
Summative Test # 2 in ESP 5 (Module 3 & 4)
Quiz by Van Aldrich Rosal
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Hindi pinapakinggan ni Georgia ang sinasabi ng kanyang guro.
Salita ng salita si Marco sa kanyang upuan habang nag-uulat ang kanyang kaklase.
Ayaw ibahagi ni Sally ang kanilang leksion kahit na maayos na nagtanong si Jinky.
Nagrereklamo si Jocy sa kanilang lider pagkatapos magkaroon ng desisyon ang nakakarami.
Habang nagtuturo ang kanilang guro, tumayo at tumakbo sa kanilang silid-aralan si Hulyo.
Pinatapos muna ni Jacky ang sinasabi ng kanilang guro bago siya nagtanong.
Sabat ng sabat si Mila sa sinasabi ng kanilang presidente ng SPG.
Binulyawan ni Luz ang kanilang bise-presidente ng SPG dahil hindi siya sang-ayon sa kanilang tinatalakay na proyekto.
Naglalaro ng bola sa kanyang upuan si Gina kahit na may talakayan ang kanyang mga kagrupo.
Itinaas ni Quennie ang kanyang kanang kamay bago sagutin ang katanungan ng kanilang guro.
Inatasan si Marko bilang lider ng kanilang proyekto sa EsP, ngunit hindi niya ginawa ang kanyang parte sa paggawa ng kanilang proyekto.
Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa EsP. Agad mo itong sinabi sa iyong nanay pati na ang eksaktong halaga ng bayarin.
Si Ana ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil Government (SPG) sa kanilang paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nahulog na balota na siyang gagamitin sa botohan. Agad-agad ay ibinalik niya ang mga ito sa taga-pangasiwa.
May paligsahan sa paggawa ng tula sa inyong paaralan. Dahil sa labas kayo gumawa, ginamit mo ang pagkakataong ito upang maghanap sa internet kahit ito ay pinagbawal nila.
Nais ni Ivan na manguna sa pagsusulit kaya naman gumamit siya ng kodigo upang malamangan ang kanyang mga kaklase.
Ang mga bata ay binigyan ng kanya-kanyang gawain ng kanilang guro, matiyaga at masigasig nila itong tinapos.
Hindi naintindihan ni Jenea ang tinuro ng kanilang guro kaya ipinagawa niya ang kanyang takdang aralin sa kanyang ate.
Nakita ni Ruben ang nakakalat na papel na may sagot sa kanilang pagsusulit para bukas. Kaya naman dali-dali niya itong kinopya at tinandaan.
Kahit nahihirapan si Mila sa kanilang pagsusulit ay hindi siya nangopya sa kanyang mga kaklase.
Hindi lubos naintindihan ni Bea ang ang tinuro ng kanyang guro sa Matematika, nang nagtanong ang guro sa kanyang klase kung naintindihan ba nila ito, inamin niyang hindi niya masyadong naintindihan ang kanilang pinag-aaralan.