placeholder image to represent content

Summative Test # 2 in Filipino 5 (Module 3 & 4)

Quiz by Van Aldrich Rosal

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Naglaro si Aya kanina. Iniligpit niya ang mga ginamit na laruan sa loob ng isang malakingkahon. Si Aya ay ______________.

    maalaga

    masayahin

    masinop

    mainipin

    30s
  • Q2

    Si Pedro ay isang batang palaboy. Palagi siyang pinagagalitan ng kanyang ama dahil hindi siya sumusunod at hindi nakikinig sa bilin ng kanyang magulang. Hindi na rin siya nag-aaral. Si Pedro ay ____________.

    kaawa-awa

    nakakatuwa

    kaaya-aya

    wala sa nabanggit

    30s
  • Q3

    Si Majoy at Niήa ay magkaibigan. Sila ay mahilig sa pagbabasa. Palagi silang nag-aaral ng kanilang leksyon. Kaya naman sila ang nangunguna sa kanilang klase. Ano ang katangian ng magkaibigan?

    palaaral

    matalino

    responsable

    lahat ng nabanggit

    30s
  • Q4

    Hindi marunong biruin si Audrei. Agad siyang umiiyak sa isang tukso lamang ng kanyang kaibigan. Si Audrei ay ________________________.

    mabait

    sensitibo

    masipag

    masayahin

    30s
  • Q5

    “Pupugutan ko ng ulo ang sinumang nagkakalat na malaki ang aking tainga.” sabi ng Hari. Ang hari ay_______________________.

    mabagsik

    mabait

    maunawain

    maalalahanin

    30s
  • Q6

    Naaksidente sina Ric at Lito dahil sa bus na nasakyan nila. Ilarawan ang bus.

    bago pa

    wala sa nabanggit

    lumang luma na

    sira na

    30s
  • Q7

    Maaga pa’y nasa tabi ng simbahan na si Nora upang magtinda ng sampaguita. Ibinibigay ni Nora ang kita sa kanyang ina. Si Nora ay _______________.

    masayahin

    matulungin

    responsable

    maagap

    30s
  • Q8

    Maagang nakatulog ang mag-anak nina Mang Juan. Maging ang mga kapitbahay nila ay nakatulog na dahil walang kuryente. Ilarawan ang kanilang lugar.

    maingay

    matahimik

    maaliwalas

    magulo

    30s
  • Q9

    Si Albert ay pumasok sa banyo ng kanilang silid-aralan. Nagulat at natuwa siya sa nakita dahil ______________ang banyo.

    maliwanag

    marumi

    malinis at mabango

    mabaho

    30s
  • Q10

    Si Bb. Reyes ay palaging nakasuot ng makakapal na damit tuwing pumapasok sa trabaho. Bakit siya palaging nagsusuot ng makakapal na damit?

    Nagtatrabaho siya sa malamig na opisina at nakasanayan na niyang magsuot ng makapal na damit.

    Nakasanayan na niyang magsuot ng makapal na damit

    Nagtatrabaho siya sa malamig na opisina.

    Madilim at mainit ang lugar ng kanyang trabaho.

    30s
  • Q11

    Kayraming tao ang nanood. Kagabi ay sumali kami sa patimpalak sa pagsayaw. Tuwang-tuwa ang mga magulang namin sapagkat kami ang nanalo sa patimpalak.

    pagdalo sa pagtitipon

    pagbaha

    pagsali sa patimpalak

    paggawa ng proyekto

    30s
  • Q12

    Maraming tao ang nakapila. Ang mga dyip at bus ay hindi pinayagang bumiyahe. Kaya wala akong napiling sakyan kundi ang mahabang tren na ito.

    pagsali sa patimpalak

    pagtulong sa kapwa

    pagkakasakit

    pagsakay sa tren

    30s
  • Q13

    Katatakutan ang panonoorin ko kaya napilitan akong isama ang nakatatanda kong kapatid.

    pagsisimba

    pamimiyesta

    pagsakay sa tren

    panonood ng sine

    30s
  • Q14

    Naku! Pagbukas ko ng pinto ay napasigaw ako. Hindi pala ako makakapasok dahil abot-baywang na ang tubig-baha sa labas ng aming bahay.

    pagbaha

    pagmamahal sa bayan

    pagsisimba

    pagdiriwang ng pasko

    30s
  • Q15

    Takot sa iniksyon ang aking kapatid pero nang itusok sa kanya ng doktor ang karayom ay napasigaw na lamang siya sa sakit.

    panonood ng sine

    pagbaha

    pagkakasakit

    pagtulong sa kapwa

    30s

Teachers give this quiz to your class