placeholder image to represent content

Summative Test # 2 in Filipino 5 (Module 3 & 4)

Quiz by Van Aldrich Rosal

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Naiipon ang mga gases dala ng polusyon mula sa iba'ibang gawain ng tao, pabrika at coal mining na nagpapainit sa mundo at nagpapanipis ng ozone layer.

    Ipagpatuloy ang paggamit ng spraynet sa pagsusulat sa mga pader.

    Iwasan ang paggamit ng produktong lumilikha ng masamang polusyon sa hangin gaya ng plastik, straw at mga insecticides.

    Ugaliing gumamit ng mga plastik kahit hindi kailangan.

    Ipagwalang bahala ang suliraning ito.

    30s
  • Q2

    Nakita mo ang basurahan sa inyong silid-aralan na sama-sama lamang ang mga basura sa isang lalagyan. Naroon ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura. Ano ang gagawin mo?

    Ituturo ko ang wastong paghihiwalay ng basura mula sa nabubulok at di- nabubulok.

    Hahayaan ko na lamang siya dahil hindi naman ako ang makagagalitan ng aming guro.

    Hindi ko siya pakikialaman.

    Kukunin ang basurahan at aayusin na lamang.

    30s
  • Q3

    Nagkatampuhan ang dalawa mong kapatid dahil hindi sila nagkatulungan sa inuutos ng inyong nanay. Isa lamang ang sumunod sa kanila. Ano ang iyong gagawin?

    Kakausapin mo silang dalawa at papayuhan.

    Isusumbong mo sila sa iyong nanay.

    Sisisihin ko sila sa maling asal nila.

    Hahayaan mo na lamang sila.

    30s
  • Q4

    Maraming bumibili sa kantina. May maliliit at mas bata sa iyong nasisiksik at nauunahan ng malaking tulad mo. Gutom na gutom ka nang oras na iyon.

    Maghingi ka na lamang at huwag nang bumili.

    Siksikin mo na rin sila.

    Paunahin mo silang bumili.

    Ibili mo na lamang sila.

    30s
  • Q5

    Inaya ka ng iyong barkada na gumamit ng ipinagbabawal na gamot upang maranasan ang pakiramdam nito. Ano ang gagawin mo?

    Hindi ko na lamang siya papansinin at hahayanag gawin ang gusto niya.

    Ipapaliwanag ko sa kanya ang masamang dulot ng bawal na gamot sa kalusugan.

    Ibibili ko na lamang siya ngunit hindi ako gagamit ng bawal na gamot.

    Susundin ko siya bilang pakikisama.

    30s
  • Q6

    Ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa katotohanan o sitwasyon ng isang tao o lugar. Ang layunin nito ay upang mapamulat o matuto ang tao sa tunay na sitwasyon o pangyayari sa isang tao o lugar.

    brochure

    multimedia

    dokumentaryo

    printed media

    30s
  • Q7

    Ang pagpapakalat ng impormasyon sa telebisyon, radyo at pahayagan ay isang halimbawa ng __________.

    multimedia

    broadcast media

    pahayagan

    printed media

    30s
  • Q8

    Ang lahat ng nasa ibaba ay halimbawa ng printed media, maliban sa isa.

    telebisyon

    radio

    brochures

    pahayagan

    30s
  • Q9

    Ito ay isang terminolohiya na ginamit sa mga system o bagay na gumagamit ng iba't ibang media upang maipadala o maglahad ng isang uri ng impormasyon sa pamamagitan ng sabay na pagsasama-sama ng mga teksto, larawan, audio, at iba pa.

    printed media

    broadcast media

    multimedia

    radyo

    30s
  • Q10

    Dahil sa __________, lagi tayong nagiging "updated" sa mga nangyayari sa ating paligid. Nagiging updated tayo sa mga bali-balita, mapa-isports man o mapa-showbiz, hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.

    telebisyon

    radyo

    media

    newsletter

    30s
  • Q11

    Pupunta kami sa Solsona- Apayao Road bukas.

    pangungusap

    hindi pangungusap

    30s
  • Q12

    Ang paborito kong gulay ay malunggay.

    pangungusap

    hindi pangungusap

    30s
  • Q13

    upang labanan ang kahirapan

    pangungusap

    hindi pangungusap

    30s
  • Q14

    Kaarawan ni Nanay sa Linggo.

    pangungusap

    hindi pangungusap

    30s
  • Q15

    Naglaro kami ng sungka.

    pangungusap

    hindi pangungusap

    30s

Teachers give this quiz to your class