguhitan?

    pantangi

    di-tiyak

    pambalana

    panlalaki

    30s
    F5WG-If-j-3
  • Q12

    ________ang kumuha ng pera dito sa mesa?

    Saan

    Kailan

    Ano

    Sino

    30s
    F5WG-If-j-3
  • Q13

    Si Ana ay isang matalinong bata. _______ rin ay mabuting anak.

    Siya

    Sila

    Ikaw

    Kami

    30s
    F5WG-If-j-3
  • Q14

    “_______mo ilagay ang bag,”sabi ni Ruben habang hawak kung saan ilalagay ang bag.

    Doon

    Diyan

    Narito

    Dito

    30s
    F5WG-If-j-3
  • Q15

    Ang bag na ito ay binili ko para sa ____, habang itinuturo si Rowena

    akin

    iyo

    amin

    kanya

    30s
    F5WG-If-j-3

Teachers give this quiz to your class